CHAPTER 44

13.5K 350 75
                                    

Third Person's POV

"Millicent!" kaagad na nilapitan niya si Millicent na nakaupo sa sahig at basang-basa sa shower at duguan ang mga kamay. Kinuha ni Trystan ang face towel sa cabinet at binalot ito sa pulso ng babae. "Ano bang ginagawa mo?!" Galit na galit na tanong nito. Umiiyak lang si Millicent, pinatayo niya ito at pinatuyo gamit ang tuwalya pagkatapos ay pinaupo sa sofa. "Bakit mo ginawa 'yon?!" Hindi mapakali si Trystan at natatakot na baka mawalan ito ng malay o may mapano sa baby. Bumalik siya sa loob ng banyo at kumuha ng betadine at medical cotton. Hindi niya alam ang gagawin para mapatahan si Millicent kaya ginamot niya muna ang sugat nito. 

"Punyemas naman eh! Ano bang napasok sa utak mo ha?! Pano kung may nangyaring masama sa baby?!" "Sa baby ka lang naman may pakialam, diba?!" Hagulhol nito. "Pwede ba! Be mature enough naman! Nagdadalang tao ka oh! Wag ka namang sobrang paranoid! Nilalagay mo lang sa peligro ang buhay niyo eh!" Napasabunot ng buhok si Trystan at tumayo. "Iiwanan na talaga kita pag ginawa mo ulit yan!" "Yun naman ang gusto mo diba?! Ano pang sense ng pagpaparito ko?!" Pinipigilan niyang magtaas ng boses kay Millicent dahil baka magsumbong ito sa parents nila at mas magiging magulo ang sitwasyon. Hindi niya na alam kung anong gagawin. Kinukulong na siya ni Millicent at hindi niya na nagagawang kausapin o itext man lang si Musika. "Ayoko na Trystan... Pagod na ako..." Patuloy parin siyang umiiyak sa harap niya at hawak-hawak ang tiyan na para bang gusto niya itong suntukin.

Akto lang ang lahat. 

Umaakto lang si Millicent na sobra na siyang nasasaktan sa ginagawa at pinaparamdam ni Trystan sa kanya. Galit na galit siya sa ex-girlfriend nito at ayaw niyang magbalikan sila. "Please, kahit para sa baby man lang." Kinakalma ni Trystan ang boses niya kahit na gusto niya itong sermonan. "Sa isang kondisyon." Huminto sa pag-iyak si Millicent at tiningnan diretso sa mata si Trystan. "Ayokong kinakausap mo pa yung ex mo. Gusto kong iwasan mo na siya." Napapikit nalang si Trystan sa galit sa sinabi ng dalaga. "Di--- di ko magagawa 'yon. Sorry..." Parang puputok na ang ulo ni Millicent sa sobrang inis at gusto niyang mapa-oo si Trystan, gusto niyang sundin siya lagi nito. "Gusto mo bang magsumbong ako kina Tita?" "Pwede ba!" "Sige!" Tumayo si Millicent at kinuha ang blade sa gilid at itinutok ito sa pulso niya. "Magpapakamatay ako! Sa tingin mo ba di ko magagawa 'yon?!" Umiyak na naman siya na parang baliw. "Please, Millicent ibaba mo 'yan. Please." "Ayoko! Ayoko!" 

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila at nakita ang Mama ni Trystan. "Anong--- anong kaguluhan ito?!" Nagpanic ang Mama niya at kaagad na nilapitan si Millicent at kinuha ang blade mula sa kamay nito. "Anong nangyayari?!" Napangiti ng patago si Millicent mula sa yakap ng Mama ni Trystan. 

***

Musika's POV

"Ang saya ko ngayon." Bulong sakin ni Russel at kanina pa ngiti nang ngiti. "Ako rin naman eh." Napayuko ako. Kinikilig ako, sobra. 

Oo, kami na... 

At last! Kami na ng super duper ultimate crush ko nung high school. Kami na, yung matagal kong pinapangarap at hanggang daydream lang. Kami na ni Russel Tanaka na hindi lang crush ng campus kundi ng buong bayan. Kami na ni Russel, yung sobrang playboy at fuckboy na tinitingala ng mga kababaihan at mga nagbabaihan. 

"Russel..." Nandito na naman 'tong pagiging paranoid ko. Ewan ko ba, para bang hindi ko parin maibigay ang 100% tiwala ko sa kanya. "Ano? Mamaya ka nalang umuwi." Pinaglaruan niya ang mga kamay ko. Nakahiga lang siya sa lap ko ngayon, nandito parin kami sa park at wala na masyadong tao. Maggagabi na rin at lumalamig na. "Di parin ako makaniwalang kasama kita ngayon." Napatawa ako at mahinang sinapak siya sa pisngi. "Ako rin naman eh. Grabe noh? Ang bilis ng panahon." "Oo. Di mo nga 'ko pinapansin dati kasi mataba at pangit pa ako." Napasimangot ako pero bigla naman siyang bumangon at kinurot ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang ilong ko. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon