Chapter 7

281 10 0
                                    


Paano niya nalaman?! Napasambunot ako at lumabas nalang ng kwarto. Nagjog ako pababa ng hagdan, nakita ko si Lola na nasa dining area, tulala habang hinahalo ang gatas na nasa harapan niya.

Napabuntong hininga ako at dumeretso sa fridge, gusto ko siyang tanungin kung anong bumabagabag sa kanya pero baka lalo itong mag-alala makadag-dag pa sa stress niya.

"Morning..." I greeted her and kissed her temple. She just mumble good morning without her hyper side. "La, what's bothering you?"

Doon siya natauhan, umiwas ito ng tingin at wala sa sariling ininom ang gatas. Nakagat ko ang loob ng labi ko habang pinagmamasdan siya. This is confusing me.

"Okay, jogging lang ako." At nginitian siya, tumango lang ito. Ayoko siyang ipressure, hindi makakabuti sa kalusugan niya kaya hahayaan kong kusa niyang sabihin kung anong mga iniisip niya.

Kinuha ko ang kadena ni Wof at saka ikinabit sa neck handler niya.

Niyakap ko muna si Waf at nagpaalam para magjog. Tuwing nagjajog kase ako ay palagi ko silang sinasama, halinhinan sila, kung kahapon ay si Waf, si Wof naman ngayon.

Isang oras kaming lakad takbo ni Wof, marami ring napapatingin, hindi sakin kundi sa alaga ko. Ako ba naman ang magdala ng lobo sa daan? Nang makakita ako ng isang bench sa may division quadrangle ay nagpahinga muna kami. Halos umiwas lahat ng tao dahil sa dala ko. Mabuti nga yun eh, amin lang ang lugar.

Huminga ako ng malalim at ngayon lang naisip na wala akong dalang tubig. Stupid. Nang ilibot ko ang mata sa paligid ay wala manlang vendor, meron naman kanina bakit nangawala rin?

Tiningnan ko si Wof na nakatingin rin sakin, mukhang nagtataka rin.

"Nakakatakot ka ba Wof?" He just tilted his head at me. Napatawa ako at ginulo ang kulay abo niyang balahibo. "You're so adorable bud, don't worry." I assure him.

Nag-round pa kami ng isa, this time tinuruan ko siya ng tricks. Actually pareho ko silang tinuturuan, kumuha ako ng kahoy at pinaamoy yun sa kanya, alright he's not a dog, he's a wolf, but he's smart enough to be man's buddy. I'm proud of them.

"Woah, kaya pala walang tao dito, kasi may lobo!"

Natigilan ako sandali pero hindi ako lumingon, hinintay kong lumapit sakin si Wod dala ang tangkay na itinapon ko.

"Then you better leave too." I said as Wof came over me, kinuha ko yung kahoy at muling ibinato sa malayo. Lumingon ako sa likod. "What are you waiting for?"

He pouted. "Ang hard mo talaga 'no?" At saka naupo sa katabi. "Ikaw pala yung pinag-uusapang transferee, tadhana nga naman."

Nakunot ang noo ko ng makitang iba na ang dala ni Wof. Napatayo ako agad at hindi na pinansin ang mga sinasabi ni Ram.

Sinalubong ko si Wof at agad na inagaw ang bagay na nasa bibig niya. Isang itim na panyo, sa amoy palang kilala ko na kung kanino. Agad kong sinuyod ang lugar ngunit wala namang tao.

Kunot noong binuklat ko ang panyo. May laman itong papel at napangiwi ako nang mabasa ang nakasulat.

"Uy, ano yan?" Agad kong tinago ang papel.

"Wala. Alis na kami." At hinila na si Wof.

Habang papasok sa north ay mas binilisan ko pa. Namumuro ang halimaw na yun. Nakakainis.

Agad kong pinakawalan si Wof at agad rin naman siyang pumasok sa tirahan niyang yelo. Yeah, nagpasadya talaga si Lola ng isang Ice concave para sa dalawang lobo. Technology is more useful in this generation, though.

Nakita ko si Lola sa may garden, may dalang gunting at binabawasan na naman ang dahon ng kanyang halaman. Napailing nalang ako at napangiti, atleast flowers make her smile. Thanks to that creation.

The Fearless Angel [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon