TMH 58

1.1K 36 2
                                    

DENNILENE

Nagkakagulo na ang mga estudyante palabas ng building. Tumayo ako at tumakbo na rin kasama ng iba.

Sa pasilyo ay may mga sugatan at wala ng buhay ang nakahiga sa sahig. Umikot ang paningin ko sa paligid. Sana lang ay ayos lang ang mga kasama ko.

Nang makalabas ako ng building ay isang building na naman ang sumabog. Nakita ko sina Kimberly malapit roon at tumakbo agad ako patungo sakanila. Tanging si Azenith na lamang ang hindi nila kasama.

"Yui!" Sigaw ko ng makita sina Yui na tumatakbo patungo sa amin.

"Ilabas niyo ang mga estudyante sa Exile." Aniya at agad ding umalis kasama si Autumn.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ni Miss Ysabela sa amin. Sa gilid niya ay si Miss Zam na hawak hawak ang kaniyang braso.

"Hindi din namin alam. Nagsimula ang pag sabog kahapon at ngayon naman." Sagot ko bago kami kumilos.

--
THIRD PERSON POV

Padilim na ang langit ngunit nagliliwanag ang buong EU dahil sa mga naglalagablab na building na patuloy parin sa pag sabog.

Nakailang mura si Yui ng mapagtantong napapaligiran na ng mga tauhan ng ungas na iyon ang buong Exile.

Kung gaano katindi ang sekyuridad sakanilang mansyon ay sinigurado rin niyang ganoon ang Exile University maliban na lamang kung ang taong iyon ay makakalabas pasok sa University ay talagang makakagawa ito ng paraan upang kumilos sa plano nito. Ang isa pang nagpakulo ng kaniyang dugo ay nagawa nitong isara ang buong EU kaya tuluyang ng hindi makalabas ang mga estudyante kasama na ang mga guro na hindi na makilala dahil sa mga sugat na natamo.

Mga sigaw at hinagpis ng mga estudyante ang pumuno sa buong EU. Nagtungo ang lahat sa open field.

Isang pag sabog muli ang umalingawngaw sa buong EU bago mag unahan ang mga tauhan ng ungas at hinarap ang mga estudyante na naroon. They are wearing all black with a weapon on their hand.

Ngumisi si Yui at humakbang patungo sa mga ito. Hindi man niya ito inaasahan ngunit hindi siya basta-basta mapapatumba ng mga ito kahit na mukhang nasa isang daan ang mga ungas na nasa kaniyang harapan. At isa pa nasa Exile ang mga ito. Lalo siya napangisi ng maramdaman niya ang pagtayo ng mga estudyante kasama ng mga guro sakaniyang likuran.

Di hamak na marami ang kanilang bilang kumpara sa mga ungas na ito kahit sabihin pang may mga natamo silang sugat at walang mga armas.

Natigil ang mga ungas sa pag lapit sakanila ng humakbang ang mga estudyante malapit kay Yui.

"Welcome to Exile, bitches!" Sigaw ng isang estudyante at nauna ng sumugod sa mga kalaban bago sumunod ang lahat.

Nawala ang ngisi ni Yui at tumalikod sa mga ito. Ngayon ay kailangan na niyang harapin ang totoong kalaban na siguradong nasa loob ng Exile.

"Raiden. Nasaan kayo?" Bungad niya sa kabilang linya ng isang ring lang ay sumagot ito sakaniya.

"Exile High." Malamig na sagot nito sakaniya at pinatay ang tawag.

Sa kabilang banda naman ay na track na ni Yeshica ang mga itinanim na bomba sa buong Exile.

"Eight floor, Yimhie." Aniya sakaniyang earphone. Kada sampung minuto ang pag sabog kaya may oras pa sila upang pigilan ang ibang bomba.

"Sa likuran mo Micas." Sabi nito ng may mga kalabang patungo kay Micas.

Nagpaputok agad si Micas sa mga ito at natumba ang dalawa sa mga iyon.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon