5. Soon to be Mrs. Sy

6.6K 197 9
                                    

"Anak, huwag mong kalilimutan 'yong dinner natin with Alejandro's family." ang Mommy niya. Nasa kabilang linya ito.

"Yes Mom." maikli niyang sagot. Kagabi pa niya iniisip ang tungkol doon at dahilan na rin kung bakit hindi siya masyadong nakatulog. Nae-excite siya na kinakabahan. Makakaharap niya sa hapag kainan si Kiel. Iyon ang gumugulo sa isip niya buong magdamag. Oh! "Mom, I'll call you later. May klase na ako. Love you." paalam niya sa kaniyang ina.

Anong gagawin ko? Bakit ba kasi magkapatid pa sila. Aiiiisttttt!

"Bez!"

Nagulat siya sa sigaw ni Pat. Tumabi ito sa kaniya.

"Oh!" hinawakan nito ang kaniyang buhok."Anong nangyari sa long hair mo? Gosh! Anong nakain mo bez?" halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"Wala bez. Change of style, isn't bad after all." kibit balikat nitong sagot. Wala naman siyang ibang masabi sa kaibigan.

"Nakapagtataka." sabi ni Pat na nakatitig parin sa kaniya.

"Ano ka ba bez, huwag mo nalang pansinin ang buhok ko."

"Okay, fine." binuklat nito ang libro niya at itinuon ang mga mata dito. Samantalang siya ay laman ang isip niya ang dinner nila kasama ang pamilya ni Kiel. "Oh, by the way bez. Samahan mo nga akong mag-shopping mamaya. Half day lang naman tayo diba?" hinarap siya nito.

"Ha?" matagal na ng huli itong nagyaya.

"Please!" umarte pa itong parang maamong tuta.

"Fine." sagot niya. Kanina pa niya iniisip 'yon. Gusto din niyang bumili ng bago niyang damit para sa dinner.

"Oh! Thank you bestfriend." niyakap siya nito.

"Yeah. Ano pa't magkaibigan tayo." pakli niya. Agad nang kumawala si Pat sa pagkakayakap sa kaniya at sumimangot.

"May pakonsensiya ka pa. Alam ko marami akong pagkukulang bilang kaibigan mo. Pero hayaan mo, kapag nakamit ko na ang pangarap ko, babawi ako sa 'yo bez." ngumiti ito na parang nangangarap."I think malapit na." para itong nahihibang.

"Gosh! Ang weird mo bez. Nakulam ka ba?" asik niya dito.

"No, bez. I think I'm inlove." kinikilig nitong sabi.

"What?" nagulat siya sa sinabi nito."Kanino?" kay Kiel ba? Gustong kumontra ang isip niya.

"Secret! Basta samahan mo ako mamaya." sabi nito at hinarap ulit nito ang binabasa niya.

Hindi niya maalis ang tingin sa nakangiting kaibigan. Sana kaya ko ding ngumiti ng ganiyan, habang sinasabing inlove ako. Pero ang hirap lalo na't bestfriend ko ang karibal ko.


****
Nasa bahay na sila ng mga Sy. Halos hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa, papasok sa tahanan ng mga ito. Akala niya ready na siya pero parang gusto niyang umurong. Pagkatapos nilang magshopping na magkaibigan ay nagpa-parlor sila. Pumili siya ng kulay dilaw na off-shoulder na dress at lagpas tuhod ito. Bagay na bagay sa kaniya. Alam niyang napakaganda niya sa gabing 'yon. Ginawa niya lahat para kay Kiel. Pero lahat ay biglang naglaho at nawalan siya ng gana sa dinner na 'yon ng maalala ang huling pag-uusap nila ng kaibigan bago sila naghiwalay.

"You're so beautiful Kat." puri sa kaniya ng kaibigan.

"Ikaw din naman. Bagay na bagay sa 'yo yang floral dress." balik puri na sa kaibigan. Kalalabas nila sa parlor at papunta na sila sa parking lot kung saan nag-aantay ang kanilang mga driver.

A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon