Chapter 26

1K 42 7
                                    

Chapter 26

Claude point of view.

"Ayos ka na ba Bro?" Nagising ako sa malambot na kama, napahawak na lang ako sa kaninang nasugatan na braso ko. "Pinagaling na ni Lexie ang mga sugat mo, bakit hindi mo ata napaghilom ang sugat mo?" Tanong ni Kurt. Umiling lang ako at napatungo.

"Nasaan siya?"

"Sino? Si Lexie ba?" Tumango ako, saka dahan-dahang tumayo. "Hindi ko alam, basta pagkahatid ko dito sa'yo bigla na lang siyang umalis at mukhang excited sya." Napaismid na lang ako sa sakit na nararamdaman ko.

"Ganon ba? Sige aalis na ako." Saka ako nagsimulang humakbang.

"Di mo ba dadalawin si Yana?"

"Huh? Bakit naman?"

"Ano ka ba?" Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa harap ng computer nya. Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat, "namimiss ka na nun, magpakita ka naman sa kanya."

"Bakit nagising na ba sya?"

"Hindi pa, malay mo naman magising siya kapag pumunta ka, malay mo hinihintay ka nya."

"Gago! Isa lang naman hinihintay ng mga mahal natin di ba?"

"Hahaha.. Si Brent ba? Mukhang tama ka! Paano kung gumising si Yana at siya lang, si Brent lang ang nakikilala niya." Malungkot ang mukha niya pero mas nalulungkot ako dahil nakita na ni Lexie ang taong alam kong magpapasaya sa kanya. Susuko na ba ako?

"Sige alis na ako.." aniya ko.

"Hindi ako susuko! Kung hindi man ako maalala ni Yana paggising niya, ipapaalala ko sa kanyang ako yung pinakagwapong nagmamahal sa kanya." Nangiti lang ako sa naisigaw ni Kurt, "ikaw din Bro, hwag kang sumuko! Fighting!" Sabay pakita ng kamao niya.

Hindi na ako nagsalita  at tinaas ko na lang rin yung kamao ko bilang pagsang-ayon sa kanya. Lumabas na ako sa kwarto niya. Tumingin agad ako sa magkabilang direksyon bago ko tinahak ang papunta sanang kwarto ko pero sa babaeng pinakamamahal ko ako dinala ng mga paa ko. Sa rooftop kung saan siya nakatayo sa may tabi ng railings. Nakita ko ang mga ngiti sa mukha niya na ngayon ko lang ulit nakita. Ang totoong ngiti kumbaga.

"YABANG! MISS NA MISS NA KITA!!" sigaw niya, panibagong sugat sa puso ko. Pero pinilit ko na lang ang sarili ko, at lumapit sa kanya, tumabi ako sa kanya at tumingin sa mga butuin.

"Gabi na ah, bakit nandito ka pa?" Tumingala talaga ako, para pigilan yung luha sa mata ko.

"Masaya lang ako! Buhay si Brent, hindi man niya ako naalala pero may pag-asa di ba? Ang saya ko Claude! Tinupad yung hiling ko." Masakit marinig lahat 'to pero pinipilit kong ngumiti sa tabi niya.

"E di mabuti.."

"Huh?" Pumamaywang siya at sumimangot, "yun lang talaga ang reaksyon mo, di ka ba masaya na buhay si Brent, yung kaibigan nyo?"

"Masaya naman ako, tignan mo nga ang laki ng ngiti ko.." ngumisi pa ako para makita niya ng papatawa na siya pero pinipigil niya.

"Ang cute mo!"

"Cute lang ba ako? Hindi ba ako gwapo?" Tinampal niya ako sa balikat.

"Sira! Syempre gwapo ka!"

"Good.."

"Kapag tulog ako hahahah.." napasimangot ako sa sinabi niya.

"Ah, napapanaginipan mo pala ako kapag tulog ka?"

"Huh? Sira hindi ah.."

"Aminin mo na! Huwag mo na ideny hahaha.."

"Baliw.." sabay tampal nya ulit sa balikat ko. Tumingin siya sa langit at mga bituin. "Ang ganda talaga ng mga bituin sa langit sa gabi."

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon