31. The Battle

5.8K 174 13
                                    

"Kiel, we need to talk." naghahanda ang binata papasok sa opisina.

"Later sweetheart. Kailangan din nating mag-usap, may mahalaga akong sasabihin sa iyo." akmang lalapitan siya ng binata upang bigyan ng halik ang noo niya pero agad siyang umiwas dito.

"No, Kiel! Kailangan na nating mag-usap ngayon!" matigas niyang pahayag.

Kumunot ang noo ng binata. "Anong problema, Isabelle?"

"Hindi na ako magpapakasal sa 'yo." diretsa niya ito.

"What? Nandito nanaman tayo Isabelle! Just do what ever you want kung anong klase ng kasal ang gusto mo." tinalikuran siya ng binata.

"Damn it Kiel! Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Walang kasalang magaganap! Napag-isip isip ko na hindi natin kailangang magpakasal para maibigay kay Luke ang kumpletong pamilyang gusto niya! Mommy parin niya ako at ikaw..Da-Daddy ka parin naman niya." halos hindi niya maibigkas ang salitang "Daddy"

"This is waste of time Isabelle! Hindi ko alam ang nasa isip mo!" nakita niya ang galit sa mukha nito. Bigla siyang kinabahan."Bakit ang bilis magbago ang isip mo? Ganiyan lang ba kadali para sa iyong baguhin ang lahat?" kinuha nito ang susi ng sasakyan niya sa lamesa at muli siya nitong tiningnan."You're a waste Isabelle! Sarili mo lang ang iniisip mo! Sana minsan naisip mo din kung anong nararamdaman ko." tuluyan na siya nitong tinalikuran.

"Akala mo madali lang lahat sa akin na sabihin ang lahat ng 'iyon? Nasasaktan din ako! Kasi sa pagkakataong ito kailangan ko nanamang lumayo!" gusto niyang isigaw sa papalayong binata pero pinigilan niya ang sarili. Napaupo siya at humagulhol sa iyak. "Another disaster!"

.
.
.
.
.
.
Hindi na niya hinintay si Kiel na umuwi sa bahay. Nakapagdesisyon na siyang magpakalayo-layo. Iiwan niya muna si Luke sa Mommy niya. Sigurado siyang hahanapin ito ni Kiel.

Masakit sa kaniya ang desisyong iyon, mahal na mahal niya ang kaniyang anak. Kahit simula palang alam niyang wala siyang karapatan kay Luke. Oh! Sheem, Alejandro! Bakit niyo ako iniwanan ng ganitong problema?

Napaluha siya ng maalala ang dalawang kaibigan.

Nasa bus terminal na siya sa mga sandaling iyon. Pero parang may nagtutulak sa kaniyang bumalik sa bahay ni Kiel. Hindi siya matahimik, gusto niyang magbakasakali na magbabago ang lahat. Ilang minuto siyang nag-isip bago mabilis na lumayo sa lugar na iyon.

Magtatapat siya sa binata. Ipagtatapat na niya ang nararamdaman niya dito.

Susubukan niyang muli...

Pagbaba niya ng kaniyang sasakyan ay napansin niya ang sasakyan ng binata sa may garahe. Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay.

Napahinto siya sa pagpasok ng makita ang dalawang bulto na nasa sala. Sigurado siyang si Kiel ang lalake. Samantalang ang babae na nakapatong dito ay walang iba kundi ang sekretarya nito. Si Joana.

Hindi niya napigilan ang galit na umahon sa dibdib niya. Mabilis pa sa alas kwatro siyang lumapit sa dalawa.

"Mga walanghiya!" gamit ng shoulder bag niya ay hinampas niya ang dalagang hindi parin umaalis sa pagkakapatong kay Kiel.

Nakita niyang nagulat ito. Bigla itong napabangon. Samantalang si Kiel ay sapo nita ang ulo. Lasing ang binata.

"Isabelle?" nakita niyang takot sa mukha ni Joana.

"Oo ako nga! Wala ng iba Joana!" sigaw niya dito. "Ganiyan ka na ba kalandi? Masyado ka na bang nangangati at pati lasing pinapatulan mo?"

"Magdahan dahan ka ng salita Isabelle! Nakakasakit ka na!" nakita niya ang pagtaas ng noo nito.

"Talagang masasaktan kita Joana, kung hindi mo lulubayan si Kiel! Baka gusto mong kalbuhin kita!" talagang nanggigil na siya sa galit.

"Hindi ako natatakot sa'yo! Baka gusto mong sabihin ko kay Kiel ang sik-" hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito.

Mabilis niya iting sinunggaban ng sampal. Pagkatapos ay hinila niya pababa ang buhok ni Joana. Inilagay na niya lahat ng galit niya sa pagsabunot sa dalaga. Pilit naman nitong inaabot ang buhok niya, pero mabilis niyang inilayo ang ulo niya. Balak niyang sikmurain ito pero...

"Stop!" isang matigas na boses mula sa likuran nila ang nagpatigil sa ginagawa nila. Agad silang naghiwalay ng makita ang galit na galit na si Kiel na nakatayo malapit sa kanila. Nahimasmasan na ito base sa itsura nito."Parang wala kayong pinag-aralan sa ginagawa niyo!" sigaw pa nito sa kanila.

Tumayo siya at inayos ang kaniyang sarili. Samantalang si Joana ay lumapit sa binata. Agad itong pumulupot sa braso ng binata.

"Siya kasi Kiel, bigla nalang nanabunot. Look oh." ipinakita nito ang labi nitong pumutok dahil sa paghampas niya kanina gamit ang kaniyang bag. "She's dangerous Kiel." para itong batang nagsusumbong.

Hindi ito pinansin ng binata dahil nasa kaniya ang mga mata nito. Mga nag-aapoy na mata.

"Mas masahol ka pa sa alam ko Isabelle! " matigas na pahayag ng binata."Ganiyan ka na ba kadesperada? Bakit masyado mo ba akong mahal at nagagawa mo ang mga bagay na ito? You're shameless!"

Naikuyom niya ang kaniyang kamao.Ramdam niya ang sakit sa puso niya dahil sa sinabi nito. Pinigilan niyang mapaluha.

"Tama ka! Wala nga akong hiya! Dahil tinanggal ko na lahat ng hiya sa katawan ko bago ako bumalik dito!" pinigilan niya ang luhang nagbabadyang mahulog sa kaniyang mga mata."Oo Kiel! Mahal kita! Masaya ka na? Na kahit puro sakit ang idinudulot ng pagmamahal ko sa iyo ay patuloy parin akong nagmamahal! Wala akong magawa, dahil kahit patuloy kitang tanggalin dito." dinuro niya ang tapat ng puso niya."Hindi ko kaya." hindi niya namalayang napaluha na siya.

"Isabelle." si Kiel. Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito. Nawala ang galit sa gwapo nitong mukha.

"I'm trying to save this relationship! Pero para lang akong tanga na bumalik-balik pa. Ano ba ang isasalba ko? E wala naman tayong relasyon?" pinunasan niya ang kaniyang luha. "Sige, ituloy niyo na ang ginagawa niyo. Sorry kung nasaktan ko ang babae mo!" tiningnan niya si Joana na nasa likod na ng binata. "Actually kulang pa ang ginawa ko. She ruined everything! So better guard your secretary, dahil sa susunod na magkita kami baka mapatay ko na siya!" dinapot niya ang kaniyang bag at mabilis na umalis sa harap ng dalawa.

Narinig niya ang pagtawag ni Kiel sa kaniya. Pero hindi na niya iyon pinansin.Agad siyang sumakay sa kaniyang sasakyan at pinaharurot palayo sa bahay ni Kiel.

Nag-uunahan ang mga luha niya sa pagbagsak habang siya'y nagmamaneho.

Ang hirap maging matapang sa harap mo Kiel. Hindi ba pwedeng umamin ng nararamdaman ng hindi nasasaktan?







_iamtamz

Four more to gooooooo.....:)












A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon