Kung hindi ko lang alam na judeng itong nilalang na ito, kikiligin ako eh. Pero syempre, alam ko na. "Sumama ka sakin ha?"


I raised an eyebrow. "Bakit gusto mong mag-bar bigla? Baka magalit ang fiance mo---"


"Let's not talk about him, okay?" I watched as he rolled his eyes. "I want a breather. We had a fight last night. Gusto na niya kasi akong pakasalan agad." Sabi niya.


Nanlaki yung mata ko. "Edi ba nag-yes ka naman nung nag-propose siya? Bakit ayaw mong magpakasal--"


"He wanted to marry me next month. Agad agad! Diba nakaka-frustrate? Hindi ko pa nasasabi sa parents ko na fiance ko na si Jordan and he wants to make panhikan agad!"


"Ah. Oo nga, ano." Yun lang ang nai-comment ko. "Ano nga ulit yung point ng pagpunta natin sa bar?"


"For me to---no, for us to breathe and forget all the fucking things that stressing our beauties!" Sigaw niya. "I will kill you if you say no."


Pumayag akong sumama hindi dahil takot akong magalit sakin si Eurisse. I said yes because like him, I want to forget the things that freaks the hell out of me and breathe before facing my upcoming exhibit.


--

"Eurisse, saan yung CR dito?!" Sinigaw ko sa tenga ni baklita na walang tigil sa pagsayaw at giliw na giliw sa lalaking kaharap niya.


"Dear, just call me Yuri!" Sigaw niya sakin pabalik. Patuloy pa din siya sa pagsayaw sa harap nung lalaking kulang na lang hubaran si baklita. Inirapan ko siya at hinila sa gilid ng dancefloor.


"Hey kiddo! See you later!" Sigaw niya sa lalaking iniwan namin. Hinarap niya ako ng nakasimangot. "Yvonne, I told you to have fun!" Sabi niya sakin. "Pero anong ginagawa mo? Bumutas ka lang ng bangko at pinuputol mo ang kaligayahan ko."


Pinanood ko siyang magsindi ng sigarilyo. "Kanina ko pa gustong umihi ehh! Saka tinatawagan kita kanina, hindi ka sumasagot." Sabi ko. "Saan na ba kasi yung CR dito?"


It was his turn to roll his eyes. "Kaya wala kang nabibingwit na lalaki eh. Ayaw mong maki-socialize sa mga boys. Come on, Yvonne!"


"Gagawin ko yun pagtapos kong umihi. Promise." Sabi ko. "Kung ayaw mong ihian kita."


Sinamahan ako ni Eurisse sa tapat ng CR ng mga babae. "Damn. Iwan na muna kita dito." Sabi niya sabay takbo.


"Uyyy. Bakit? Uwi na tayo?"


"Hell no! Umihi ka na! Text kita kung nasaan ako!" Sigaw niya hanggang makalayo na siya.


Pumasok ako ng cr at nagbawas. Shit. Ginhawa. Nag-retouch ako at nagtagal pa sa tapat ng salamin.


I checked my phone and learned that it's only 8:30 in the evening. So, isang oras na pala akong nabo-boring.


"Ayyy buhok sa ano!" Sigaw ko nung nagulat ako sa vibration ng phone ko. Dahil maingay sa bar, binilin sakin ni Eurisse na i-vibrate yung phone ko.


Sinagot ko yung tawag ni Tyrone.


"Hello?"


"Where the hell are you?" Bungad agad sakin ni Tyrone. Ramdam ko yung barlaness niya hanggang dito. Anong ginawa ko sa kanya?



"Bakit galit ka? Sakit sa tenga ng sigaw mo ha." Sabi ko.


"Pumunta ako sa apartment mo. Obviously, wala ka." He said coldly. "Mind if you tell me where you are right now?"


Hala? Ano bang ikinagagalit niya?!



"Kung badtrip ka sa trabaho mo, wag mo kong idinadamay. Bakit mo ba ko hinahanap?" Ang galing manghawa ng kabadtripan nitong taong to.


Matagal siyang sumagot. "Mom was discharged from the hospital." Sabi niya. "Tell me where you are and we'll talk." He sounded... pissed and tired.


"Wow. Ibig sabihin magaling na si tita? Thank God." Sabi ko.


"Yes, she finally recovered. But there's a problem." Sabi niya. "Tell me where you are."



"Uhm, I can't." I whispered. "Nasa... uhm, niyaya ako ni Eurisse mag-dinner eh. Saka... hindi ko siya maiiwan."


I heard him sighed. "That engaged guy from third floor?"


"Oo. Uhm. Sige ha, bukas na lang tayo mag-usap. Okay?" Hindi ko na siya hinintay sumagot at pinatayan ko na siya ng phone.


May feeling ako na lalong maiinis sa akin si Tyrone kapag sinabi ko yung totoo.


Tinawagan ko si Eurisse. "Ahm, saan ka?" Lumabas ako ng bar para marinig ko siya.


"Nandito ako--may---na dito!" Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya kaya tinext ko na lang siya.


Eurisse, nasa labas ako ng bar. Something came up and I need to go home. Okay lang? Sorry ha.



Hinihintay ko yung reply niya nung may lalaking humawak sa bewang ko.



"Hi, miss. Want some company?" Nilingon ko yung lalaki at nakita ko kung paano niya ako titigan. Halatang lasing na siya kasi namumula na yung mukha niya.


I jerked away tapos nilayuan siya. "Ahm, no thanks. I'm waiting for someone." Sobrang kinakabahan ako.


Ganito yung mga napapanood ko sa tv eh! Ang kaibahan nga lang, wala akong boyfriend na magliligtas sa akin!


"Uy, pakipot. Challenging." Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at hinila. Sumigaw na ako ng tulong.


Thank God at may nakarinig.


Mabilis yung mga pangyayari. Basta, nakita ko na kang yung lalaking manyak sa sahig na tulog. Tiningala ko yung lalaking gumawa nun.


At sobrang nanlaki yung mata ko sa lalaking nakangiti sakin. "Hey there."


Hindi siya yung ine-expect ko.

--

#Savior #Breather

Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (Kalandian Chronicles #1)Where stories live. Discover now