"Makinig ka... ako dapat ang magsorry..." muli siyang humikbi.


Hinila siya ni Kaden ay niyakap nang mahigpit.


"Kaden... Sorry..." Kumalas siya rito. "Sorry..."


"Hush..."


"Sorry, sorry sumama ako kay Judas... Naiinip ako rito maghapon. Akala ko di ka babalik agad... Saka kung bumalik ka man sigurado namang iiwasan mo na naman ako, e. Hindi mo lang din ako papansinin..."


Itinaas nito ang mukha niya at pinagdikit ang kanilang mga noo. "I'm sorry, my love."


"Sorry, nagalit ka kasi sumama ako kay Judas... sorry, napag-alala pa kita."


"I... I'm not just worried, Perisha."


"Ha?"


"I also got jealous."


Nabigla siya sa sinabi nito.


"I'm sorry. Hindi kita dapat sinigawan. I'm sorry I lost my control..."


"Nagselos ka?" May tuwang gumuhit sa dibdib niya. "Nagselos ka kay Judas? Totoo? Iyon ang dahilan kaya... kaya nagalit ka?"


"Well," nag-iwas ito ng tingin. "Y-yes..."


Doon na siya napangiti kahit luhaan pa ang mga mata niya. Niyakap niya si Kaden. Ginanti naman nito ang yakap niya.


"I missed you..." bulong nito habang hinahagkan ang kanyang buhok.


"Miss na rin kita, ikaw kasi inaaway mo ko..." lalo siyang nagsumiksik dito. Namiss niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Wala na siyang maramdamang lamig, init na ang sumisingaw mula sa yakap ni kaden.


Marahan itong tumawa. "Sori, hindi na mauulit."


"Promise?" Tiningala niya ito.


"Promise."


"Kiss mo nga ako?" Ngumuso siya.


Nakita niya na natigilan ito.


"Joke lang." Yumakap siya ulit dito. "Saan ako matutulog ngayon?"


Hindi ito sumagot, sa halip ay binuhat siya nito.


"Here on my bed..." Dinala siya nito sa kuwarto nito at marahang inilapag sa ibabaw ng kama. "Beside me is where you belong, Perisha."


"Okay lang ba talaga na dito ako matulog, Kaden?" Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang pagtanggi nito noon, baka lang naiilang na sa kanya ang lalaki.

Fall For YouWhere stories live. Discover now