32. Love of Kiel

6.5K 221 22
                                    

Nasapo ni Kiel ang mukha niya.Hindi na niya nahabol si Isabelle. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa sandaling iyon.

"Damn!" mura niya.

"Kiel, are you okay?" si Joana. Nandoon parin ang kaniyang sekretarya. Tiningnan niya ito.

"Mukha ba akong okay? Shit! I'm an asshole! Napakalaki kung tanga!" tinadiyakan niya ang center table sa harap niya.

"Everythind will be okay Kiel. Nandito lang ako. Kalimutan mo na si Isabelle. Hindi siya ang babaeng nararapat sa iyo." pahayag ng dalaga.

"Really?" tumaas ang dulo niya at tiningnan niya ito."At sino ang nararapat sa akin Joana? Ikaw?"

"Yes Kiel. She's a bitch! Sinunga-" hindi na nito tinuloy ang sasabihin dahil sinaklit ng binata ang braso nito.

"Don't call her that way! Hindi mo kilala si Isabelle para tawagin mo siyang ganiyan!" lalong diinan ng binata ang kamay nito sa braso ng dalaga.

"Nasasaktan ako Kiel!" naiiyak nitong turan.

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Isabelle para saktan ka niya. Pero sinisigurado ko sa iyo Joana, ako mismo papatay sa iyo kapag nalaman ko!" binitiwan niya ito. Napaupo ito sa sahig. "Get out! Habang nakakapagpigil pa ako na dagdagan iyang pasa mo!" sigaw niya dito. Agad namang tumayo ito at mabilis na lumabas sa bahay.

Mabigat na napaupo si Kiel sa sofa. Naalala niyang muli si Isabelle. Ipinasok niya ang kamay sa kaniyang bulsa at inilabas doon ang isang maliit na box na may lamang singsing.

Binalikan niya ang dalaga sa bahay nila dahil gusto na niyang magpropose ng maayos. Nang sabihin ng dalaga sa kaniya na hindi na ito magpapakasal sa kaniya ay agad siyang nagdesisyong bumili ng sing- sing para suyuin ito. Iyon kasi ang alam niyang kulang kaya nagsisintir ang dalaga. Pero nagkakamali siya, dahil hindi na niya ito naabutan ng umuwi siya. Wala na rin ang mga gamit nito sa kwarto.

Aminin man niya o hindi ay nasaktan siya sa ginawa ng dalaga. Imbes na tawagan ito at hanapin ay nagpunta siya sa bar at nag-inom siya. Kasama ni si Lance. Hindi niya namalayan kung paano siya nakauwi aa bahay niya sa sobrang kalasingan. Nahimasmasan nalang siya ng marinig ang boses ni Isabelle. At nagulat siya ng makitang nag-aaway ito at ng kaniyang sekretarya.

Gusto niyang yakapin ang dalaga ng makita niya ito. Pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Nahimasmasan siya ng tuluyan ng marinig ang pag-amin ng dalaga na mahal siya nito.

Napasabunot ulit siya ng kaniyang buhok. "Isa kang malaking tanga Kiel! Manhid!" pagalit niya sa sarili.

Tumayo siya at mabilis na nagpunta sa bahay nina Isabelle. Kailangan niya itong makausap. Aayusin niya ang lahat...

"Si Isabelle Mommy?" tanong niya sa ina ni Isabelle. Alas nuwebe na ng gabi ng nakarating siya sa bahay ng mga ito.

"Kiel. Tulog na si Luke." ang matanda.

Nginitian niya ang matanda. Nandoon ang anak niya. Alam niyang nandoon din si Isabelle."Si Isabelle po?" ulit niyang tanong.

"Pumasok ka muna at mag-usap tayo Kiel." seryosong alok nito.

"Mommy, nandito ako para sunduin ang mag-ina ko. Pasensiya na po kayo kung nagabihan po ako." paghingi niya ng paumanhin dito.

"Umupo ka muna anak. May kailangan akong sabihin sa iyo." umupo ito sa harap niya."Tungkol ito kay Luke."

"Ano po ang tungkol kay Luke?" napakunot siya ng noo.

"Sana anak huwag kang magalit sa akin. Ito ay sayo ko lang sasabihin dahil hindi ko kayang sabihin kay Isabelle." napaluha ang matanda. Pero agad nuting pinahid iyon. "Ang alam ni Isabelle ay anak ni Sheem at ng namayapa kong kapatid si Luke." nagulat siya sa sinabi nito.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?Anak ko po si Luke Mommy!" naguguluhan siya.


"Makinig ka muna." pigil nito."Nang ipinagbubuntis ni Isabelle ang anak niyo ay pinilit ng Daddy niya na ipalaglag ito.Para matuloy parin ang kasunduan ng ating mga pamilya. Hindi namin alam noong una na ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya. Masyadong naging malihim ang aming anak. Naging matigas ang ulo niya at itinakwil siya ng ama niya." Para siyang sinaksak sa narinig niya. Biglang nagsikip ang dibdib niya. Nakaramdam siya ng awa kay Isabelle sa pinagdaanan nito.

"Naging mapanganib ang panganganak niya, pero sa awa ng Diyos ay nakapagsilang siya ng malusog na sanggol. At iyon si Luke. Pero hindi alam ni Isabelle na si Luke ang anak niya Kiel. Pianakuha agad ng Daddy niya ang sanggol upang palabasing namatay ang anak niya. Halos mabaliw ang anak ko sa ginawa ng ama niya. Araw-araw ko siyang nakikitang umiiyak. Hindi si kumakain,hanggang nanghina ang katawan niya. Bilang ina, hindi ko matagalan na makita ang anak kong nagdurusa." napaiyak na ng tuluyan ang matanda. Pati siya ay hindi rin niya napigilang maluha.


"Nagmakaawa ako sa Daddy niya na ibalik ang anak niyo kay Isabelle. Nagawa ko namang ibalik si Luke, pero pinaniwala kong anak siya nina Sheem at Alejandro. Gumawa ako ng kwento Kiel. Dahil ayokong mamuhi sa amin ang aming anak. Ayokong magalit siya sa amin.Pero hanggang ngayon hindi parin niya alam ang lahat! Wala akong lakas ng loob na itama ang pagkakamaling nagawa ko! Patawarin mo kami ng Daddy niya anak!" humagulhol ito. Nilapitan niya ito at inalo.

"Ayoko ko pong magalit sa inyo Mommy. Pero nasasaktan ako na sa sandaling ito ay nasasaktan ang babaeng pinakamamahal ko." napatingala ito sa kaniya.

"Mahal mo si Isabelle? Mahal mo ang anak ko?" ulit niyong tanong.

Tumango siya."I'm a damn shit! Ang tanga ko dahil hindi ko man lang nasabi sa kaniya noon na mahal ko siya. Sinira ko ang buhay niya Mommy! Huli na ang lahat, nasaktan ko na siya at patuloy na sinasaktan." hindi niya napigilang mapaiyak. Siya naman ang napasubsob sa balikat ng matanda.

"Tahan na. My daughter loves you so much. Masyado ka niyang mahal para tiisin niya lahat ng sakit para sa anak niyo. Sana lang mapatawad niya ako sa ginawa ko."

"Please, tell me kung nasaan siya ngayon Mom." nagpunas siya ng kaniyang luha.

"Nas probinsiya siya ngayon. Kung pupuntahan mo siya, ihingi mo ako ng tawad anak. Hindi ko alam kung paano ko haharain ang anak ko." hinawakan siya nito sa kamay.

"Yes Mom. Ikaw po muna ang bahala kay Luke. Susunduin ko lang po ang Mommy niya." tumango at ngumiti ito sa kaniya.

Hindi na siya nagsayang ng oras. Binalagtas na niya ang daan patungo sa address sa probinsiya ng babaeng mahal niya.

I'm sorry my Belle. Mahal kita, noon hanggang ngayon.Hindi na kita papakawalan pa.





_iamtamz

Enjoy:)

Try ko po taposin hanggang bukas..🎉





A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon