Chapter 14

753 34 11
                                    

•••

Jace POV

biyernes na at wala maski anino ni Jzietel ang nakita ko.

pucha! saan na ba nagsususuot ang isang 'yun?

ayon naman kay Meisha, baka hindi pa rin daw maganda ang pakiramdam nito. tch

ngayon ang araw ng presentation nila para sa English Month at ang alam ko, sa auditorium 'yun magaganap ng 1:00pm kaya 12:45 palang ay pumaroon na kami ni Ken.

agad naman akong nagtaka nang mapansin ko si Uno at Xenon sa pinakaharap na upuan at walang maski sino ang tumabi sa kanila.

"naunahan ka yata dre! pfft" natatawang saad ni Ken.

"tch edi sa kabila tayo umupo." walang ganang tugon ko. naglakad naman kami papasok at ramdam ko ang tingin ng mga tao sa amin at ang kanilang mga bulungan.

tch!

nahahati sa gitna ang pagkakaayos ng mga upuan para may madaanan sa gitna.
kung nasa gitna sa bandang kaliwa sina Uno, umupo naman kami ni Ken sa gitna sa bandang kanan nito. wala namang nagtangkang umupo sa mga natitirang upuan sa harapan maliban sa aming apat.

nagpatuloy pa rin ang bulungan nang biglang magsalita ang emcee. nagkaroon ng opening remarks at mga kasunod pa nitong mga speech. wala rin akong ganang makinig.

tch nandito ako para marinig ang boses ni Jzietel at hindi ang mga 'yan!

nagsimula nang magtanghal ang mga estudyante at hindi ko alam kung mga kaklase na ba 'to ni Jzietel o ano.

inip na inip na ako at ganoon na rin sina Uno nang bumaling ang tingin ko sa kanila. ito namang si Ken ay halos matulog na dito sa katabi kong upuan.

pucha! 'di ko trip ang mga speech choir, declamation at iba pang presentation na 'yan!

natigil naman ako sa pag iisip nang magsalitang muli ang emcee.

"for the next presentation, may we call on the first group of students from the class of Prof. Shade!!"

nagpalakpakan naman ang mga tao. bigla namang namatay ang ilaw at tanging spotlight lamang sa gitna ng stage ang nagbibigay liwanag sa buong auditorium.

lumabas sa itim na tela si Ivan ng Kappa Gamma. naghiyawan naman ang mga kababaihan at kumaway naman ito sa kanila.

tch! muntik ko nang makalimutang kasama pala nila ang epal na 'to sa kanilang presentation.

napansin ko rin ang pagkagulat nito nang biglang dumapo ang tingin nito sa gitna kung nasaan kami ni Ken at sina Uno naman sa kabilang gitna.

tumaas naman ang kilay ko nang mapatingin ito sa'kin.

ang sarap sapakin ang makapal nitong mukha! akalain mong nakaya pa nitong magpakita kay Jzietel matapos ang tinangkang gawin ng grupo nito? tch alam kong may pinaplano ang mga tangina!

When She CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon