CHAPTER 45

12.9K 340 77
                                    

Musika's POV

Kanina pa 'ko naghihintay dito sa cafeteria at uminom nalang muna ako ng calamansi juice dahil medyo nagugutom na 'ko at paborito kong inumin 'to. Ang tagal talagang matapos ng klase ni Russel. Gusto kong tumambay nalang muna sa library pero nakakapagod nang umakyat ng hagdan. Nasa fourth floor pa 'yon tsaka nakakuha ako ng magandang pwesto. 

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa at nakitang nagmissed call si Trystan. 

Siya na naman... Unti-unti ko na nga siyang kinakalimutan pero paano kung lagi niya parin akong ginugulo? Nalilito ako sa tuwing pumapasok siya sa isipan ko. Masaya naman ako kay Russel ngayon eh. Alam kong mahal ko na siya. Nararamdaman ko. 

Tumawag na naman si Trystan at nag-aalangan akong sagutin siya. Ayoko nang marinig ang boses niya, ayoko na siyang kausapin pero... ba't parang gustong-gusto ko? Bumabalik na naman yung pakiramdam na miss na miss ko na siya... Sasagutin ko ba o hindi? 

"Akin na yan." Nagulat akong agad na kinuha ni Russel ang cellphone ko't pinatay ito. "Nasan susi nito?" Ibig-sabihin niya ay yung susi ng lalagyan ng sim. "Anong gagawin mo?" "Basta!" Alam kong kukunin niya ang sim at ayokong gawin niya 'yon. Marami akong contacts sa sim na 'to at ginagamit ko pa sa mga transactions. "Russel, ibblock ko nalang siya. Wag mo nang kunin 'tong sim ko. Marami akong contacts dito eh." "Ibibigay mo ba Mika o hindi?" Wala akong ibang nagawa kundi ang kunin ito mula sa wallet ko. Agad naman niyang binuksan at sinira yung sim. Wala na... 

Wala na? 

Ba't ako nanghihinayang? Dahil ba hindi na 'ko makocontact ni Trystan? Aaaarrgghh! Nakakainis naman 'to eh! Dapat di ko na siya iniisip! Wala na dapat akong pakialam! 

"Ayan. Di ka niya magugulo ulit." "A-Ah oorder na muna ako ng kakainin natin. Gutom na 'ko eh. Anong gusto mong ulam?" "Kahit ano." Halatang galit siya at chinecheck ang cellphone ko. Ba't hindi ganyan si Trystan sakin? Di niya naman pinapakialaman ang phone ko. Siguro naman talagang may tiwala lang siya sakin o... wala siyang pake? Ah! Ewan. Ba't ko ba pinoproblema 'yon. 

Tahimik parin kaming kumain hanggang sa natapos kami at tumambay nalang muna. Nagfe-facebook lang siya habang ako naman, kinikilatis kung galit pa ba siya o ano. "Wuy..." "Hm?" "Nakasimangot ka eh." "Naiinitan lang." "Library tayo?" "Ayoko, masyadong tahimik." "Eh... sa mini forest?" "Ayoko, magulo mga studyante dun." "Okay..." Napabuntong-hininga ako at nagfacebook nalang rin. 

"Gusto kong burahin mo lahat ng pictures niyo dyan sa facebook mo. Pati videos o kung ano pa." Napatingin ako kay Russel. "Ha?" "Narinig mo naman diba." Hindi ako nakasagot at pinuntahan ang albums ko. Masyadong marami ang mga litrato namin ni Trystan... at nung nasa Japan kami. Ang ganda ng mga kuha eh. "Mukhang ayaw mo ata." "Ha? Hindi ah... S-sige..." "Labag sa kalooban mo?" Ba't ang strikto niya sakin ngayon? "Hindi. Buburahin ko na nga." "Pati dyan sa cellphone mo. Ayokong may makita kahit isa." Tahimik lang akong binubura ang lahat. 

Yung mga pictures namin nung highschool...

Yung prom night at graduation... litrato naming dalawang nakasuot ng toga at marami siyang medals... 

Yung nasa Japan kami... 

Nasa condo niya, kasama ang barkada... 

Lahat-lahat ng mga memories namin... buburahin ko na ba?

"Hindi mo magawa?" "Hi---" "Dozo." (Do it, please) 

Binigay ko sa kanya ang phone ko para maipakitang nabura ko lahat ng pictures... na kasama ko si Trystan. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon