Chapter Twenty Eight

18.9K 405 52
                                    

Musika's POV

"Is she going to be okay?"

"Kailangan natin siyang dalhin sa ospital, guys. Pag may nangyaring masama sa kanya, di ko talaga mapapatawad sarili ko."

"Paano 'to? We're doomed. Lagot tayong lahat sa Papa ni Mika."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko ang mga kaibigan ko sa harap ko at nag-uusap.

"Guys! Gising na si Musika!"

"Anong nangyari?"

Nagsilapitan sila sakin, hinawakan ni Kenji ng mahigpit ang kamay ko at tumingin sakin, "Mika, kamusta na pakiramdam mo?"

Naramdaman ko ring may humawak sa kabila kong kamay at nakitang si Joyce ito. "Musika! Nag-alala ako. Hihimatayin na rin sana ako kanina. Okay ka na ba?"

Si Trystan? Nasaan siya?

"Trystan..."

Lumingon silang lahat at pinadaan si Trystan. Umalis si Joyce at umupo si Trystan sa tabi ko. Umiiyak siya, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang noo ko.

"I'm so sorry, Musika. I'm so sorry..."

Bakit siya umiiyak?

"Teka, what's going on? Ba't ang tatamlay ng mga mukha niyo?"

Hindi sila umimik at nakita ko si Kenji na hiniga lang ang ulo sa kama habang hawak-hawak ang isa kong kamay.

"Kenji? Bakit?"

Tumingin siya sakin at ngumiti.
"You need to rest. May gusto ka bang kainin? Bibilhin namin ngayon."

"Teka, kin? Ano?"

Lahat sila ay hindi nakatingin sakin at nagsibalikan sila Jam at Eazer sa sofa.

"Sis, go tell her."

Nakatayo parin si Joyce na may hawak.

Oo nga pala, yung resulta ng PT...

"Trystan, ikaw nalang."

Bakit parang---

"Mika, buntis ka."

...

.....

"S-Sigurado ba kayo? H-Hindi pa naman tayo pumunta ng Doctor eh. D-Diba may possibility na mali ang result ng test? Joyce..." Bumitaw ako sa hawak nila at bumangon. Kinuha ko kay Joyce ang hawak niya at nakita ang dalawang linya mula dito.

"I also tried the extra strip at... Positive rin ang result, Mika. It's actually really accurate. Kung gusto mo, sasamahan ka namin sa clinic bukas."

"H-Ha? Hindi na ako pwede bukas, guys alam niyo naman kung anong nangyayari sa bahay ngayon, diba?"

Hindi ko na napigilang umiyak. Nakayuko ako at napasabunot sa buhok ko. Niyakap ako ni Trystan pero umiilag ako. "Kin, don't make it harder for me, please."

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon