Chapter Sixteen

27.8K 528 69
                                    

Musika's POV

10:00 AM, Monday, May 30, 2016 

Bumangon ako at napatingin kay Trystan na kasalukuyan pang natutulog. Mukhang napagod ko nga talaga siya kagabi. Naligo ako't naglinis muna ng kwarto. Magluluto pa pala ako ng brunch. Mamaya ay aalis na rin kami at tutungo na ng Fukuoka by Shinkansen. (Bullet Train)

Sa pagkakaalam ko, around 1 PM yata ang last trip ng Bullet Train patungong Hakata Station sa Fukuoka dahil aabot ng 3 hours ang byahe. Nagluto ako ng Gyudon at Baked Tonkatsu. Sobrang sarap nito, panigurado. Gutom na gutom na nga ako eh, parang acid na ang nasa tyan ko ngayon. Umakyat ako ng kwarto at ginising si Trystan. 

"Hmmm..."

"Para kang abnormal. Maligo ka na dali, tas kumain na tayo habang mainit pa yung niluto ko."

"Anong oras na ba?"

His bedroom voice though...
Hoy, Mika!

"Malapit nang mag 11 o'clock. 1 PM  dapat nasa Shin-Osaka Station na tayo."
Bumangon naman siya at kaagad na naligo. Nakatalikod lang ako habang nagbibihis siya.

"Bi-bilisan mo. Nailigpit ko na rin mga gamit mo kanina pa."
"Thanks, kin. Tara na?"
Bumaba kami at kumain na. As expected, nasarapan ulit siya sa niluto ko.

"O, wala ka bang nakalimutang ayusin dito? Wala kang naiwang gamit?" Pagre-remind niya sakin at lumabas na kami ng bahay at ni-lock ito.

"I shall return." Sabi ko sa harap ng bahay at natawa sakin si Trystan.

"Sa dinami-dami ng bahay niyo dito sa Japan, san kaya tayo titira?" Tanong niya habang naglalakad kami patungong bus stop. "Ha?"

"Gusto ko sanang dito na tayo tumira pagka graduate natin ng college. Dito na rin magta-trabaho at... Magkapamilya?"
Inakbayan niya at pinaglaruan ang buhok ko.

"Pag nakapaghintay ka." Sagot ko naman at ngumiti siya sakin.
"Matagal na 'kong naghihintay, Mika. Konting-konti nalang talaga, malapit nang mangyari 'yon." Hindi ki mapigilang ngumiti sa sinabi niya. Sana nga noh?

Dumating kami around 1 PM sa train station at 1:25 pa ang byahe. Sakto talaga. Buti nalang.

Fukuoka, here we go!

***

Sumakay kami ng taxi patungong condo namin dito sa Fukuoka. Sa Kashi Danchi Higashi-Ku. Nang makaakyat na kami ay nagpahinga muna kami konti at nagpadeliver ng food dahil gutom na rin. Itinabi ko ang kurtina para matanaw namin ang view ng city. Niyakap ako ni Trystan mula sa likod at ipinatong ang ulo sa balikat ko. 

"I love you."

Humarap ako sa kanya at hinalikan siya.
Ayan na naman siya, hindi lang basta-bastang halik. Parang natututunan ko na nga siyang sabayan. Biglang tumunog ang doorbell at binuksan ito ni Trystan. Yung delivery pala namin. Hehehe!

"Namiss ko nang kumain ng fastfood!" Sabi niya at nilantakan ang McDo burger. Speaking of, hahaha! Nakita namin yung bagong commercial ng burger nila. "Batuhin mo nga ako ng maraming McDo burger para maka-move on na ko..." Pagbibiro ko sa kanya.

"Kanino ka naman di makapag move on, ha? Kay Russel noh?" Bigla akong napabitaw sa kamay niya. "Ikaw naman, joke lang eh!"

"Sus. Di talaga. Russel na naman 'yan, panigurado."

Naisip ko na naman siya tuloy. Kamusta na kaya yung unggoy na yun?

"I-Ikaw talaga... Di ka na mabiro eh."
"Sus." 
"Pag-aawayan ba natin yun?"
Nakakawalang gana tuloy kumain. Trystan talaga kung minsan may saltik rin. Out of nowhere ba naman.
"Joke lang. Hahaha!"

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon