Chapter 18

656 33 5
                                    

•••

Jzietel POV

Hindi ko alam ilang oras na akong nakaupo sa isang bench dito sa Mundane. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang ekspresyon ng mukhang ipinakita sa akin ni Ivan kanina. Matapos niyang umalis ay matagal pa akong nanatili sa kinatatayuan ko.

Malaki ang naging epekto sa akin ng mga sinabi ni Ivan. Hindi ito ang unang beses na mayroong naagrabyado nang dahil sa mga kagagawan ko. Umiiwas akong madikit sa kahit na sino dahil 'yon lang ang alam kong paraan para walang nangyayaring ganito pero hindi ko pa rin nagawang iwasan.

Huli akong nagkaroon ng kaibigan noong panahong nasa Amberdusk University pa ako. Madali akong napalapit sa mga kaibigan kong mga walang direksyon ang buhay ngunit dahil sa kagagawan ko ay sila pa ang nanguna sa paghihikayat sa mga iba upang mag-aral. Ngunit hindi 'yon naging madali at hindi rin nagtagal.

Maraming mga gang sa loob ng University na 'yon. At dahil sa pagtutol ko sa pamamalakad nila sa mga estudyanteng nag-aaral roon ay marami akong nakabangga.

Ginawa naman nilang daan ang mga kaibigan ko para makapaghiganti sa'kin. Dahil sa paghihirap na ginawa sa kanila ng mga gagong 'yon ay isa isa silang nadamay at kusang lumayo sa'kin. Ang mga natira naman ay walang kaalam alam na paglipat ko ng University matapos ang isang semester.

Walang nakakaalam sa kanilang narito ako sa Hellscythe. At hindi ko na rin gugustuhing malaman pa nila. Hindi naging madali sa'kin ang palipat lipat ng University hindi dahil sa mga misyong nakaatas sa'kin kundi sa mga taong nagiging malapit sa'kin na alam ko namang iiwanan ko rin ng walang paalam.

Shit! This life sucks!

Alam kong hindi gugustuhin ni Ivan ang magiging desisyon ko pero lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko tuwing maiisip na ako ang naging dahil ng pagkakatanggal nito dito sa Hellscythe. But I already made up my mind.

"Hoy!" dinig ko mula sa isang pamilyar na boses ngunit hindi ko na pinansin.

"Hoy Jzietel!" ulit nito.

Tsk alam ko na kung sino 'to.

Lumingon ako sa pinagmulan no'n at nakita si Jace. Naglalakad ito papunta sa kinauupuan ko.

"Tch! Iba talaga ang level ng pagiging snob mo! Masyadong nakakamangha!" sarkastikong bungad nito sa'kin.

"Tsk." singhal ko at umiwas ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito? Naghihintay ng gulo?" sarkastiko pa nitong dagdag at umupo sa tabi ko.

"Wala ako sa mood makipagbangayan sayo." walang ganang tugon ko.

"Pwes, ako nasa mood!" sabi nito sabay ngisi.

Hindi naman ako muling nagsalita pa at seryosong nakatanaw sa mga dahong nadadala ng hangin sa bawat paghampas nito.

"Ang seryoso mo ngayon." biglang sambit nitong katabi ko na tila napansing wala talaga ako sa mood makipagbangayan ngayon. Tsk

"Anong nangyari?" tila nag-aalala tanong nito nang hindi makatanggap ng sagot.

Matagal bago ko naisipang magsalita.

"Si Ivan." tipid kong sagot sabay baling sa kanya. Biglang namang nagdilim ang dating ng mukha nito.

"Tch! Nagkakaganyan ka ng dahil lang sa gago--"

When She CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon