CHAPTER 39

15.3K 326 33
                                    

Kanina pa tumatawag si Russel pero di ko sinasagot, ayoko pa siyang makausap sa ngayon. Gulong-gulo pa ang isip ko. Hinahawakan ko lang ang cellphone ko at tinititigan ito. Tumawag na naman siya. Masagot na nga lang. "A-Ah sorry Russel, nakatulog ako." "Ahh... Sorry sa distorbo. Tulog ka na ulit---" "Hindi, nawala na antok ko." "Sorry, nakadistorbo talaga ako." "Okay nga lang, ano ka ba." "Kumain ka na?" I checked the clock at malapit nang mag-12 pm. "Hindi pa nga eh, ikaw?" "Nagluluto pa si Mama. Gusto sana kitang ipakilala sa kanila eh, kung okay sayo?" Ipakilala sa parents niya? Pero... I don't want to get his hopes high. Ayokong umasa siya sakin, kahit na pinaasa niya ako nuon. Ayoko namang manakit ng tao. "S-Sige ba! Kelan ba?" "Kung pwede... bukas? Pagkatapos ng class." Nga pala, bukas na ang pasukan. Second semester, please be good to me. "Oh sige, sure! Pero kinakabahan ako eh." "Bakit naman? Mababait naman parents ko eh tsaka makakauwi kang buhay." Natawa ako. "Baliw!" "Sayo. Yiieee!" "Hala. Hahahaha! Suntukin kita dyan eh." "Eh di magsuntukan nalang tayo. San ba?"  Ang sarap niyang kurutin ngayon ha! Hahaha. "Nagiba na isip ko. Karate nalang pala." "Ops! Taekwondo black belter ako. Hahahaha!" "Eh di--- ikaw na! Psh." 

Inabutan ng ilang minuto ang pag-uusap namin hanggang sa nagpaalam siyang kakain na raw sila. Kumatok naman ang isa sa mga kasambahay namin at sinabing bababa na raw at kakain na. As usual, kami lang naman ni Kuya ang kumakain dito tuwing lunch eh. Kasabay lang namin ang parents namin tuwing breakfast at dinner. Minsan nga late pang kumakain si Kuya kaya ako lang mag-isa. "Oy busu, ore ni kosho o watasu." (Hey ugly, pass me the pepper) Binigyan ko siya ng isang masamang tingin at inabot ang paminta. Nagpaluto pala ng batchoy, di man lang ako sinali. Di ko feel kumain ng kanin ngayon eh pero masarap naman ang ulam kaya sige nalang. "Unko no nioi kagu hito." (Poop sniffer) pagmumura ko sa kanya pero syempre di ko nilakasan. "Nani tte itta no?!" (What did you say?!) I looked at him innocently at sumubo ng pagkain. "Nani? (What?) "Omae o korosu." (I will kill you) Binelatan ko siya't dinilaan. "Tch." Normal lang samin 'to. Minsan nga nagsusuntukan at nagrewrestling pa kami eh. 

Bumalik ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain at pinaandar ang TV, as usual nasa Animax, Hero o MYX lang ang channel na pinapanuod ko lagi. Kinuha ko ang phone ko't nakitang nagmissed call si Trystan... Tapos may text pa ni Russel. Jusko, ano ba naman 'to. 

Mika-chaaaaan? Tapos ka nang kumain? ^ 3^ -Russel

Busy ka ba? :(  -Trystan 

I feel like cheating! LOL assumera ng taon! 

"Oy." "Ay tae ka!" He glared at me tapos hinila ako palabas ng kwarto. "Hanashite!" (Let go!) Si Kuya talaga! Ano naman kayang trip neto? Napabuntong-hininga ako nang dalhin niya ko sa harap ng Wii at binigay sakin ang isang nunchuck. "Anong lalaruin natin?" Naghahanap lang pala ng makalaro eh. Ang immature talaga netong Kuya ko. Psh. "Tennis." "Eh di sa tennis court tayo!" "Ayokong magkapawis tsaka nakakatamad sa labas." "Tamad ka lang talaga." Inumpisahan namin ang game, minumura niya pa ako kasi natatalo ko siya. Wahaha! "Ops! Pro ako, wag ka." Inasar ko siya kaya mas lalo siyang napikon. "Tsumaranai." (It's boring) "Sus! Ang layo na kasi ng score mo sakin eh." "Urusai." (Shut up) "Nye nye nye!" Umalis siya dito sa arcade namin kaya naiwan ako. 

Naglaro ako magdamag. Lulubuslubusin ko na dahil pasukan na bukas. Minsan nalang akong nakakalaro dito. Gusto ko na ngang magkaroon ng batang kapatid eh para may mautusan rin ako gaya ng ginagawa ng Kuya ko sakin. Hays. 

Umakyat ako ng kwarto at chineck ang cellphone ko, nagmissed call na naman si Trystan. Si Russel naman tinadtad ako ng text. Jusko, isa pa 'tong si Kenji na inaasar ako sa facebook eh. Panay comment ng kung anu-ano. Ano ba naman 'to... Ba't feeling ko pinag-aagawan ako, ha? WAHAHAHA! Joke lang! 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon