Chapter 41

156 8 0
                                    

Aish.

Kahit anong gawin kong baluktot sa kama ay hindi ako makatulog. I heaved a sigh. This wont do. I need to see him. Ugh, parang lalagnatin ako kapag hindi ko siya makita. Lalo na kapag naiisip ko yung kanina. He's mad, I'm sure.

Tumayo ako sa kama at nagpalit ng damit. Gray fitted shirt and a black short, na palagi kong sinusuot tuwing pumupunta sa Underground. Sinuot ko rin ang boots at isang black leather jacket. Pinusod ko ang buhok at saka kinuha ang susi ng Kawazaki Ninja.

Ayin sa wrist watch na suot ko. Nine o'clock pm na. Not that late, siguradong palalabasin pa ako ng security ng mansyon. At kung hindi man, I'll let myself though like the usual.

Napailing ako dahil biglang pumasok sa isip ko ang usapan namin kanina ni Mr. Williams.

...quit your gang.

Binagtas ko ang hagdan pababa at nakita si Aleli na mukhang kadarating lang, parehas kaming nagulat. Simula ng umuwi ako dito ngayon ko lang ulit siya nakita. Napangisi nalang ako.

"Oh my god! Where the hell have you been?!"

Ow, mas lalong lumaki ang ngisi ko.

"Hm, a trip. Sembreak, remember?" Lie.

Yeah, eksakto sa pagkakatulog ko ng apat na araw ang pagtatapos ng semester, natapos ko naman lahat ng exams so I'm good.

Tiningnan ko si Aleli habang nakataas ang kilay. Hindi siya naniniwala. Nanunuri ang kulay itim niyang mga mata kaya nginitian ko siya at tinapik sa mukha.

"Labas lang ako, Al. Goodnight." At umalis na agad, wala akong balak na gumawa ng kwento para mapaniwala siya.

"Wait—"

Hindi ko na siya pinakinggan at agad na tumakbo papunta sa garahe. Pagkakita ko sa motorsiklo ay agad kong sinuot ang helmet na nakapatong doon at sumakay na. Pagkabuhay ng makina pakiramdam koy nabuhay rin ako, it's been a while though. I miss this. Akala ko nawala na ang motorsiklong ito dahil naiwan ko ito doon sa lugar ng huli kong laban, pero nalaman kong kinuha din nila kasabay ko at kahapon lang ay ibinalik sakin ang susi.

Maraming tumatakbo sa isip ko sa mabilis na byahe. Ang muling pagkalas sa gang, siguradong hindi sila papayag, hindi siya papayag. Kapag hindi ko naman ginawa, madadamay si Lola. Mas binilisan ko pa at walang takot na tumawid sa red light. May muntik pang bumangga sakin ngunit mabilis akong umiwas. Isang malakas na busina ang iginanti nito kasunod ang malakas na mura. Nailing nalang ako at hindi pinansin.

Tahimik at madilim na kanto ang sumalubong sakin, wala manlang lamp post. Himarurot ako sa daan at sa dulo ay isang likuan kung saan maririnig na ang malakas na ingay ng mga tao.

Hindi ba dito ako nabibilang? Isa akong gangster, hindi ko naman iyon pinagsisihan.

"Woah, hot chick."

"Sexy legs."

"T-that outfit..."

"Si Second!"

Kumunot ang noo ko sa mga taong nakatunganga sa daan. Dineretso ko ang motorsiklo sa reserved parking at saka bumaba. Tinanggal ang helmet at pinagtaasan sila ng kilay.

"You know I hate rude...s." Wika ko habang ipinapatong ang helmet sa motor. Tiningnan ko sila. "Right?"

Mabilis naman silang umalis, nahawan ang daan at lahat ay nagiwas ng tingin bagaman ramdam ko ang titig ng iba ay hindi ko nalang pinansin. Dumeretso ako sa Hunter's Hut Club. Whatever. Nagbabakasakaling nandito ang mga hinahanap ko.

Pagkapasok sa loob, muli akong umani ng sulyap at bulungan sa mga tao. Dumeretso ako sa barstool at doon naupo. Unfortunately, Hunter-the-dick is the owner of this club at siya ang bartender ngayon. Seryosong naghahalo ng mga alak habang pinapanood ng mga babaeng kulang sa kasuotan. Oh right, sila na.

The Fearless Angel [Completed]Where stories live. Discover now