CHAPTER 49

16.8K 326 91
                                    

Musika's POV 

Hindi naman kami masyadong nagtagal sa loob ng kainan kaya nagyaya na naman si Cha na mag-karaoke raw muna bago umuwi pero walang alcoholic drinks. Para mawala raw kahit papaano ang tension namin. "Mas masaya sana kung nandito si Jessa eh." Panlulumo ko nang makapasok kami sa karaoke room. Inilapag ko ang mga pinamili naming finger foods, partida busog sila ha kaya ako lang ata ang kakain ngayon. Hahaha! Snacks lang naman 'to eh. Mga chichirya lang naman tsaka soda. Sa single sofa ako umupo para naman hindi makatabi si Kenji. Alam niya naman siguro kung ba't ko siya iniiwasan. Mahirap na eh. 

Una nila akong pinakanta at pinili kong kantahin ang "The Show" by Lenka tapos si Cha na ang sumunod. Sobrang ingay pa ng napili ng baliw. "Since You've Been Gone" pa talaga ang kinanta. Hahaha! Sumunod naman si Joyce na galing ng Family Reunion nila kaya mas lalong umingay sa loob. Kinanta ba naman nilang dalawa ang "Halik" by Aegis, hahahaha! Hindi na nga halos kumakanta kasi sinisigaw na nila yung lyrics eh, mga baliw talaga. Ako naman, natatawa lang sa kanila habang kumakain tapos si Eazer kumakanta rin ng mga kanta ng Parokya ni Edgar, habang yung isa naman... wala, katulad ko tahimik lang rin. Sobrang intense eh, noh. Maya-maya lang ay kumanta si Kenji kaya nawala ang mga ngiti sa labi ko nang kantahin niya ang "Superman" by Five For Fighting. Ang ganda kasi ng boses niya, yung sobrang lamig sa tenga mo. 

Umupo si Joyce sa gilid ng inuupuan ko at inakbayan ako. "Okay na kayo?" Inirapan ko siya. "Hindi. Nagkakailangan parin kami eh." "Besh naman, pano na pagkakaibigan niyo?" "Ewan ko." Nakatutok lang ako sa kanya habang kumakanta siya. "Di ko alam kung pano pa 'to ayusin eh. Ang sabi niya, siya na kakausap kay Jessa." "Nakakastress naman 'tong pagsasamahang 'to o." Nagtawanan kami ni Joyce. "Mabubuang ako sa inyo eh." "Saya niyo dyan ah. Anong meron?" Lumapit si Eazer. "Wala. Girl talk lang 'to kaya alis dito." Pabirong tinulak siya ni Joyce pero hindi parin umalis. "Baka binabackstab niyo 'kong dalawa ha!" "Assuming!" Sabi ko sa kanya habang tumatawa. Kahit anong kabaliwan ang mga pinag-usapan namin at sumali na rin si Cha. Hindi ko maiwasang hindi tingnan si Kenji dahil nasa sulok lang siya at kaharap ang cellphone niya. May part sakin na gusto siyang tabihan o lapitan at kausapin siya't sabihing okay lang at hindi ako galit. 

Hindi niya naman kasi kasalanan kung ba't nagkagusto siya sakin diba? I mean, we all have been there.

Kumanta ulit si Cha kaya hindi na kami nakapagusap. Now's the chance to approach him. Kaibigan ko parin naman siya kahit papaano. Hindi ko nga kasi hahayaang matalo sa love-love na 'yan. "Yo." Napaangat ang ulo niya sakin at umupo ako sa tabi niya. "O-O?" Tumawa ako. "Mukha kang tanga dyan. Ang tahi-tahimik mo!" Hindi siya umimik pero parang tangang ngumiti sa huli. Dahil sobrang ingay dito sa loob, sinabihan ko siyang mag-usap kami sa labas kaya nagpaalam muna kami sa kanila. Pumunta kami sa terrace. "Malamig dito tsaka wala kang dalang jacket o." Sabi niya. "Okay lang, mahilig naman ako sa lamig eh." "Akala ko huhugot ka na naman." Natawa ako at pabirong binatukan siya. "Aray ha. Kung makabatok 'to." "Ikaw kasi eh." "Anong ako?" Natawa parin ako at saka sumandal sa railings at pinagmasdan ang view. "Sorry talaga, kasalanan ko talaga 'to eh." "Syempre! Alangan namang kasalanan ko diba?" Pagbibiro ko. "Talaga. Pa-cute ka kasi eh." Binatukan ko na naman siya. "Pinagsasabi mo! Hindi kaya!" "Joke nga lang! Pabebe talaga." "Talagang!" Napakagat ako sa labi ko at sinuntok siya. "Grabe! Napakasadista talaga." "Ang dami mong sinasabi ha! Napaka-judger mo." Natawa kami pareho. "Judger" Hahahahahaha! "Di ka na galit?" Tanong niya. "Ha? Hindi naman. Ba't naman ako magagalit eh naiintindihan ko namang sobrang ganda ko talaga kaya ka nagkagusto." "Aaaahhh ganon." Binigyan niya na naman ako ng mapangasar na ngiti. "Seryoso nga! Hahahahaha! Joke lang!" Yung natapos na kayo sa kakatawa kaya tahimik na ulit tapos ramdam mo nang magiging seryoso na ang usapan. Hahaha! Juice colored. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon