TMH 56

1K 31 4
                                    

JHASZHINN TAN

"No. Save them. Forget about me."

Those six words coming from her is killing me.

Isang hithit sa yosi na hawak ko ay kumalma ako. Tinitigan ko ang lapida kung saan naka-ukit ang pangalan ni Jeffrey. Ilang linggo pa lamang ng mamatay siya ay marami ng nangyari.

"Pre, kailangan na nating umalis." si Christoph na tanging nakakaalam kung ano ang nangyari ng gabing iyon.

I had no choice but to kill him kung hindi ay mamamatay kaming lahat. Kahit na sabihing doon magtatapos ang mga buhay namin ay kailangan ko paring kumilos upang protektahan sila, but not Jeffrey.

Itinapon ko ang sigarilyo sa gilid ng kanyang lapida bago tumalikod.

"Anong ginagawa mo rito?" Mariing tanong ko kay Jeffrey ng makitang lumabas ito sa isang mansyon na ilang araw ko ng minamanmanan dahil sa utos ni Master Clark.

Base sa gulat sakanyang mukha ay hindi nito inaasahan ang pag sulpot ko sakanyang harapan.

"Halika na. Kailangan mong umalis pre bago kapa nila makita." Aniya ng makabawi sa gulat.

Ngunit tumuwid lamang ako sa pagkakatayo at tinitigan siya.

"Pucha! Magpapaliwanag ako mamaya, umalis na tayo!" Balisang sabi nito at hinigit ako palayo roon ngunit huli na dahil may mga humarang na sa amin.

May mga sinabi ang mga ito na hindi ko naiintindihan bago nila kami binitbit patungo sa likuran ng mansyon.

Nagpumiglas si Jeffrey,  may mga sinasabi siya mga ito ngunit hindi iyon ang gumugulo sa akin kundi kung paanong mukhang kilala siya ng mga ito.

Dinala kami sa isang kwarto kung saan may isang lalaking naka maskara ang abala sa pagbabasa ng mga dokyumento.

May mga sinabi si Jeffrey sakanya ngunit pinatigil niya ito sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang hintuturo saka nito iwinagayway ang kanang kamay na animo'y pinapaalis ang kanyang mga tauhan. Ganun nga ang ginawa ng mga ito at tanging kaming tatlo na lamang ang natira sa silid.

May kinuha ito sa cabinet ng kanyang mesa bago tumayo at lumapit sa amin dala ang dalawang baril.

Inaabot sa akin nito ang isa. Lumingon ako kay Jeffrey at tumango lamang siya. Tinanggap ko ang hawak nitong baril.

"Kill him." malamig nitong sabi. Naramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng aking puso bago lumingon kay Jeffrey na naestatwa sakanyang kinatatayuan. Nang makabawi ay agaran ang pag higit niya sa baril na hawak ng lalaking nakamaskara.

Bago pa niya iyon itutok sa akin ay naunahan ko na siya. Tinamaan siya sakanyang dibdib. Nanginig ang kamay kong may hawak na baril dahilan ng pagbagsak nito kasabay ng paghandusay ng katawan ni Jeffrey sa sahig.

"You're the one I needed." The man said and left me.

--
YSABELA CAYE EBREO

"Bullshit!" Muntikan na kong atakihin sa puso ng biglang ibalibag ni Yui ang hawak niyang mouse. Kanina pa siya nakatutok sakanyang laptop. At kanina pa hindi maipinta ang kanyang mukha.

"What happen?" Tanong ni Autumn sakanya at umupo ito sa tabi niya.

"We need to finish our things here. Let's go." Malamig nitong usal at lumabas ng kuwarto. Nagkatinginan kaming tatlo bago sumunod sakanya.

Ikalawang araw na namin rito ngunit ngayon lamang kami nakalabas.

Inihinto niya ang kotse sa gilid ng isang mataas na gusali.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon