27

1.6K 116 246
                                    

"BREAAAAAAANNE!"

"ANAK NG! ANO!?" Napatayo si Breanne sa pagkakahiga niya ng tawagin siya ng dormmate niyang si Jeonghan. Sininagan ng araw ang kanyang bagong gising na mukha, at nagkamot ng ulo.

"BREANNE! HALIKA SABI EH!"

"TANGINA MONG BADING KA NATUTULOG AKO EH!"

"MAY GWAPO DITO SA BABA!"

Agad nag-ayos si Breanne ng mukha kahit hindi niya na talaga maayos yon. Lumabas siya at nagulat siya sa nakita niya..

Si Miko.

NILALANDI NI JEONGHAN.

(wow multimedia)

"Ah. So anong favorite mong number sa electric fa--ARAAAAAAAAY!"

Kinurot ni Breanne si Jeonghan sa tenga at nginitian si Miko.

"Dun ka nga! Bisita ko to, diba?"

"Hati tayo, teh."

"Lul. Dun ka na!"

Nagkamot naman ng batok si Miko at ngumiti. "Ang cute ng dormmate mo."

"Mas cute ako."

"Alam ko."

Umubo naman si Breanne at umupo sa sofa,

"B-Bakit ka pala andito?"

"Date tayo."

"HAH?! NGAYON NA?! TEKA MALILIGO PA AKO!"

"HAHAHA! Sige lang. Mag-aantay ako." Umupo si Miko sa kabilang sofa at ngitian si Breanne. Agad namang tumayo si Breanne at nagmadaling naligo.

"BREANNE---AAAAAAAY MAY POGI!" Rinig ni Breanne na sigaw ni Keri. Kadarating lang ata.

Nagbihis siya ng sobrang bilis feeling niya napunit na yung suot niya. Saka nagsuklay.

"HOY KERI BOYFRIEND KO YAN!" Sigaw nito. Biglang tumahimik yung buong dorm.

"Eto? Boyfriend mo? Anong gayuma ginamit mo? Penge ako!" Sabi ni Jeonghan habang kumakain ng KitKat. Habang si Miko naman, namumula.

"Sus. Para namang aagawin ko sa'yo. SA'YO NA YAN! Ipalunok ko pa sa'yo eh." Irap ni Keri.

"T-Tara na?" Ngumiti si Breanne at saka sila umalis.

"LUL MASUKA KA SANA!" Pinakyuhan ni Breanne si Jeonghan at saka sila umalis. Sumakay sila sa kotse ni Miko.

"San tayo pupunta?"

"Basta."

Hayop to, baka idala ako neto sa dagat tas itapon ako.

"Mahilig ka ba sa pasta?"

"Ah..p-pwede na. Spaghetti lang alam ko eh."

Bigla namang tumawa ng malakas si Miko, kitang kita yung buong gilagid niya. Shet, ang liwanag talaga ng buhay.

"Well, dun kita idadala."

"Sa spaghetti?" Parang tangang sabi ni Breanne. Bobo ata. Pagpasensyahan niyo na.

"Sa isang restaurant ng mga pasta. HAHA!"

"Aaaaah." Sabi na lang ni Breanne.

Pagkadating nila doon, agad silang naghanap ng table.

Bigla silang binigyan ng menu ng waiter at halos dumugo ang ilong ni Breanne sa mga nakasulat na pangalan..na mas mahal pa ata sa buhay niya.

"E-Eto na lang. Mukhang matino. Saka pinakamura, 300 pesos amputa. Kung nasa Jollibee tayo, ilang JolliSavers na yun diba." Sabi ni Breanne, kaya natawa na lang si Miko.

chain message | namjoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon