2. Brother-in-law

9.1K 191 3
                                    

"Hi babe." hinalikan ni Kiel sa pisngi si Pat bago umupo sa tabi nito.

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib sa nakikita niya. Alam niyang hindi lang simpleng kirot 'yon kundi panibugho. Yes, nagseselos siya sa kaibigan. Bigla niyang narealize lahat 'yon ng lumapit sa kanila si Kiel. Bakit ikaw pa ang napili ng magulang ng kaibigan ko? Bakit hindi nalang ikaw ang napili nina Mommy? Sana..sana natupad na ang pinapangarap ko.At kahit bukas na bukas ay pakakasalan na kita. Gusto niyang ibulalas ang laman ng dibdib niya sa mga oras na 'yon. She's hurts inside. Kaya niyang magpanggap na okay siya sa harap nila pero hindi niya kayang dayain ang sarili niya.

"Hi yourself!" nguso ni Pat dito."Oh, by the way. Katarina Isabelle my bestfriend." pakilala sa kaniya ni Pat. "And this is Kiel Zandro the jerk..my so called fiance." umikot pa ang mga mata nito.

"Hi." tipid niyang bati. Wala na kasi siyang alam sabihin. Nahihiya at natetense siya. Ikaw ba naman kaharap mo ang lalakeng laman ng mga panaginip mo.

"Yeah. I know her." seryoso ding wika ni Kiel.

"Really? Saan naman kayo nagkakilala?" tanong ni Pat.

"Well, sa bahay lang." kibit balikat na sagot ng binata. Biglang kumabog ang dibdib niya.

"What? How come na nagkakilala kayo sa bahay nila bez. Nagpunta ka na doon?" gulat na tanong ni Pat.

"Ah..e, kwan bez. Kasi." hindi niya alam ang isasagot sa kaibigan. Bigla siyang sumulyap sa binata at nahula niyang mataman itong nakatitig sa kaniya. Parang inaabangan ang susunod nitong sasabihin. Agad niyang iniwas ang kaniyang mga mata.

"Bez ha, ang dami mo namang inililihim sa akin." nakasimangot na wika ng kaibigan.

"Ha? Kwan kasi.." ano ba? Naka ilang "kwan" na ako a.

Matamang nakatingin ang dalawa sa kaniya. Ilang segundo ang nagdaang katahimikan bago may nagsalita sa kanila.

"Well."biglang tumayo si Kiel. "See you tonight. I'll go ahead, may laro pa kami." humalik ulit ito sa pisngi ng kaibigan. Sweet! nakagat niya ang labi niya habang nakatingin sa dalawa.

"Okay." maikling sagot ni Pat.

Nagulat siya ng biglang ibinaling ni Kiel ang tingin nito sa kaniya.Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"Till next time my dearest sister-in-law."si Kiel. Binigyan siya nito ng matalim na tingin bago tuluyang lumayo sa kinaroroonan nila. Napatda siya.

"What? Sister-in-law? Did I hear it right?" lumaki ang matang tanong ni Pat sa kaniya. Pagkatapos ay bigla siyang nagtakip ng bunganga at napabulaslas."Ooh!" napasinghap siya. "Don't tell me.."

"Yes." napabuntong hininga siya. Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng kaibigan. "Engaged ako sa kapatid ng fiance mo." at iyon ang pinakamaling desisiyon na ginawa ng aking mga magulang. Gusto sana niyang idagdag, pero hindi niya ginawa dahila alam niyang magtatanong lang ang kaibigan niya. Dahil alam niyang hindi niya kayang sagutin ang ano mang itatanong nito kung sakali.

"Ooh!" napasinghap ulit ang kaibigan."Kay Kuya Alejandro?" kompirmasyon nito. Tumango lang siya. "OMG bez! Akalain mo, iisang pamilya lang manggagaling ang ating mapapangasawa. And later, pareho narin tayo ng apelyedo." hindi niya malaman kung nagagalak ba talaga ang kaibigan sa ideyang 'yon. Pero siya, Never!

"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Pat sa kaniya.

"Paano ako magsasaya e, sa ibang babae nakatakdang ikasal ang lalakeng pangarap ko. At ang masaklap, sa bestfriend ko pa." gustong gusto na niyang sabihin dito.

A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon