25. His Proposal

7K 215 19
                                    

Nakaupo si Kat sa gilid ng kama ng anak nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Kiel. Katatapos lang nitong nagpakuha ng dugo para isalin sa anak niya.

Nakita niya ang pagtatagis ng baga nito. Wala ng bago doon. Noon pa man ay ganiyan ka niya tingnan Isabelle. Ibinaling niya muli ang tingin sa wala pa ring malay na anak.

"Bakit ngayon mo lang sinabi ang tungkol dito!" mahina pero matigas nitong tanong sa kaniya. Tiningala niya ang binata. Nakatingin ito kay Luke. "Kung hindi pa mangyayari ito, wala ka talagang balak ipaalam sa akin ito." ibinaling niya ang tingin nito sa kaniya. Napalunol siya. Hindi niya alam ang isasagot sa galit na binata. Ano ba ang sasabihin niya?

"Tama ka. Masaya na kami ng anak ko. Hindi niya kailangan ng isa pang magulang." mahina niyang turan.

"Shit! Sa loob ng anim na taon! Six years Isabelle! Wala man lang akong kaalam alam na may nabubuhay akong anak! At hindi ko pa malalaman kung hindi manganganib ang buhay niya!" napalakas ang boses nito.

Bigla siyang napatayo at hinarap ang binata.

"Ano bang pinuputok ng butsi mo?! On the first place, ikaw ang unang nakaalam na buntis ako noon! Pero anong natanggap ko sa iyo?! Puro masasamang salita!" bigla niyang naalala ang nakaraan. Hindi niya napigilang mapaluha. Bumalik ang sakit na naramdaman niya noon habang isinusumbat sa binata ang pagkakamali nito. Na noon pa niya gustong gawin. "Wala kang ibang ginawa kundi ang insultuhin ako Kiel! Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko noon! Wala kang alam! Kaya huwag mong isumbat sa akin ang bagay na iyan! Dahil kung mauulit ang pangyayaring iyon sa buhay ko, gagawin ko ulit ang ginawa ko!" sigaw niya sa binata sa pagitan ng kaniyang pag-iyak.

"Shit!" hindi alam ng binata kung lalapitan siya. "Sana sinubukan mo man lang na ipaalam." sumbat sa kaniya nito.

"Bakit Kiel? Kung sinabi ko ba maniniwala ka?" nakita niyang natigilan ang binata. "Hindi diba? Dahil iisa lang ang nakatanim sa makitid makitid mong pag-iisip, na isa akong masamang babae! Na niloko ko lang ang pamilya niyo!" bulyaw niya sa binata. Gusto niyang ilabas ang kinikim niya aa kaniyang dibdib sa matagal na panahon.

"Hin-hindi ko alam. Pero sana sinubukan mo." -si Kiel.

Pinunasan niya ang luha niya."Enough!" madiin niyang turan. "Tama na Kiel. Ayoko ng alalahanin pa ang nakaraan. Dahil kung gagawin ko iyon, galit lang ang makukuha mo sa akin." tiningnan niya ito ng mariin. Huminga siya ng malalim. "Ayokong patuloy na mamuhi sa iyo. Ayokong magalit sa taong nagligtas sa anak ko.Kaya sana, ang hinihiling ko lang ay huwag mo na sana kaming abalahin ng anak ko."

Hinawakan siya nito sa kamay. "Anak natin!" pagtatama nito. "Hindi ko magagawa ang gusto mo Isabelle! Nandito na ako. Sa ayaw at sa gusto mo, kukunin ko ang anak ko! Anim na taon mo siyang ipinakait sa akin. Huwag mong asahang mananahimik nalang ako Isabelle." naramdaman niya ang lalong paghigpit ng kamay nito sa braso niya.

"No!" sigaw niya at pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak nito. "Hindi ako makakapayag Kiel! Mamatay muna ako bago mo malayo ang anak ko sa akin!"

"Try me Isabelle. Kilala mo ako. Magagawa ko iyon." seryoso nitong pahayag.

Nanikip ang dibdib niya. Tama ito. Walang imposible kay Kiel. Kaya niyang kunin ang anak niya mula sa kaniya. Alam niyang gagamitin nito ang pera niya para labanan siya. At wala siyang kalaban laban dito.

"Ang sama mo!" hindi niya napigilang suntukin ito sa dibdib. Napaiyak siya lalo habang pinagsusuntok ito. "Ang sama sama mo Kiel!" naramdaman niyang hindi umiwas ang binata. Sinalo nito lahat ng suntok niya hanggang napagod siya. Naramdaman niya ang paghapit at yakap ng binata palapit sa kaniya. Napasubsob siya sa matipunong dibdib nito. Doon niya ibinuhos ang iyak niya.

"Marry me Isabelle." mahina pero dinig na dinig niya iyon. Bigla siyang kumawala sa yakap ng binata.

"What? Pakiulit nga ang sinabi mo." -si Kat

"Alam kong narinig mo ang sinabi ko Isabelle. At iyon lang ang alam kong paraan para hindi malayo ang bata sa iyo. I want to consider your efforts para sa pagpapalaki sa anak ko. Kaya ikinonsider ko din na kailangan ka niya." paliwanag ng binata.

"What? Are you proposing?" hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ang walanghiya! "Are you kidding me?! Pero salamat naman nang marami sa pagco-consider Mr. Sy! Masyado naman akong overwhelmed!" sarkastiko niyang pahayag dito. "Ako nga lang naman ang ina ng batang balak mong kunin baka nakakalimutan mo! Hindi ako yaya para gamitin mo ang salitang " effort" sa pagpapalaki ko sa anak ko!" sigaw niya sa binata. Biglang tumaas ang dugo niya sa pinagsasabi nito.

"I know. At baka nakakalimutan mo din, that I'm the father." diniinan nito ang salitang "father."

"Father? Kailan? At nakakasigurado ka bang ikaw nga ang ama ng anak ko? Diba sinabihan mo akong maruming babae, at kung kani-kaninong lalake lang ako nakikipagtalik?" wala siyang pakialam kung sumisigaw na siya. Nakita niya ang pagtatagis ng baga ni Kiel.

"I'm the father! Hindi ko kailangang kompirmahin pa iyon dahil kamukhang kamukha ko siya! Alam ko, anak ko siya!"

"No!" sigaw niya dito. "Hindi mo pa rin siya makukuha sa akin Kiel!"

"I said, try me sweetheart. Wala na akong magagawa. I gave you an option, nasa iyo na kung papayag ka. And I want your answer tomorrow, bago ko kauaapin ang abogado ko." tiningnan lang siya nito ng ilang saglit bago ito tumalikod at lumabas sa pinto.

Naibato niya ang cellphone niya sa may pinto dahil sa inis.


Nanlumo siya. Natakot siya sa sinabi ni Kiel na kukunin ang anak niya. No! Gusto niyang umiyak ng malakas pero pinigilan lang niya.

That bastard! Wala na siyang ginawa kundi sirain ang buhay ko! Hindi niya maiwasang isipin ang proposal nito. Nakaramdam siya ng kakaiba sa puso niya. Pero namayani parin ang galit niya dito. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kong ano ang gagawin niya.

Help me Lord! Bakit kailangan pang umabot ng ganito ang sitwasyon. Bakit muli niyong ibinalik sa buhay ko ang lalakeng matagal ko ng kinalimutan. Why?

Kinalimutan? Really Isabelle? o tamang sabihin na......

Ang lalakeng hindi mo makalimutan..



_iamtamz

Again, I'm sorry about Sheem and Alejandro.

Enjoy reading :)

A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon