FLASHBACK 1

70 2 1
                                    


Side: Zeign Martin

Pigil ang galit na lumabas si Zeign mula sa pintuan ng opisina ng kanyang Uncle. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay malakas niyang nasuntok ang pader.

"Just what the hell did he really want?" Gigil na wika nito habang hawak ang isang envelope na hindi niya pa nabubuksan. Inangat niya ito at napailing, muling naalala ang pinagusapan nila ng Uncle niya.

"I have a job for you. Madali lang naman ito, hinding-hindi ka mahihirapan." Bago pa siya makapagsalita ay agad itong dinugtong, "You just have to keep an eye on this very important person. Here is the details, kapag naging maayos ang outcome ng pinagagawa ko sayo. Makukuha mo ang kasagutan sa lahat ng tanong mo."

At yon nga ang dahilan kung bakit galit na galit siya ngayon. Hindi niya gustong may nagmamanipula ng buhay niya. Pero dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang kanyang ama, wala siyang magawa kundi ang sumunod.

Kung bibigyan ng depinisyon, Zeign Martin is a spoiled brat, lahat ng gusto ay nasusunod. Lalo na noong nabubuhay pa ang kanyang ama. Halos lahat ay binibigay nito sa kanya, kahit minsan hindi niya hinihingi ay binibigay parin nito, sino naman siya para tumanggi diba? (Pero minsan naiisip niyang bumabawi lang ito dahil sa nalaman niyang may kapatid siya sa ibang babae.)

So to sum it up. Zeign was born with a silver spoon in his mouth.

Another. He was schooled in the most prestigious school in the city since elementary. Hindi rin matatangging may ipagmamalaki ang mukha nito kaya naging sikat siya sa eskwelahan. Pero kahit buo ang atensyon ng lahat sa kanya, wala siyang pakialam doon. Snob. Nabansagan pa siyang 'cold prince', well shit so cliché, pero wala siyang magagawa kung yon ang tingin sa kanya. As if may pakialam siya?

Pero dahil din sa pandededma niya sa mga babae minsan na siyang pinagdudahan ng maingay, nakakairita sa lahat ng tao, niyang pinsan. Si Troi, ang anak ng kapatid ng kanyang ina.

"Magkaaminan nga tayo Zeign. Alam mo namang sabay tayong lumaki hindi ba? Sabay tayong nagpatu–" hindi niya natuloy nang maramdaman ang masamang tingin ng pinsan, "nagpatuloy sa buhay! Kaya ngayon aminin mo, walang halong biro purong katotohanan lang dude." Sinipat siya nito at pinakawalan ang pinakawalang kwentang tanong na narinig niya. "Bakla ka ba?"

He made a face. Gusto niyang makasapak pero baka magmukha siyang defensive, kaya wag nalang.

At dahil walang nakuhang sagot si Troi muli itong nagsalita. "Kasi dude hindi mo ba napapansin ang mga chicks na nakakalat sa paligid? Tangina, sila na ang lumalapit sayo pero ang ginagawa mo lang lagpasan sila na parang hangin! Dude, 'ka 'mon, open your eyes! Tatanda kang virgin dahil sa–" napatigil siya nang mapansing may nahulog mula sa librong hawak ng pinsan. Isang litrato.

Pinulot niya ito at pinakatitigan ng mabuti. Parang isang light bulb ang umilaw sa may uluhan niya nang mapagtanto ang ilang bagay-bagay.

The Fearless Angel [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora