CHAPTER 46

13.6K 348 35
                                    

 Musika's POV

Maghapon akong badtrip at tahimik lang sa klase. Kinakausap ako ng mga kaklase ko pero isang tanong isang sagot lang. Gusto kong magpakabibo ngayon! Nakakastress 'tong taong 'to. Malas talaga 'ko kahit kelan. Ano bang ginawa ko ba't ako pinaparusahan ng ganito?

Whoever cursed my love life should chill now. I learned my lesson. 

Karma ba 'to lahat? O mananatili nalang siguro akong mataba?  

"Mattaku..." (For crying out loud)

Lumabas ako ng room para pumunta ng CR. "Grabe noh? Ang swerte ni Millicent! Ang gwapo-gwapo nung guy!" Yung kinikilig ka sa ihi mo tas bigla kang may maririnig bigla na ganon? Naiinis tuloy ako. Shit! Ano ba Musika dapat di ka na affected! Bumigat yung loob ko. Lumabas akong nakasimangot at naghugas ng kamay. Napatingin sila sakin dahil nag-aayos sila sa salamin. Tiningnan ko lang sila isa-isa at umalis. Nakita ko naman silang nagbubulungan. Pake ko sa inyo. Sige lang chismis pa. Duh. 

Tinititigan ko lang ang phone ko, specifically sa conversation namin ni Russel. Ni isang text wala akong natatanggap. I feel so guilty. Ayokong mag-away kami, ayokong pati yung relationship namin madadamay. Pano kung nakikipaglandian na siya sa iba? May past siya, maaari siyang bumalik sa dati niya. I want to change him. Gusto ko ring ipakita niya saking maibibigay ko na talaga ang 100% trust ko sa kanya, at kung talaga bang totoo ang lahat ng mga pinapakita niya sakin. It's hard to fall in love with a guy who was once a womanizer. Hindi ko naman sinasabing jinajudge ko siya pero kasi... kakagaling ko pa lang sa heart break at nagkakaroon na ako ng trust issues. Badtrip pa 'tong phone ko kasi basag na basag na talaga ang screen. I might need a new one. Pagkatapos ng klase, umuwi naman agad ako sa bahay. Gusto kong tawagan si Russel pero naiisip ko rin ang pride ko. Psh. Siguro kelangan na muna namin ng space. 

Grabe, dahil lang sa pictures namin ni Trystan, nagkaganito kami. Hindi naman sa ayaw kong burahin lahat ng yun pero kasi... yung memories eh. Sayang kasi. Hindi ko lang rin siguro naiisip ang nararamdaman ni Russel. Sobrang nagiguilty talaga ako sa ginawa ko. Gusto kong mag-sorry. I want to be less immature right now. Napapagod na ako, ayoko nang makaramdam ng depression at anxiety. Baka mabaliw ako sa kaka-overthink. Wala na talagang use itong phone ko, basag na rin ang speaker. Kung ipapaayos ko pa 'to, mas mabuti pang bumili nalang ng bago kasi malaki parin ang igagastos. Bwisit talaga. 

Kinuha ko nalang ang binder ko at nag-aral pero hindi parin ako makapag concentrate. Bumaba na 'ko ng kusina para kumuha ng makakain. Yung gusto mong mag paint, gumuhit, tumugtog ng gitara, manuod ng movies, magbasa ng libro o maglaro sa Xbox o magbabad nalang sa internet pero wala ka sa mood. Gusto ko lang humiga at napapaisip na naman. Naiinis ako sa sarili ko. 

Kumain nalang ako nang kumain hanggang sa dinalaw na 'ko ng antok. 

***

"Hoy, tumataba ka na ata." Asar sakin ni Kuya habang kumakain kami ng agahan. Napatingin ako sa tyan kong nagkakabilbil na at kumain ulit. "Who cares." "So plano mo namang bumalik sa dati mong anyo?" "Kung maka-anyo ka! Mama oh! Si Kuya inaasar ako!" Pagsusumbong ko. "Magsitigil nga kayong dalawa. Nasa harap kayo ng pagkain." "Si Papa, bukas na ba uuwi?" "Oo. Parang di na kayo nasanay." Yan ang problema sa pamilya namin eh. Laging wala si Papa o si Mama dahil sa mga business meetings o trips. Kaya nga kahit na lagi kaming nag-aasaran ni Kuya, close parin kami sa isa't-isa kasi lagi kaming naiiwan dito sa bahay. Okay lang, naiintindihan naman namin. Di naman sila nagkulang samin tsaka bumabawi naman sila eh.

Ang saya sa pakiramdam kapag kumpleto kayo't sabay na kumakain, nakikita mo ang parents mo na nagba-bonding. Sige lang! Pagka-graduate ko, magiging isang sikat na Detective na ako kagaya kay Detective Conan. Hahaha! Binabagabag ako ng sinabi ni Kuya. Pumunta ako sa gym at tinitigan ang katawan ko. Sumisikip na nga yung mga uniporme't damit ko sakin. Napapagod na 'kong mag-exercise. Napatitig ako sa treadmill at cycling kung saan ako nagsimula. Kung saan ko nilabas lahat ng pawis para lang mawala sakin ang mga tabang kalaban ko, ibibuhos ko lahat ng insecurities ko at lahat ng mga sakit na naidulot ng pagiging mataba ko. Naaalala ko pa nung naospital ako sa walang tigil kong page-exercise.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon