Chapter 42

721 25 27
                                    

Chapter 42

Third person point of view

Naglalakad ang binatang si Brent sa corridor ng hawakan bigla ng isang dalaga ang kanyang kamay. Ikinagulat niya yun at agad na pinagmasdan ito.

"Sino ka?" Tanong niya, "kilala ba kita?" Ngumiti naman ang babae at tumango.

"Kilala mo man ako o hindi, hindi na ata mahalaga yun dahil wala naman tayong magandang alaala."

"Paano mo nasabi?"

"Basta, may sasabihin lang ako kaya nilapitan kita." Nagtaka naman ang binata, hinawakan muli ng dalaga ang kanyang kamay at hinila papasok sa isang room malapit sa kanila, "dito tayo baka kasi may makakita sa atin."bulong nito. Hinigit naman ni Brent ang kamay niya.

"Ano bang sasabihin mo? O may balak ka na masama?"

"Wala! Wala akong balak na masama, ako si Maureen kung hindi mo ako maalala mas mabuti yun pero dapat ganito,"

"Wala akong panahon para makinig, aalis na ako.." pero hinawakan ni Maureen ang kamay niya ulit.

"Sandali, makinig ka muna! Hanggang ngayon ang tigas pa rin ng ulo mo!!!" Naiinis niyang mahinang tinig, "kasi ganito yun, kailangan mong ingatan ang mga kaibigan mo, hwag na hwag mo silang pababayaan." Mahinang sabi niya ng may estudyante silang narinig kaya agad niyang hinila si Brent pasuksok sa may gilid ng pinto para hindi makita.

"Sinong kaibigan? Sila Lexie ba?"

"Oo, at saka ikaw mag-ingat ka rin hindi niyo alam malapit na pala sa inyo ang maaaring pumatay sa inyo."

"Nananakot ka ba?"

"Hindi, binibigyan ko lang kayo ng warning, nasa sayo na yun, kung maniniwala ka. Patawad sa mga nagawa ko dati, sana kapag bumalik ang alaala mo, patawarin mo ako." Ngiti ng dalaga.

"Ano bang--" nang may pumasok sa pintuan kaya napatingin si Brent sa may pinto.

"Oh!" Gulat na tugon ng magkaibigang magkaklaseng dumating.

"Anong ginagawa mo dyan?" Nagtinginan ang dalawa, napatingin naman si Brent sa likod niya ng di niya na makita si Maureen. Napakamot na lang siya sa ulo.

"Ah wala, aalis na ako.." binuksan niya ang pinto at agad na lumabas.

"Mukhang may ginagawang kakaiba, kaya siguro ganon?" Sabi nung isang babae.

"Pero crush ko sya, sayang.."

"Yieee tama sayang.."

Agad na mabilis na naglakad palayo ang binata at nang makarating na siya sa basketball field ay napabuntong hininga na lang siya.

"BOLAAAA!!" sigaw na narinig niya kaya agad siyang napatingin sa tagiliran ng isang bola ang tatama na sa mukha niya. Pero agad syang nakailag nang sakto namang may natamaang iba.

"Ouch!!!"

"Lowis, okay ka lang?" Agad na pag-alalay ni Brent sa dalaga na nakahawak sa noo. Nakita niya ang inis sa mukha ng dalaga saka pabagsak na ibinaba ang kamay na halatang galit.

"Mag-iingat naman sana kayo sa susunod, hindi yung may matatamaan pa kayo! Kung hindi kayo maingat, hwag na lang sana kayong sumali sa ganyang laro! Kaimbyerna!" Singhal niya, agad naman na inawat ng binata ang dalaga.

"Dalhin kita sa clinic, gusto mo ba?"

"Hindi na, kaya ko pa naman, malaman ko lang nag-aalala ka pa rin sa akin, sapat na." Ngiti nito. "May gusto lang sana akong itanong?"

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon