Chapter 40

904 42 32
                                    

Chapter 40

Jules point of view.

Huling araw. Huling araw na makikita namin ang kaibigan naming si Sowie, sa ataol at hindi buhay. Ganito ba talaga sa mga tao kapag nawawala, kailangan pa nilang pahirapan ang sarili nilang makita itong walang buhay. Nakikita nga nila ngunit hindi naman na nila mayakap o makausap.

Ang gulo!

Ngunit sa pagtingin ko sa kanilang lahat na nandito, unti-unti kong naiintindihan na kahit wala na siya basta't nakikita mo, pakiramdam mo ang kapiling mo pa rin siya. Nakikita ko lang lumuluha si Flat sa harapan ng ataol ni Sowie, pero wala naman ako dun para icomfort siya dahil si Claude lang naman sapat na sa kanya.

"Jules?" Napatingin ako sa tumawag sa akin, tinanggal ko ang shades ko para makita siya maigi.

"Ikaw?" Nagulat ako sa prisensya niya, bakit nandito siya? Hindi ba iniwan niya na ako, bakit bumabalik pa siya?

"Jules, can we talk?" Hindi ko siya pinansin at sinuot ko muli ang shades ko.."Jules??"

Umalis na lang ako at dumeretso sa labas ng mapansin ko si--

"Lizzy?" Napatingin siya sa akin saglit at ngumisi. Anong ginagawa niya dito?

"Oppa Jackson, pupunta muna ako dun ah.." pagpapaalam niya dun sa kasama niyang lalaki. Tumingin pa siya sa akin na para bang sinasabing sundan ko siya. Pumunta ako sa likod bahay nila Sowie, hinanap ko siya sa paligid hanggang sa maramdaman kong may nakatutok ng patalim sa may gilid ng leeg ko.

"Lizzy?" Tanong ko, habang tinitignan kung sino ang nasa likod ko.

"Kamusta ka na Jules, namiss mo ba ako?"

"Anong ginagawa mo rito?" Ibinaba nya yung patalim at daling hinarap ko siya. Nakatungo siya ngayon at nagkukuyom ang mga kamao niya hanggang sa narinig ko siyang unti-unting tumatawa.

"Yan talaga ang tanong mo sa akin? Hindi mo ba ako namiss kuya?" Pagpapaawa niya sa tingin niya, wala akong naisagot dahil naaalala ko pa rin yung ginawa niya kung bakit ko siya iniwan nun. "Sa tingin mo ba, hindi ko nababasa yang iniisip mo?" Sigaw niya.

"Bakit ka nandito?!"

"Shit! Laging ganyan ang tanong mo, ayaw mo na talaga akong makita? Bakit? Yun pa rin, yung dati pa rin ba? Tama lang naman ginawa ko! Ayaw mo kasi akong paniwalaan, iniwan mo akooooo.." singhal niya.

Napaurong ako, hindi ko alam kung kaya ko siyang kausapin ngayon. Matapos niyang gawin sa aming ina yun, hinding hindi ko yun makakalimutan. Hindi ko na lang siya tinignan at tumakbo na ako palayo sa kanya. Hindi ko pa rin siya kayang makita, naaalala ko lang yung mga araw na mawala si ina dahil sa kanya. Hindi ko kayang makita ang sarili kong kapatid.

Flashback.

"Mama! Mama!" Tawag ko, habang nililibot ang buong mansyon namin. Tinignan ko lahat ng kwarto, ngunit hindi ko siya makita pati si Lizzy. "Siguro ay nasa garden sila.." aniya ko, agad akong tumakbo sa garden ni Mama.

"Mama?!" Sigaw ko, nakarinig ako ng sigaw.

"Huwag!!!" Agad akong tumakbo sa pinanggagalingan ng sigaw. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, nakatirik sa dibdib ni Mama ang isang patalim na hawak ni Lizzy.

"Lizzy? Mama?" Tumingin sa akin si Lizzy, nanglalaki ang mata niya at tila nabigla. Puro dugo ang mukha at kamay niya.

"Kuya?!" Mahinang sambit niya pagkatapos ngumiti. "Si Mama---" natakot ako, ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng takot. Siguro sampung taon pa lang ako nun at siya walo pa lang. Pero bakit?

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon