Chapter 35

987 35 38
                                    

Chapter 35

Lexie point of view

Nakakahiya! Nahihiya ako! Shit! Nakita niya yung ano, letse! Bakit kasi pumapasok sa kwarto namin, hindi naman siya inaanyayahan. Bwiset!

Hindi tuloy ako mapakali sa upuan ko ngayon, tinatakpan ko ng notebook ko ang mukha ko. Nang umupo sa tabi ko si Claude.

"Tinatakpan mo ba ang mukha mo?" Inalis ko kaagad yung notebook at pilit na ngumiti sa kanya.

"Hindi naman, may tinignan lang ako.. near sighted kasi ako ngayon. Lumalabo na ata mata ko.."  pasimple kong tinatakpan ng kamay ko yung mukha ko habang sinisilip yung pinto.

"Ganon ba? Pahiram ko salamin ko sa'yo?" May kinuha siya sa bag niya, nakita ko yung salamin at isinuot niya yun sa'kin. Wala namang grado sa tingin ko, pinagloloko niya ba ako? Sabagay ako talaga yung nanlolokong malabo mata ko.

"Hahaha salamat, salamat.." nilayo ko na yung notebook ko pero paharang sa may pinto saka ko tinitigan, "mukhang luminaw yung mata ko, hanggang dito kita ko yung sulat sa notebook ko."  Ngumiti lang siya sa akin at umiling.

"Wala namang grado yan, talaga namang malinaw ang mata mo. Sabihin mo sa akin, may hindi ka ba gustong makita?"

"Hala! Wala naman.. paano mo nasabi?" Saka ako tumingin sa may bintana at pumangalumbaba. Bakit nga ba kasi ako magtatakip ng mukha, dapat nga yung damuhong yun ang hwag na hwag nang magpapakita sa akin. Asar!

"Kakausapin kita mamaya sa may rooftop, punta ka ah." Bigla akong napatingin sa kanya nang saktong pagpasok nung damuhong yun.

"Waaahhh.." sigaw ko, "oo, sige sige.." nagulat pa si Claude sa sigaw ko, alam kong nagtataka na siya. Tumingin na lang muli ako sa may bintana at nasapok bahagya ang noo ko. Kainis!

Natapos ang klaseng hindi ako makatingin man lang sa harapan, baka kasi nakatingin siya. Baka kasi manyakin niya ako, ang kapal ng mukha niya. Letse! Hindi ko maimagine.

Agad kong sinakbit ang bag ko at palabas na ng hilahin ni Claude ang bag ko. Napatigil ako at tumingin sa kanya.

"Mamaya sa rooftop, baka nakalimutan mo, may iniisip ka kasi kanina pa."

"Hah!? Wala naman akong iniisip!" Pinitik niya ako sa ilong.

"Halata naman, ayan nahaba tuloy ilong mo." Napahawak ako agad sa ilong ko. Ngumiti siya sa akin at nauna ng umalis, natulala na ako.

"BRENT!!!" Sigaw na narinig ko kaya bigla akong natauhan, hinanap siya ng mata ko at agad ko siyang nakitang nakatingin sa akin. Mula sa ulo hanggang sa pababa, bigla akong nakaramdam ng inis kaya naibato ko sa kanya yung bag ko.

"BASTOS!!" Sigaw ko, tama naman sa may braso niya. Pero nagpanic na lang ako ng kukunin niya yung bag ko. Hala! Paano ko kukunin sa bastos na yun yung bag ko.

"Brent, kanino yan?" Tanong ni Tj, tinuro niya naman ako sabay ngiti. Pusang gala! Letseng manyak, ngisi pa lang.

"Nakita mo lang pero hindi mo nahawakan! Ah hindi, hindi mo naman nakita, yung ano lang nakita mooo.." napatakip ako sa bibig ko, ang daldal ko ano ba?

"Hahaha anong nakita mo tol na hindi mo nahawakan?" Tanong ni Tj, nag-umpisa nang mag-init ang buo kong katawan. Langya!

"Hoy!!" Sigaw ko, sabay lapit sa kanila.

"Yung ano---"tinakpan ko kaagad ang bibig niya.

"Tumigil ka!!" Takip takip ko ang bibig niya ng dalawa kong palad, maging mukha niya natatakpan ko na rin. "Tumigil ka sabi.."

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon