"Pero... may tanong ako." Biglang sabi niya. Ano na naman kaya 'to... "Go." "May pag-asa ba 'ko?" Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Mag-iisip na naman ako ng sasabihin ko... "Kenji, alam mo namang bestfriends tayo diba?" "So wala nga?" "Ano kasi eh... Alam mo na, ayokong itaya ang friendship natin eh." "Hmm..." Tahimik ulit siya kaya nag-isip na naman ako ng makakapagpagaan ng loob niya. "Thank you... kasi naappreciate mo na pala ako simula pa nung una, kahit mataba pa 'ko. Kung sinabi mo pa kasi sakin yan dati pa eh di sana... ano diba..." Nahihiya akong idagdag yung naisip ko. Shemay. Hahaha! "Ano?" "Siguro... alam mo na." Ngumiti siya. "Ah, alam ko na. Hahaha! Nalilito pa kasi ako nun eh. Alam mo namang nagkagusto rin ako kay Melody diba... tapos ikaw naman nagpapakabaliw ka pa sa Russel na 'yon." Natawa na naman ako. Ang tanga-tanga ko talaga dati, grabe! Hahahaa! "Kahit na. Dapat pinaglaban mo. Sus! Wala ka talaga. Lalaki ka ba talaga?" "Ay grabe siya. Sorry naman, ngayon lang ako nakahugot ng lakas ng loob eh. Pero naaalala mo nung hinalikan kita? Nung nasa music room tayo?" Flashback... flashback... Ang awkward! Hahaha! "O-Oo. Ikaw kaya first kiss ko! Baliw talaga." "Hindi ko nga alam kung ba't ko nagawa sayo yun pero yun yung gustong gawin ko sa mga oras na 'yon eh." 

Bwisit ka talaga, Kenji! Ba't kasi hindi mo sinabi sakin noon! Ba't ngayon pa... Ngayon pa kung kelan ayoko nang magmahal ulit... Ayoko nang mainvolve sa mga relationship ulit... Ngayon pa kung kelan pagod na ako. Bakit ba kasi... 

"Dapat sinabi mo agad, diba." Gusto kong umiyak ngayon. Period. "Sorry, ang bobo ko talaga noh? Pinilit ko naman kasing kaibiganin ka lang kaso Mika hindi ko na napigilan eh. Habang patagal nang patagal, pahirap naman nang pahirap. Pinilit kong ibaling kay Jessa ang lahat ng atensyon ko kaso ikaw parin nasa isip ko." Hindi kami nagkakatinginan, pareho lang kaming nakatingin sa malayo. Naiiyak na talaga ako at hindi ko na sila kayang pigilan. Ayokong mapansin niyang umiiyak ako. Bwisit talaga... Natawa siya bigla kaya napatingin ako sa kanya, hindi siya nakatingin sakin. "Sobrang nanggigil ako nung nakita kitang pumayat at mas lalong gumanda. Akala ko pa nga magpapaka-bitchy ka na nun eh." "Huy! Grabe siya!" Natawa na naman ako. 

"Seryoso. Kaso hindi, ikaw parin yung matabang nakilala namin. Kaya mas lalong hindi ka na nawala sa isip ko. Tapos nakilala mo si Trystan, nawalan na 'ko ng pag-asa noon at hinayaan nalang kitang maging masaya. Hanggang sa nagbreak kayo nung una diba, ang saya ko pa nga nun eh kaso hindi parin ako pwedeng magconfess sayo dahil nag-aaway na kayo ni Melody nun tapos bigla nalang nangyari yung hindi inaasahan... Tapos nagkabalikan kayo ulit, sabi ko sa sarili ko, nandyan naman si Jessa. Mabait rin naman siya kaya sinubukan kong magkagusto rin sa kanya kaso wala parin. Dumating na naman si Russel." Tumawa na naman siya. "Naging masaya ako para sayo kasi finally, naging boyfriend mo na ang lalaking crush mo nung highschool. Syempre walang makakapantay sa sayang 'yan diba? Akala ko nga mas magtatagal pa kayo dahil nakikita ko rin namang seryoso siya sayo tapos bigla nalang kayong nagkalabuan kaya Mika, hindi ko na napigilan ang sarili kong magconfess sayo kasi ayokong masaktan ka ulit ng ibang mga lalaki. I've had enough of them. Hahayaan ko bang may sumunod ulit?" 

Sa lahat ng sinabi ni Kenji, tahimik lang ako't napapatulala. All this time?

"Teka, u-umiiyak ka ba?" Nagulat siya at pilit na sinisilip niya ang mukha ko. Nakayuko lang ako at, nakangiti, napapatawa. "Ba't ba kasi ngayon mo lang sinabi..." "Shit. Ba't ka umiiyak? Huy..." Natataranta siya at binigyan din naman ako ng panyo. Nakalimutan ko kasi yung akin sa loob eh. Kainis, ngayon pa talaga kung san kailangan na kailangan ko. "Salamat." Pinunasan ko ang mga luha ko at napatawa. "Kainis ka. Dapat sinabi mong papaiyakin mo 'ko ngayon eh." "Hala, sorry sorry! Hindi ko alam na umiiyak ka na pala. Shit..." "Baliw! Okay lang. Dami mo pa kasing sinasabi eh." Natawa ulit kami. "Ngayon alam mo na. Pero kung wala talaga akong pag-asa, okay lang. Tanggap ko naman eh. At least magkaibigan parin tayo." "Thank you Kenj ha. Kasi lagi kang nandyan sa tabi ko kahit na nasasaktan ka na. Thank you talaga." Naiiyak na naman ako letche! "Ano ba 'yan. Halika nga dito!" Niyakap niya ako nang sobrang higpit, ang weird pero ba't pakiramdam ko sobrang safe ko sa mga yakap niya. Nararamdaman ko yung emotion niya sa pamamagitan ng pagkakayakap niya sakin nang sobrang higpit. Yung parang pinoproktektahan niya talaga ako. Ang sarap sa feeling. Pero hindi. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Bounderies! "Ba't kasi ngayon pa eh..." Napapasuntok nalang ako sa likod niya dahil sa inis. "Sshh... sshhh..." "Kenji naman eh..." Para na ata akong batang umiiyak sa dibdib niya. Nakakahiya, baka may makakita pa samin dito. "Nakakainis ka talaga. Bwisit ka..." Natatawa na naman kami at hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakapan lang at sobrang gaan na ng nararamdaman ko. 

"Kenji..." Sabi ko habang paugoy-ugoyna nagyayakapan kami at parang batang kumalma dahil hinihimas niya ang ulo ko. "Hmm?" Shit, ang lambing ng boses niya. Natatawa rin tuloy ako. "Send nudes." Bigla siyang kumawala sa yakap at tumawa. "Baliw!" Pinitik niya ang noo ko. "Aray! Pag ako tumangkad!" "Sorry na. Hug na ulit dali." Nahihiya na ako, potek. "Eish. Nagaganahan rin eh. Baka may makakita pa satin ano pang isipin." "Pake nila? Bestfriends naman tayo eh." Natawa ako at niyakap siya ulit. "Amoy pawis ka na." Sabi niya. Yung feeling na bigla ka tuloyng naging self-conscious kasi baka mabaho ka na nga tapos nagyayakapan kayo. WTF. "Heh! Hindi kaya!" "Hahaha! Joke. Amoy baby ka pa din eh ang tanda mo na." "Tse! Inaaway mo pa 'ko eh." "Ano nga pala yung sasabihin mo?" "Nakalimutan ko na tuloy." "Abno ka talaga." "Nagkagusto ka nga sa abno na 'to eh." "Tss. Eh ano ngayon." "Taray!" Nagtawanan ulit kami. Ano nga ulit yung sasabihin ko sa kanya? "Ano nga ulit yun..." "Makalimutin ka na agad? Gurang ka na nga talaga." "Sige mangasar ka pa." "Joke nga lang ulit." Mas hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya na parang nanggigigil ako at kumawala na. "Balik na nga tayo sa loob baka nag-alala na yung mga unggoy dun." "Ay, oo nga pala." Inakbayan niya ako habang papabalik kami sa loob. 

Gulat silang lahat nang pumasok kami ni Kenji at nakangiti lang kami. "Aba! Okay na kaagad kayo?!" tanong ni Eazer. "Oo naman. Hindi ako matiis neto eh." pagyayabang ko sa kanila at kinurot si Kenji sa pisngi. "So... ano?" tanong ni Joyce. "Syempre bestfriends parin kami at walang magbabago. Diba baboy?" "Baboy ka dyan! Payat pa kaya ako." "Dun na din ata papunta, besh. Hahaha!" natawa silang lahat sa sinabi ni Chaldea at napasimangot nalang ako habang papaupo kami. "Tinatamad na rin naman akong magpapayat eh. Parang minamalas ako sa ganitong katawan." "Ayan kasi, sinumpa ka nga talaga." pangaasar ulit ni Cha. "Pero si Jessa, dapat kausapin niyo siya." ani Joyce kaya naman sumeryoso na ulit ang mga mukha namin. "Oo, don't worry guys ipapaintindi ko sa kanya. Kahit anong pilit at subok ko talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya eh. She's more like a younger sister to me." "Char! In-english pa eh!" "Panira ng aura talaga." reklamo ni Cha sa kanya. "Sorry na honeybunch." Inakbayan niya si Cha kaya nag-asaran na kami. "Finally! Okay na tayo, si Jessa nalang ang poproblemahin natin." 

Hindi naman kami masyadong nagpadala sa emotions at nagkasiyahan nalang hanggang sa 7 pm na kami nakauwi. Inihatid ako ni Kenji, syempre. Pinagpaalam rin ako kung bakit kami inabot ng gabi kasama ang barkada. Mukhang ayaw nga ni Mama na inaabot ako ng gabi eh pero hindi niya sinasabi. Hindi ko na nga uulitin, hahaha! Ang bilis naman kasi ng oras pag nagkakasama kayo ng mga kaibigan mo eh. Parang kulang pa nga ata yung isang buong araw. Inayos ko na ang sarili ko at humiga sa kama. Ayan, napapaisip na naman sa mga nangyari. Napapagod na 'ko sa kaka-overthink. Ang sakit lang kasi sa ulo eh. Ang dami ko na talang napagdaanan. Ayoko na munang isipin lahat ng mga problema ko kaya kinuha ko ang phone ko't nag Facebook magdamag. Hindi parin nakakapag-online si Jessa. Sana naman okay na siya ngayon, o kahit kumalma man lang. 

Nakatanggap ako ng text galing kay Kenji. 

Mika, nandito ako sa bahay ni Jessa ngayon. Buti nalang nakonsensya siya kaya pinapasok ako hahahahaha. Don't worry :) Akong bahala. Matulog ka na baboy! Good night :) 

Naoahinga ako ng sobrang lalim matapos basahin ang tinext niya. Sana naman maging okay na ang lahat. Ayoko nang mawalan ulit ng kaibigan, gusto ko na ng peaceful na buhay. 

Lord, bigyan mo na po ako ng maraming maraming problema pero wag lang po sana yung problema sa pamilya at kaibigan. :( 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon