Chapter 1 - It Started With A Mess.

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin si Roxanne sa kaibigan. "Ano ka ba. Huwag na. Okay na ako. Andyan ka naman eh." Tipid na ngumiti si Roxanne sa kaibigan.

"Ah basta. Iwasan mo kasi ang mga oily foods para hindi ka na magka pimples. Maputi ka naman eh. Need mo lang mag diet." Sabi pa ulit ni Yna.

Dalawang taon nang magkasama sa apartment na iyon sina Roxanne at Yna. Magkaklase ang mga ito noong second year college na sila. Bagong lipat pa lamang si Yna sa Unibersidad de San Gabriel at magka course sila kaya sila nagkakilala.

Noong una ay hindi akalain ni Roxanne na makakasundo nya ito. Sa unang tingin pa lamang kasi ay tila masamaa ng ugali ni Yna. Palagi itong naka make-up at hindi nawawalan nang chewing gum na nginunguya sa bibig. Madalas rin itong naka skirt dahil maaari silang magsuot nang civilian.

Nagkataon naman na ang katabing upuan na lamang ni Roxanne ang bakante kaya roon pinaupo si Yna. Nasa likuran kasi si Roxanne dahil bukod sa matangkad ito ay medyo loner sya, at hindi nya makasundo ang mga kakalase nya.

Nalaman ni Roxanne na naghahanap nang mauupahan si Yna nang minsan ay kinausap sya nito at tinanong kung may alam syang pwedeng upahan. Nagkataon rin na nang lingo na iyon ay umalis na ang isa nyang kasama na si Jobel dahil uuwi na ulit iyon sa probinsya.

Doon nagsimula ang kanilang pagkakakilala. Nagkasundo sila dahil pareho pala silang palakwento, masayahin at karamihan nang mga hilig nila ay nagkaka tugma. Pareho sila sa maingay na music, fan sila nang ilang rock bands, foreign at local. Pareho rin silang mahilig mamili sa mga ukay-ukay kaya ang apartment nila ay tila dressing room na.

Pareho rin silang umiinon na nang alak. Isang dahilan kung bakit hindi sila close sa mga kaklase nila ay pakiramdam nila ay tila nagmamalinis ang mga ito. Tila mga inosente at hindi totoo sa mga sarili. Si Yna ay naninigarilyo. Si Roxanne naman ay marunong rin ngunit bihirang bihira kung manigarilyo.

Taga Cavite si Yna, at nang matanggap sa trabaho sa Canada ang mama nito ay nagpasya si Yna na lumuwas at doon mag-aral. Hindi nito nakilala ng ama dahil buntis pa lang ang mama nito nang iwan sila nito. Sustentado ito nang ina nito, pati ang laptop nito at kung anu-anong gadget na ipinapahiram naman ni Yna sa kaibigan.

Si Roxanne naman ay taga Manila lang ngunit ang mga magulang naman nitoang nagpasyang umuwi sa probinsya at ang nag-iisang kapatid na babae ay nag-asawa na at nasa ibang bansa na. Pinapadalhan lang din ito nang pang-gastos at pang-tuition.

Lalong tumibay ang pagkakaibigan nila. Kapag hinahanap nang mga tinataguang manliligaw nya si Yna ay si Roxanne ang ipinangdadahilan nya. Ito ang pinapasabi nya na lumipat na si Yna.




Sabado nang hapon. Walang maisip gawin si Nikko kaya tinawagan nya ang mga kapwa nya model upang ayain ang mga ito gumimik. Sabado noon kaya alam nyang may kanya-kanyang bar na pupuntuhan ang mga ito kung wala silang photoshoot o schedule.

Napagkasunduan nilang magkita sa isang mall nang alas-syete nang gabi. Sabay sabay na lang rin silang kakain nang hapunan sa isang restaurant.

"Hey, baby boy. Looking good." Salubong na sabi ni Andrew kay Nikko. Ramp model ito at nag-iendorso rin ito nang men's under garments ng isang sikat na shop.

Ngumiti si Nikko at nakipag-apir rito. "Si Jake?" Tukoy ni Nikko sa isa pa nilang kasamang model.

"Nasa parking lot pa. May inaayos lang. By the way, kasama namin si Amber." Nakangisi na sabi nito.

Biglang nawala ang ngiti ni Nikko. "Your'e kidding me, pare."

Natawa si Andrew sa reaction nang kaibigan. "Of course not. She's really with us. She heared na tinawagan mo si Jake at nag-aaya gumimik."

Faking It (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon