Chapter 43

153 8 0
                                    

The sun's already setting now. Meaning, matatapos na naman ang isang araw. I crossed my arms as I stared up at the setting sun, naglakad ng bahagya para makatagpo ng paa ang paparating na alon. Maligam-gam ang tubig. Ang sarap sigurong maglangoy. Kanina parin ako kating-kati na maglangoy pero hindi ko magawa dahil palagi akong pinipigilan ni Zeign. May topak yata yun. Tsaka. Eto parin ang suot ko simula kagabi. Gusto ko naring magpalit, weird pero may nahalungkat akong mga damit ng babae sa closet niya. Napaismid ako pero agad naman niyang napaliwanag na sa akin lahat yon. Hindi pa rin namin napaguusapan ang tungkol kagabi, hindi niya man sabihin pero ramdam kong iniiwas niyang mapagusapan iyon. Tsk.

Napatulala ako ng magtagpo na ang dagat at araw sa paningin ko. Wow. It's beautiful. Ang kulay orange na dala ng papalubog na araw ay mas lalong nagpaganda rito. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Hinubad ko ang damit at isusunod na sana ang short ng may tumikhim sa likuran ko.

Zeign.

Okay fine. Ayaw nga talaga niya akong paliguin. Ang bilis naman niya akong nahanap? Tumakas na nga lang ako eh.

"That's fine, wag mo ng tanggalin ang shorts mo. Go ahead, babantayan kita."

Eh?

"Babantayan? Marunong akong lumangoy, hindi ako malulunod." At naglakad na papalayo.

Ilang milya na yata ang nalalakad ko pero hanggang tuhod parin ang tubig. Rinig na rinig ko ang sigaw ni Zeign na wag akong lumayo pero binalewala ko, masyado akong natuwa sa paglalakad, pakiramdam ko nasa gitna na ako ng dagat.

Tumingin ako sa ibaba at napangiti ako ng makita ang aking paa sa ilalim ng tubig. Kulay puti ang buhangin at sobrang linaw ng tubig. Itinaas ko ang kamay at bahagyang inabot ang palubog na araw. Pakiramdam koy napakalapit nito. Ilang lakad pa siguro maaabot ko na ito. No. Ang mga bagay na kala mo'y malapit ang siyang kahit kailan ay hindi mo maaabot. They are near, yet far. You can see them, but you can't touch them. You can feel them, but you can't hold them.

I was busy with my thoughts when I heard a bang. Agad akong napalingon kay Zeign. Kung saan ko siya iniwan. Wala siya don.

"Fuck."

Kung kanina ay naapreciate ko ang paglalakad sa tubig ngayon sinusumpa ko na. Ang hirap tumakbo! Mas binilisan ko pa ang pagtakbo o paglakad dahil hindi naman ako makatakbo ng maayos, lalo nat minsan ay nadadala ako ng alon. Hindi ko narin mabilang kung ilang beses akong napadapa sa tubig. O edi ayan, nakaligo na ako, sa kakadapa!

Nang makarating ako sa lupa ay agad akong tumakbo sa villa. Walang pakialam kung para akong basang sisiw. Napatigil ako at agad na nagtago sa isang puno ng makarinig ulit ako ng ilang putok. Damn it. Sino na naman kaya ang mga iyon? Gumagamit ng baril, imposibleng gangsters sila. Nalintikan na. Mukhang alam ko na kung sino.

Napamura nalang ako at mabilis na umalis sa puno. Bahala na! Kakaikot ko palang ng puno ay natigilan ako ng may magtutok ng baril sakin

"What the..." anito at mabilis na ibinaba ang baril. "Sorry, hindi kita nakilala." At iniscan ang buong katawan ko, umiwas siya ng tingin at tumikhim.

Nailing ako at hinila siya upang makatago. Umaalingaw-ngaw parin ang putok ng mga baril. Hindi ko na alam kung anong nangyayari.

"What's happening, sino mga yon?" Tanong ko habang sinisilip ang parte ng naririnig ko.

"Hindi ko rin alam. Basta nalang...may dumating na mga lalaking nakaitim, at nagsisigaw ng ilabas niyo siya, then this thing happened. I didn't know what's really going on, nakibaril nalang din ako." At nagkamot sa ulo.

"Do you have an extra gun?" Tanong ko nanatili ang mata sa villa.

"Handgun lang ito, walang handa sa pagdating ng mga yon eh." Kinuha niya ang baril sa may bewang at ibinigay sakin.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon