"Miss, tulungan na kita."

Napaangat yung ulo at hindi ko inaasahang isang engkantado ang bababa sa lupa upang tulungan akong magdampot ng mga libro ko. Sana pala ay mas maraming hinulog na libro si Isay.

Patuloy ko lang siyang pinapanuod habang inaayos yung mga gamit kong nahulog, napalingon ako kay Isay miski siya ay tulola.... tulo laway.

Tumayo na siya matapos niyang damputin at ayusin yung gamit ko. Pero nagulat ako nung i-abot niya sa akin yung mga kamay niya. Hindi ko alam yung gagawin ko para akong napako sa kinauupuan ko. Nakatitig lang ako sa kamay niya.

"Miss, are you okay? Mabuti pa ay tumayo ka na para hind ka madumihan."

At isang nakakasilaw na ngiti yung pinakawalan niya. Grabe napaka gwapo ng taong ito. Yan lang ang umiikot sa buong utak ko. Unti-unti kong itinaas yung kamay ko para abutin yung mga kamay niya. Nanginginig akong inabot ito.

"There you go. Here's your stuff." Sabay abot sa akin ng mga gamit ko.

"A-ah a-ano... t-thank you po, Mister."

Lumaki yung mata ko nang marinig ko siyang tumawa. Napakahinhin ngunit maginoo.

"You don't need to call me Mister, just call me July."

Isa na namang nakakasilaw na ngiti pinakawalan niya at kitang-kita ko kung paano lumitaw ang mga dimples niya.

"And you are?"

Ako? Ako bang tinatanong niya? Wait? Anong isasagot ko? Parang nabubuhol yung dila ko at walang gustong letrang lumabas sa bibig ko.

"Oh I see, your name is Rara? Cute name for a cute girl."

Nagtaka ako paano niya nalaman? Para niyang nabasa ang nasa isip ko dahil itinuro niya yung pangalan sa libro ko.

"I have to go, nice meeting you, Rara."

Tsaka siya tumakbo palayo, at kami ni Isay tulala pa rin hanggang ngayon. Nagkatinginan na lang kaming dalawa dahil hindi namin ma-process lahat ng nangyari.

"Girl, nangyari ba lahat nang iyon? Parang panaginip."

Hindi na ako nagsalita, hinila ko na lang si Isay pauwi ng dorm at baka bumula pa ang bibig nito bigla. Nang makauwi sa dorm, nilapag ko yung pahamak kong gamit at humiga sa kama ko. Narinig ko si Isay na biglang tumili na naman.

"Ay! Isay! Ano ba yan?!"

Nakita ko siyang nakahiga sa kama na parang bulateng nilagyan ng asin kaya kumuha ako ng unan at ibinato sakanya para tumigil.

"Aray! Rara naman! Kinikilig ako eh, enebe! Dapat ako na lang yung nagpulot kanina para diretso yakap ako dun sa... wait, anong name niya ulit? Yung pogi, gwapo, yummy, exciting, and bombastic guy na yon?"

Kunot noo akong hindi makapaniwala sa deskripsyon niya kay July.

"July ang name niya. Tsaka, sobra ka naman maka describe? Tao din naman iyon na kapag umutot, mabaho." Nagulat ako nang biglang may humagis na unan sa mukha ko.

"ISAAAY!!" hiyaw ko sa sakit nang pagkakabato niya ng unan sa mukha ko.

Siningkitan ko siya ng mata, agad naman siyang nag-peace sign sa akin. Puro talaga kami kalokohan nitong kinakapatid ko, ilang sandali pa ng pagdadaldal nita ay nakatulog na si Isay kaya nag-ayos na ako ng mga kalat dito sa dorm.

Dalawa lang kami dito sa kwarto at sagot din ng Nanay niya itong pagdo-dorm namin, at kahit baon  ko sa eskwelahan ay sagot din.

Tinanggihan ko na nga si Ninang minsan pero ayaw niya dahil parang tunay na anak na ang turing niya sa akin. Nag-iisa lang kasi si Isay at ako ang tinuturing niyang kapatid. Maswerte ako at mayroong nagmamalasakit sa akin at tumutulong.

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now