Chapter 25

933 44 12
                                    

Chapter 2

Claude point of view.

Para bang ang tagal ko nang hindi siya nakikita samantalang ilang araw pa lang siyang wala dito sa academy. Pero sabi nila Jules, nakita na nila si Lexie kanina pero di man lang niya ako nagawang kamustahin. Nakakatampo pero wala naman akong magagawa kung di man lang ako sumagip sa isipan niya e.

"Bro, kamusta? Ayos ba yung kakantahin natin?" Tanong ni Mike habang nakaupo pa ako at binabasa pa yung lyrics.

🎶Naubos nang pagtitiwala mo sa akin.
Kahit handang sumuko at maging alipin.
Ano bang dahilan upang ikay masisi,
Pinili kong daan noo'y di ka kasali.
Mahalin muli ako..

Hindi ko kayang mawala ka.
Buong akala'y masasagip ko pa.
Hindi ko kayang mawala ka,
Sakin at mapalayo sa'yo..🎶

Napangalumbaba na lang ako at napatango na lang ako. Nakarelate kasi ako masyado sa kantang ito.

"Hugot ba?" Utas ni Mike, napatingin na lang ako sa kanya na ngayon ay nakangisi.

"Sinadya mo ba 'to?"

"Ayaw mo nun, parang kanta mo kay Lexie?" Bigla na lang akong tumayo at tinalikuran siya saka naglakad palabas. "Hoy! Di ka naman mabiro, pwede namang baguhin natin kung ayaw mo!!" Sigaw niya pero hindi ko pinansin.

Hindi ko alam pero totoo, hindi ko kayang mawala siya sa akin.

🎶Sana'y hindi ko sinunod takbo ng isip.
Nakaraang maya't maya'y sumusilip.
Pipilitin kong ika'y muling mapasakin.
May pag-asa bang liwanag sa mata ng dilim.
May pag-asa paba?

Hindi ko kayang mawala ka,
Batid kong ako ang nagkasala..
Hindi ko kayang mawala sa kaisa-isang pag-ibig ko.
Hindi ko kayang mawala ka,
Buong akala'y masasagip ko pa.
Hindi ko kayang mawala kasakin
At mapalayo sa'yo.🎶

Dali-dali akong naglakad,  hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pero gusto ko munang mag-isip, gusto ko munang magkaroon ng tamang desisyon. Lalo't naguguluhan din ako sa binalita nila Jules nung isang araw. Sana hindi na lang totoo, pero posible dahil nakita ko na rin siya at totoo ngang hindi siya nakakaalala.

"Bro!!" May sumigaw sa akin pero hindi ko pinansin, "Hoy Claude, babangga ka!!" Nagulat ako sa narinig niya at agad akong napahinto, malapit na akong mabangga sa puno. "Mukhang matindi iniisip natin Bro ha.." naramdaman ko ang paghawak ni Jules sa balikat ko.

"Hindi, wala akong iniisip.."

"Gago! Wala kang iniisip niyan, muntik ka nang mabunggo sa puno! Ano yun? Trip mo lang?"

"Pwede naman yun di ba?"

"Hahaha sira ulo! Iniisip mo siguro yung nasabi ko sa'yo nung isang araw. Hwag mo kaisipin yun, malay ba natin kung mali ako, hindi siya yun."

"Tsk!" Napasinghal ako, "sana nga kaso mukhang siya nga yun."

"E hindi dapat magsaya! Bakit parang bad trip ka?"

"Hindi sa ganon."

"Ah alam ko na, dahil kay flat, ikaw naman kasi ayan pinakawalan mo pa. Ayan tuloy, nasasaktan ka."

"Sinong may sabing nasasaktan ako?"

"Hahaha.." sabay taas niya ng braso niya sa may batok niya. "Hindi mo naman maitatago sa akin, ganyan din naramdaman ko ng iwan niya ako. Masakit pala talagang paulit-ulit na masaktan." Napangiwi ako.

"Emo ka na naman! Hindi bagay Bro.."

"Minsan lang 'to, makisama ka naman."

"Hahahah.. oo na, alam ko naman na palagi tayong ganito. Ipinanganak tayong parati na lang maiiwan."

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon