Chapter 35

162 7 2
                                    


Bago ilipad ng eroplano si Lola kabang bilin ang natamo ko. Para akong paslit na pinaskilan ng ilang notes sa noo para kung sakaling maligaw ay makikilala agad. Gayunpaman, hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa loob ng airport.

Sa likod namin ay ang pinsang kanina pa humahagikhik sa mga paalala ni Lola. Indeed, she's enjoying the scene. Too mean I almost hit her, mabuti nalang at nasa likuran siya, she better be.

Kasunod din namin ang mga doctor na siyang sasama sa America para iendorse ang kondisyon ni Lola. At habang naglalakad sa airport marami ang napapatingin, maybe they know us, or we just stand out, or because of our men in blacks background. They are so distracting.

Kaninang umaga nakausap ko si Lolo Alex, he was assuring me about Lola's safety on America. I should know, maraming koneksyon ang Mafia, hindi lang sa Asya, sa America, sa Europa, sa buong mundo na siguro.


'Connection, yes. We have them, then they have us. Beneficial alliance, hija.'

Power from outlaws. Kung isa akong pulis, siguradong gagawin ko ang lahat para mahuli sila. But I'm not, ever since, I am one of those outlaws.

Natigil ang pangaral ni Lola nang makarating kami sa last stop, kung saan entrada para sa private plane. Nakagat ko ang sariling dila para lang hindi mabawi ang desisyon.

"I will live for you, apo. Lola's promise." And she gave me a tight hug, and I give up. Pumatak ang luha ko ng hindi ko manlang namamalayan, this is our last hug, nakita ko ang pagkataranta sa mukha ni Aleli.

"Fuck, take it...hold it back!" Tarantang bulong nito at mabilis na pinahiran ng kanyang panyo ang pisngi ko, doon ako napatawa ng mahina.

I made her cussed.

Ako na ang unang kumalas at nakangiting hinarap si Lola.

"Take meds, don't escape your schedules, your food, eat on time, don't give them headache and of course...don't forget to smile. My Lola is lovely when smiling." I remind, as she did while ago.

She let out a hearty laugh, nodding as if she was reminded. It was cool, no goodbyes, or see you soon. She departed not to leave me, but granting my wish by sticking alive.

"Be safe, apo. I trust you." Ang huling sinabi nito.

I will.

Pinagmasdan ko ang pagarangkada ng eroplano sa glass wall ng kinatatayuan ko, hanggang sa mawala na ito ng tuluyan. Blinking, my tears fell...

"You okay?" Aleli pat my shoulder.

Am I?

"Couz..."

"Five minutes Al, I wanna be alone."

Hindi ko man kita ang pagalinlangan, ramdam ko yon. Kalaunan umalis din siya, nagpaiwan pa ng malakas na buntong hininga. Tsk, bad.

Lumipas ang kalahating oras nandoon lang ako, hindi napapansin ang paglabas masok ng mga tao sa paligid, ang paglubog ng araw at pagpuslit ng buwan. Gabi na naman.

Great day. Not.

Aalis na sana ako ngunit may malaking bisig ang sumakop sakin. I was crushed on a hard chest and a familiar scent. Bigla akong nanlamig habang dumadagundong ng malakas ang puso. I was sick, damn sick.

"Sorry...I'm sorry." Was all he say, hindi ko alam kung para saan, dahil ba sa lungkot na dala ng paghihiwalay namin ni Lola o sa hindi niya pagpapakita sakin ng mahigit tatlong linggo?

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon