Chapter 16

688 35 16
                                    

•••

Jzietel POV

"Tell me what the hell is happening?!" sigaw ko kay Ivan.

"S-si Meisha." tipid at nauutal nitong sagot. Agad naman akong nakaramdam ng kaba sa dibdib.

"Nasaan siya?" seryosong tanong ko. Hindi naman siya agad nakasagot.

"Pucha! Tinatanong kita! Nasaan si Meisha?!" sigaw ko rito.

Ito ang kinakatakutan ko sa lahat. Ayaw kong mayroong madamay sa kahit na anong gulong pinasukan ko.

"N-nasa park." nauutal pa rin nitong sagot.

"Saang park?!" sigaw kong muli.

Shemay! Pinapatagal pa nito!

"Hindi kalayuan sa likod ng Dome." sagot nito at napatingin naman roon. "Katapat ng parking lot sa likod."

"Bakit naman siya napunta doon?! Diba ikaw ang huling kasama niya?!" nagtatakang tanong ko.

"M-may biglang kumuha sa kanya nang hindi ko namamalayan." nauutal pa rin nitong sabi.

Ano bang nagyayari sa isa 'to?! Halatang halata sa kanyang kinakabahan siya. Hindi ito ang pagkakakilala ko kay Ivan kaya sadyang nakakapagtaka.

"Shit!" mura ko at nagsimulang maglakad papunta sa lugar na sinabi nito. Ramdam ko namang nakasunod ito.

Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko sa maaaring mangyari kay Meisha.

Bigla naman akong nakaramdam ng pananakit sa paa ko.

Shit!

Napatigil ako sa paglalakad at tinanggal ang puchang heels na 'to.

"Anong ginagawa mo?!" takang tanong ni Ivan pero hindi ko na ito sinagot. Ipinukpok ko ang heels sa pinakamalapit na malaking batong nakita ko. Agad namang natanggal ang heels nito at mabilis ko itong isinuot muli.

Lalo kong binilisan ang paglalakad papunta sa park na tinutukoy ni Ivan. Napadaan pa kami sa parking lot at nang makarating kami ay pansin kong walang gaanong ilaw roon.

8:34pm

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gitna ng parkeng ito. May pagkakatulad ito sa Ethereal Park ng Hellscythe. Mayroong malalaking puno ang nakapalibot sa bakanteng gitna nito.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Ivan. Nagtaka ako nang mapansin napatigil rin ito at biglang dumungo. Lalong nakakapagtaka ang panginginig ng katawan nito.

"Ivan?" tawag ko rito pero hindi man lang ito tumingin sa akin. "Nasaan rito si Meisha?" tanong ko pa.

When She CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon