🌸CHAPTER 21🌸

9K 148 3
                                    

Chapter 21

Agatha's POV

TAAS NOO akong naglalakad sa hallway papunta sa office ni Steve. Ang mga empleyado sa establisiyementong ito ay nakasunod ang mga paningin sa akin. Bakit nga ba hindi?

Isang maiksing skirt ang suot ko. Fitted blouse na may blazer na nakapatong at high heels stiletto na kulay red.

Huminto ako sa harap ng isang cubicle. Napangiti ako nang makilala ko ang babaeng nakatitig sa monitor habang nagtatype ang mga mata sa keyboard ng computer.

"Excuse me," tawag pansin ko sa kaniya. Mahahalata sa kaniyang mukha ang gulat at tuwa nang ako'y kaniyang makilala.

"Agatha? What are you doing here?" Tumayo pa siya at nilapitan ako. Na-ilang naman ako nang bigla niya akong yakapin, "It's good to see you here, where's Tyrone?"

"Nasa bahay siya nila mommy," turan ko sa malamig na tinig, "Nandiyan ba sa loob si Steve?"

"A, Oo. May kailangan ka ba sa kaniya?" tanong nito.

"Yes," wika ko na sa pinto nakatingin.

Napansin kong lumakad siya pabalik sa cubicle niya. "Hello, Sir Steve... nandito si Aga-- si Ms. Agatha Mendoza. Gusto ka raw po makausap... Alright." Narinig kong binaba nito ang awtobido at bumalik sa harapan ko.

"Halika." Giya niya sa akin. Binuksan niya ang malaking pintuan ng office ni Steve.

Halos manlambot naman ang tuhod ko nang muling makita ang gwapo nitong mukha.

"Sir Steve," tawag ni Cattleya sa binata. Lumingon ito, imahinasyon ko lang ba o ano pero nakita kong parang ngumiti ito sa dati kong kaibigan. Nakaramdam na naman ako ng paninibugho dahil sa ngiti na iyon.

"Yes?"

"Si Agat-- Ms. Agatha Mendoza, remember?" Bahagyang kumunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.

"A, may kailangan ka, Agatha?" tanong nito.

"Yes... ahm," hindi ko alam kung paano magsisimula. Kanina sa bahay ay alam ko na ang sasabihin ko. Ready na ako pero ngayon, tila naumid ang dila.

"Kukuha ko lang kayo ng coffee." Paalam ni Cattleya sa amin. Mayamaya pa ay kami na lang ni Steve ang naiwan sa loob ng office niya.

"Maupo ka muna," wika niya sa akin. Tinuro niya ang upuan sa harap ng kaniyang lamesa. Lumapit ako roon at naupo.

"Thanks," turan ko.

"Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo, Ms. Mendoza?"

"Gusto ko sana mag-invest sa inyong company, maaari pa ba?" tanong ko. Kailangan na mapapayag ko siya.

"P'wede naman. Kailangan lang muna na makausap ko ibang investors. Bukas ay mayro'n kaming meeting. Kung gusto mo ay bumalik ka upang makaharap sila," ani na magkahawak pa ang mga kamay habang nakapatong sa lamesa.

"A, I see."

Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa trabaho. Nagtanong din ako kung pwede ba akong pumasok sa office bilang staff. Pumayag naman siya pero nasa ibang department.

'Mukhang mahihirapan akong maakit si Steve.'

"KUMUSTA ANG pinapagawa ko sa iyo?" Ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang kausap sa kabilang linya si Tita Cynthia.

"Aaminin ko po, mahirap ang pinapagawa ninyo. Pero ginagawan ko naman ng paraan," sagot ko sa kaniya.

"Good. Sige na, tawagan mo na lang ako kapag may maganda ka ng ibabalita." Iyon lang at namatay na ang tawag.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon