🌸CHAPTER 24🌸

9K 165 24
                                    

Chapter 24

Cattleya's POV

NAGISING ako nang umagang iyon na masama ang aking pakiramdam. Dahan-dahan akong naupo sa aking kama habang hawak ang aking ulo dahil kumikirot ito.

'Ano bang nangyayari?'

Nakaramdam nang pangangasim ang aking sikmura kaya dere-deretso akong bumangon sa kama at tinungo ang banyo sa labas.

Sa lababo ay napayuko ako at doon nagsuka nang nagsuka.

Halos manlata ako at manlambot pagkaraan nang ilang minutong pag-vomit doon. Napatingin ako sa salamin na nakadikit sa tapat ng lababo. Naghilamos ako nga aking mukha saka napatitig sa aking sariling repleksyon.

Dali-dali akong lumabas upang bumalik sa aking kwarto. Pagkasara ko noon ay nai-lock ko ang pinto at kinuha ang maliit na kalendaryo sa akin mini drawer sa gilid ng aking kama.

Tila tumigil naman ang tibok ng puso ko nang mapagtanto na may dalawang linggo na pala akong hindi nagkakaroon ng buwanang dalaw.

Alas-siyete pa lang nang umaga. Mabilis akong gumayak. Kailangan kong makasigurado.

Nahagip ng mga mata ko na gumagayak na rin si Sir Steve. Masamang masama pa rin ang loob ko sa kaniya kaya hindi ko siya pinansin.

Dinampot ko ang bag ko sa kwarto saka muling lumabas. Nasa sala na ako nang bigla siyang humarang sa daraanan ko. "Can we talk?" tanong niya. Seryoso ang mukha ni Sir Steve habang nakakatitig sa aking mga mata.

"Not now, Sir. May kailangan akong puntahan." Iwas ko ng paningin sa kaniya.

"Hindi ka ba papasok?" Nakataas ang kilay niya.

"Papasok pero baka mag halfday lang po ako. Una na po ako," wika ko sa kaniya.

Humakbang ako palapit sa pinto at humawak sa doorknob. Pipihitin ko na sana iyon nang bigla niya akong hilahin dahilan upang mapayakap ako sa kaniya.

"S-sir, bita--"

"I'm sorry," bulong niya.

Para namang may biglang sumundot sa puso ko. Na para bang biglang naalala ko lahat nang sakit na dinulot niya sa akin.

Nahihirapan ako huminga hindi dahil mahigpit ang yakap niya. Para kasing sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Unti-unting lumalabo ang panigin ko.

"I'm so sorry for accusing you," wika na naman niya. Hindi ako makakilos sa pagkakatayo kong iyon. Gusto na nga yatang mag-collapse ng mga binti ko dahil ramdam ko ang panginginig noon.

Hindi ako kumibo. Naramdaman ko na nag-uunahan na ang mga luha ko.

Gusto ko siya sumbatan pero wala naman akong karapatan dahil una sa lahat, kasalanan ko naman kung bakit siya naging ganito sa akin.

Kasalanan ko kung bakit naging masamang babae ako sa kaniya.

It's all my fault.

Napayakap na lang ako sa kaniya habang umiiyak. Siya naman ay hinayaan lang ako at hinihaplos ang buhok ko.

'Sana maging maayos na tayo ulit, Steve...'

"ANONG gusto mong kainin?" Napatingala ako nang biglang sumulpot sa cubicle ko si Sir Steve. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

"Kahit ano na lang," sagot ko sa kaniya. Pero sa totoo lang ay wala akong gana. Gusto ko lang matulog nang matulog.

"Sige, ako ng bahala. Pasok ka na lang dito kapag wala ka ng ginagawa." Tumango ako. Ngumiti pa siya bago umalis sa harapan ko.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon