23

2.3K 152 171
                                    

Breanne's POV

Pagod na pagod na ako mag-aral. Kaya nag-break muna ako at pumunta sa Starbucks (para kunwari rich kid ako) para makapagpahinga ng saglit.

Pagkatapos kong mag-order, inilabas ko yung laptop ko at tinapos yung essay na kailangan kong gawin (saka para magmukha akong blogger).

"Miss Breanne?" Kinuha ko naman yung kape ko at muntik ko ng maibato pabalik dun sa babae ng makita kong sinulat niya na 'Bry Ann'.

NAPAKASIMPLE NA NGA NG PANGALAN KO, DI PA MASPELL NG MAAYOS. ANAK NG ULING.

Sa inis ko, nakakunot ang noo kong bumalik sa table ko, mas lalo naman akong nagulat ng may isang lalakeng nakaupo doon sa kabilang upuan ng lamesa.

Bulag ba tong si kuya, nandyan yung mga gamit ko oh. Ay teka. Paano kung magnanakaw yan. Tapang naman sa Starbucks pa napiling mangsnatch.

"Excuse me, nakaupo--" Bigla naman siyang tumayo at naglakad palayo, hindi ko pa nakikita ang mukha.

"HOY!" Napanganga ako ng literal nung tumingin siya sa akin.

Teka, hindi ba si--

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Teka, hindi ba si--

"Hi, Breanne." Kinindatan niya ako at naglakad siya palayo.

T-tangina? Anong trip non?

"MIKO!" Bigla siyang napatigil. Pinagtitinginan nga siya ng mga babae, may isa pang nagpipicture.

Lumingon siya sa akin, ng nakangiti, yung parang nagpapacute. Yung eye smile niya..

Bigla siyang lumapit sa akin. "Hmm? Yes, noona?" Tumawa siya ng mahina.

Maka-noona naman 'to. Dalawang buwan lang naman tanda ko sa kanya.

"A-Ah..anong ginagawa mo dito?"

"Hm? What do you mean? Bawal ba? Ikaw ba may-ari nito?" Painosente niyang tanong.
"Gago, wag mo kong tina-trash talk. Baka gusto mong makatikim?"

"Makatikim ng ano?" Kinindatan niya ako at bigla siyang sumipsip doon sa hawak kong kape. Umupo siya sa kabilang upuan ng lamesa.

"ANAK KA NG--" Napatigil ako sa pagsigaw nung tumingin yung mga customers sa akin. Feeling ko tuloy nasa The Voice ako.

Nag-peace sign ako. "Hehe, sorry. Nadala ng emosyon."

Padabog akong umupo. Kung titignan mo lang itsura ngayon, maiinis ka na lang talaga.

"Bakit ka nakangisi?"

"Hmm? Masama ba?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Huminga ako ng malalim at uminom sa kape ko.

Bigla siyang napaubo ng malakas. "Indirect kiss. Pfft."

Hindi ko siya narinig kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Pinagsasabi netong gagong 'to.

chain message | namjoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon