Nagpapaalala na dumaan nga si Quen sa buhay niya.

***

Napasinghot at pinahid ni Quen ang isang patak ng luhang tumakas sa kanyang mata. Matapos niyang makita ang resulta sa puting bagay na hawak ni Ronchie. Paulit ulit niyang Zinoom ang camera para lang makasiguro siya.

D*mn! It's positive!

Pakiramdam niya ay walang paglagyan ang tuwa sa kanyang puso. Ronchie was carrying her baby!

Gusto niyang pasukin ang dalaga sa loob ng kwarto nito at yakapin ng mahigpit. But it's not yet the right time.

Dahil hindi siya makalapit sa dalaga kapag nasa bahay ito gumawa siya ng paraan para mabantayan ito. 

He is Quen kaya walang imposible sa kanya!

Nilagyan niya ng Camera ang bawat sulok ng kwarto nito. 

"Tita!!! Tito!!!" humahangos na tawag niya sa Tiyahin at tiyuhin pagdating niya sa Mansion ng mga Sarmiento. Hinahaplos ni Zion ang buhok na misis na si Thea habang nakaunan sa kanyang hita at nagbabasa ng Libro. 

Agad na napabangon ang ginang. "Whats happening to you?"

"Tita! I hit it!" halos tumalong pahayag niya. Lumapit siya dito at pinupog ng halik ang mukha ng tiyahin.

"Hit what?" nakakunot noong tanong naman ni Zion.

"It's positive!"

It was Thea's turn to frown, di yata at nag aadik na ang pamangkin. Kung ano anu ng sinasabi nito. "Wait iho, callm down! Hit? Positive? Are you on drugs?"

Napahalakhak naman si Quen sa sinabi ni Thea masaya siyang bumaling sa Tiyuhin. "You're plan worked Tito! You're gonna be grand parents again! Ronchie's pregnant!" 

Zion laughed at tinapik nito ang balikat niya "Very Good Iho! A Sarmiento never missed! We are sharp shooters!" mayabang na sagot nito.

"Congrats iho! Your gonna be a dad! Parang kailan lang ang liliit niyo pa" hindi maiwasang mapasinghot ni Thea. Time really flies so fast. 

Lumapit naman si Quen at malambing na niyakap ito "Thank you Tita, thank you!"

"Enough for the drama! Call the other's! Let's celebrate!" Zion.

***

Nagising si Ronchie ng makaramdam ng gutom. Napatingin siya sa orasan sa gilid pasado alas dose na. Sinipa niya ang kumot para mapunta ito sa paanan at para makatayo siya.

Bumaha ang liwanag matapos niyang buksan ang ilaw. Sanay naman siyang magpasikot sikot sa kwarto niya kahit madilim ngunit iba na ngayon. Ayaw niyang may mabangga o madulas siya, may maliit na anghel na sa kanyang sinapupunan.

Akmang pipihitin niya ang pinto para lumabas ng mahagip niya ang natatakpang gatas sa ibabaw ng kanyang mesa. 

Lumapit siya at hinawakan ito. Nakakapagtaka mukhang kagagawa palang dahil mainit pa to. Binuksan din niya ang platong may takip. May cookies! Dahil sa gutom hindi na siya nag isip kung kanina galing ang mga ito. Hinila niya ang upuan at mabilis itong nilantakan.

"Baby ng takaw mo!" aniya habang haplos ang kanyang pipis pang tiyan. Natawa siya ng mapadighay pa siya. 

Bumalik siya sa kanyang higaan ng makaramdam ulit ng pagbigat ng talukap ng mga mata. Muli niyang itinuloy ang pagtulog.

Ng makasigurong tulog na ang dalaga ay lumabas si Quen mula sa pinagkukublihan. Puno ng ingat na umupo siya sa tabi nito. Masuyo niyang hinaplos ang makinis na pisngi ng dalaga.

"Sleep well sweetie..." pabulong niyang saad. Magaan niyang dinampihan ng halik ang mapupulang labi nito. Bago siya tuluyang umalis. 

***

Ilang araw ng nagtataka si Ronchie na tuwing magigising siya ng madaling araw ay may nakahanda ng pagkain sa kanyang mesa. Ng tanungin niya ang kapatid at Ina ay hindi naman daw pumapasok ang mga ito sa kwarto niya.

Kaya ngayong gabi ay nagpasya siyang huliin kung sino ang gumagawa nito. Pasado alas onse na, kahit antok na antok na siya ay pinilit niyang huwag pumikit ang mata. Para hindi tuluyang makatulog ay kinukurot kurot niya ang sarili.

Tumayo siya malapit sa switch ng ilaw ng mabuksan niya ito oras na pumasok ang kung sino mang naglalagay ng gatas at pagkain sa mesa niya dis oras ng gabi.

Maya maya pa ay nanigas siya ng unti unting lumangitngit pabukas ang pinto. Inilluwa nito ang isang bulto ng lalake. 

Nang mailapag nito ang dala sa kanyang mesa ay saya siya nagpasyang buksan ang ilaw. "Sino ka?" iniumang niya dito ang hawak na walis tambo.

Nalaglag ang panga niya ng unti unting masilayan kung sino ito. "Sweetie..." noong una akala niya ay likha lamang ng kanyang imahinasyon. Ngunit ng marinig niya ang tinig ng binata ay tila naghabulan ang mga daga sa kanyang dibdib.

Napatingin siya sa umbok sa harap nito, hindi nga siya nagkakamali. Totoo ngang nasa harap niya ito. Hindi maipagkakaila ang Anaconda nito.

"Bakit ka nandito?" Pinili niyang maggalit galitan para pagtakpan ang pamumula ng mapansin nakita nitong tumitig siya sa harap nito. Ang maniac kasi!

"Sweetie let me explain!"

"Umalis ka na! Ayokong makita ang pagmumukha mo!" 

Lumarawan ang kirot sa mukha ng binata. "Fine... I'll leave for now, pero iiwan ko ang mga ito" tukoy nito sa pagkaing dala. "Don't starve yourself and our little one" laglag ang balikat nitong saad.

Nanghihinang napaupo si Ronchie sa kanyang kama matapos umalis ni Quen. Napahilot siya sa sentido. Akala niya ay hindi na muling magpaparamdam pa ang binata. Pero paanong ito pala ang naghahatid ng pagkain niya gabi gabi. 

Napatingin siya sa pagkaing dala nito. 

"Don't starve yourself and our little one" 

Pag uulit niya sa isip sa sinabi nito. Di yata at alam nito na buntis siya.

Tila nagpapansin namang pumintig pintig ang kanyang tiyan at nakaramdam ng gutom. Hinaplos niya ito "Hmmmm-- pasalamat ang Tatay mo baby at gusto mo ang pagkaing dala niya. Kundi naku-- hindi ko kakainin ang mga yan"

***

Wew! Matutulog sana ako pero hindi ako pinatulog ng mga ideyang pumapasok sa isip ko.

Kaya nagpasya akong bumangon at isulat ang mga ito.

Kaya heto may UD ulit kay Quen hihi

Shy___

Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now