Chapter 28

933 48 7
                                    

Chapter 28

Kurt point of view.

Nakatingin lang ako sa kanya, alam ko namang malungkot na naman siya dahil kay Brent. Napakamachix talaga ng kaibigan naming yun, lahat na lang ng mahal namin siya ang mahal. Ang unfair naman, pare-parehas naman kaming gwapo.

"Ano na? Ngumiti ka naman dyan?" Tumingin siya sa akin at nagpilit ngumiti, "ngiti na ba yan?" Tumango pa siya kaya magkabila kong hinawakan ang pisngi niya at pinisil iyon.

"Aray!!"  Binitiwan ko siya at saka ako tumawa.

"Ngumiti ka kasi yung totoo, hindi yung pilit.." ngumuso siya habang nakahawak sa magkabilang pisngi niya.

"Kainis ka! Ngiti na kaya yun para sa akin.."

"Ang plastik!" Deretso kong sabi sa kanya nang hampasin niya ako sa balikat.

"Ewan!" Nang biglang magring ang phone niya, agad agad niya yung kinuha. "Sinong natawag?"

"Si Kaye.."

"Bakit daw, sagutin mo na dali.."

"Oo na, ito na.." sinagot ko naman, "hello? Bakit ka napatawag?"

"Kuuuuuurrrrrtttttttt!!!!" Sigaw ni Kaye sa kabilang linya, nakaloud speaker pa kaya sumabog eardrums ko.

"Aray naman! Hinaan mo naman boses mo!!" Aniya ko.

"Okay, okay! Ganito kasi yun, ano? Ahm kasi naman KAAAYYYAAAAAHHHH ANG SAYA!!"

"Anong balita Kaye, sabihin mo na?"

"Si Lexie ba yun? Nandyan ka ba Lexie? Naririnig mo ba ako girl?"

"Yeah, nandito ako.. anong balita mo?"

"Si Ano kasi, si kasi.."

"Anoooo???" Inis na sigaw ko.

"Ito na nga e, atat!!" Sabi niya, lalo ako nainis, ako pa atat baliw talaga tong babaeng 'to.

"Si Yana kasi gising na si---" napatay ko yung tawag at hindi na siya napatapos.

"Oh bakit mo pinatay?" Sabi ni Lexie.

"Narinig mo rin ba yung sinabi niya Lexie? Narinig mo ba yun?" Excited na sabi ko.

"Oo, gising na daw si Yana pero paano kung ano, bakit hindi mo kasi pinatapos.." napatingin ako sa phone ko.

"Oo nga ano.." dinayal ko ang number ng kapatid ko.

"I hate youuuuu!!" Bulyaw niya sa kabilang linya, masakit talaga sa tenga matining niyang boses.

"Oo na, sorry na.. naexcite lang.."

"Kamusta naman si Yana, Kaye? Nakakaalala ba siya? Naaalala niya ba ang gwapong si Kurt?"

"Hahahaha.. puntahan niyo na lang siya dito ng malaman niyo, sige bye." Saka niya binaba ang tawag.

"Tinawagan pa natin, babaan din agad tayo, may pahate-hate pang nasasabi."

"Cool ka lang Kurt, isipin mo gising na si Yana." Bigla akong napangiti, agad kong hinawakan sa kamay si Lexie at hinila siya papunta sa park, sa may kotse ko. "Hindi ka naman masyado excited?"

"Sobrang excited lang.. hahahah.." pinaandar ko na yung kotse, di na mapakali yung kamay ko. Gusto ko na siyang makita, gusto ko nang malaman kung naaalala niya ba yung gwapo kong mukha. Napapangisi na lang ako bigla-bigla.

"Hahaha mukha kang manyak Kurt.." sabay tawa ni Lexie.

"Good boy ako ah." Sabi ko, nang tumawa ulit siya, buti na lang tumawa na ulit siya. Tumigil na kami sa malaking gate ng malaking bahay namin. Agad agad na bumukas ang malaking gate, at ipinasok ko na yung kotse, agad ko naman ipinark yun at mabilis kaming bumaba ni Lexie.

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon