Chapter 31

933 46 51
                                    

Chapter 31

Lexie point of view

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pagtawag ulit ni Brent sa akin ng panget. Namimiss ko, oo pero alam ko namang wala siyang naaalala sa salitang tawag niya sa akin.

Naghilamos na ako at tumingin sa salamin sabay ngumiti. Alam ko hindi naman ako kagandahan katulad ng iba lalo na ni Lowis. Hays.

"Lexie, tapos ka na?" Tawag sa akin ni Jasmine mula sa labas ng C.r. Nagpunas na ako ng tuwalya at binuksan na ang pinto.

"Done.." saad ko, ngumiti siya at agad na pumasok sa C.R. Agad na akong nag-ayos ng sarili at dali-dali ng palabas na ng kwarto.

"Una na ako Jasmine.."sigaw ko.

"Si-Sige! Aray ang sakit ng tiyaaan ko.. Bwiset!!" Himutok niya.

"H'wag ka na muna kaya pumasok?"

"Nope! Hindi pwede, may report kasi ako, iinom na lang ako ng gamot. Pasok ka na Lexie, ako na bahala dito."

"Hm. Sige, bye.." Sabi ko saka ako tuluyang umalis. Naglalakad ako sa corridor, sa malawak at malinis na corridor ng academy. Nang biglang may humawak sa balikat ko, agad akong napalingon.

"Lexie.." Si Jules lang pala, sinamaan ko siya ng tingin.

"What? Anong kailangan mo?" Nagpout pa siya na parang bata.

"Ang sungit mo! Meron ka ano?" Dali dali ay tinapakan ko siya sa paa. "Aray! Masakit yun ah!!"

"Then.. Buti nga sa'yo.." Dinilaan ko siya saka ako nagtuloy na maglakad.

"Anong problema nun?" Mahinang sabi niya, "Labo talaga ng mga babae! Baliw!" Pero di ko na lang pinansin. Kulang na nga ako sa tulog, naaalala ko pa yung pagtawag sa akin ni Brent ng panget.

"Errr! Darn it!" Nang sa di ko sinasadya ay nabunggo ako sa isang katawan. Yung amoy, pamilyar sa akin. "So--sorry.." Aniya ko saka tumingin sa kanya.
Nakita ko lang siyang nakatingin sa akin, habang ako nakatitig lang rin. Iniisip ko pa lang siya kanina ngayon nandito na naman siya. "Sorry ulit.." Saka ako nagbow at umalis.

"Hey! Papasok ka na?" Nagulat ako sa pagtawag niya. Tumango na lang ako pero hindi ako tumingin. "Pasensya na kagabi, medyo nainis lang ako kasi.." Hinihintay ko yung sagot niya habang nakatalikod ako.

"Brent! Sorry, hindi natuloy yung kiss kagabi.." Nabigla ako kaya agad akong napatingin sa nagsalita. Halos mawasak at mabingi na naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kiss?

"Ah.. Hindi nama--okay lang.." Sagot ni Brent, patingin siya sa akin kaya mabilis ko na silang tinalikuran. Pumatak na naman sa mata ko yung mga luha ko.

"Di bale! May next time pa naman!" Nakatungo na ako, nasasaktan na naman ako.

"Hehe.." Yun ang sagot ni Brent, sabi na nga kasi Lexie, hwag ka na lalapit sa lalaking yan. Hays.

"Tara na, sabay na tayo pumasok.."

"Sige! Pang--ikaw? Le-lex--hoy! Papasok k--"

"Mukhang may hinihintay pa siya, una na tayo.." Napakuyom na lang ang kamao ko sa inis, naramdaman ko na lang ang pagbangga sa akin kaya agad akong napatingin. Inirapan ako ni Lowis at ngumisi pa siya.

"Peste!!" Nasambit ko na lang, napabuga na lang ako ng hangin dahil sa sobrang inis. Naglakad na lang ako, hanggang sa marating ko ang room.

"Good morning Lexie.." Bati sa akin ni Claude, pilit na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya. Malungkot ka na naman?"

"Hindi ah!" Sabay ang sunod sunod kong pag-iling. Lumaki pa ang ngiti ko para ipakitang masaya ako. "Oh di ba, ang saya ko.."

"Ganito dapat ang ngiti.." Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Hahaha ang cute mo!'

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon