21. Six Years Later

6.8K 213 11
                                    

"Luke David Sy."

Lumingon ang limang taong gulang na batang lalake. Nginitian siya nito. Parang natutunaw ang puso niya sa sayang nakikita niya sa mukha ng bata.

You look like him. Hindi niya maiwasang isipin. Ipinilig niya ang kaniyang ulo,ayaw niyang alalahanin ang mga malulungkot na bagay sa kaniyang nakaraan. Dahil masaya na siya. Mayroon nang isang tao na nagbibigay saya sa buhay niya.Si Luke David. Ang kaniyang anak...

"Mommy! Faster!" kaway nito sa kaniya. Nakita niya ang excitement sa mukha nito."I want to see grandma, na."

"Hintayin mo ako baby, baka mawala ka." binilisan niya ang paglapit dito.

"Ang bagal mo Mommy.Baka naiinip na si lola sa surprise natin." ingos nito.

"Oh.." pinisil niya ang pisngi nito."Hindi maiinip si lola, kasi hindi naman niya alam na may surprise tayo e.Ang sabihin mo ikaw ang naiinip, little mister. Siguro, ayaw mong kasama si Mommy habang namamasyal, bakit mo ako iniiwan? You don't love Mommy na?" Yumuko siya at pinugpog niya ng halik sa mukha nito.

"Stop it Mom..." humagikhik ito, dahil nakikiliti. Tumigil lang siya nang niyakap siya nito. "Mom, I love you.. so please stop.You are always be my number one love." humigpit ang yakap ng munti nitong braso sa leeg niya. "I will never leave you Mom. Never."

Gusto niyang umiyak pag nilalambing siya ng anak. Ang mga lambing nito ang nagpapasaya sa kaniya araw-araw. Nawawala ang pagod niya kapag nakikita niya ito. Para sa kaniya, ito ang mundo niya.

"Thank you sweetheart. Mas mahal ka ni Mommy sweetheart. Just don't go far, ikamamatay ko." hindi niya naiwasang sabihin. Ang anak niya ang strength at weakness niya.

"Promise Mom." kumawala ito sa kaniya. "Tara na then Mom, bilhan na natin si grandma ng cake niya." may lambing at pagmamakaawa sa mukha nito. Ramdam niyang namimiss nito ang Mama niya.

Kaarawan ng Mama niya kaya nagpasya siyang bisitahin ito sa kanilang bahay. Hiwalay ang tirahan nilang mag-ina. Sa isang probinsiya sila naninirahan ng kaniyang anak. Hindi niya ginustong bumalik sa dati nilang bahay kahit kinukulit siya ng kaniyang ina na doon na manirahan.Kasama lang ng kaniyang ina ang dalawa nitong kasambahay. Limang taon na ring patay ang kaniyang ama. Sunod-sunod ang naging dagok ng buhay nila anim na taon na ang nakakaraan. Iyon ang parte ng buhay niya na ayaw na niyang maalala pa.

"Let's go. Pero bukas kailangan din nating umuwi ha?" paalala niya sa anak.

"Yes Mom. Million times mo na pong sinabi 'yan." ngumuso ito sa kaniya.

"Mhhpp..Ikaw talaga!" pinisil niya ang pisngi nito.

Lumuwas sila ng Maynila. Pero hindi niya binalak magtagal doon. Kung hindi lang kaarawan ng kaniyang ina,hindi niya gugustuhing tumapak sa lugar na 'yon. Ayaw niya kasing magtampo ang Mama niya at hindi rin siya mapapakali kung hindi niya ito bibisitahin. Ito nalang kasi ang naiiwang magulang niya. Kung gugustuhin din sana nito, isasama niya ito sa probonsiya. Pero ayaw din nitong iwan ang bahay nila, dahil parang iniwan na rin daw nito ang Papa niya kung aalis siya doon. Maybe that's love. Isang uri ng pag-ibig, na kahit kailan ay hindi niya mararanasan.

*****
Masayang masaya ang Mama niya ng dumating sila. Lalong lalo na ng makita nito si Luke.

"Lola!" agad itong yumakap sa matanda.

"Oh, apo. Ang gwapo kung apo." mangiyakngiyak ito.

"Happy birthday grandma! I have something for you!" kinuha nito mula sa kamay niya ang hawak niyang cake at lumapit ulit sa Mama niya. "Mom and I bought this. Sabi ni Mommy, paborito mo daw ang chocolate cake. So I choosed this one." pagkatapos ay inabot niya dito ang hawak niya.

"Ohh! Thank you Luke. You're so sweet." hinalikan nito ang pisngi ng bata.

"Grandma, may kapalit iyan." mahina pero dinig niyang sabi ng anak.

Tumawa ang matanda. "What is it, sweety?" tanong ng Mama niya.

Bago ito nagsalita ay liningon muna siya nito. Sinisigurado nitong di niya maririnig ang ibubulong nito. "Grandma, umupo kayo." utos niya dito. Sumunod naman ang Mama niya. Inabot ng anak ang tainga ng matanda at may ibinulong ito. Nakita niyang nawalan bigla ng kulay ang mukha ng Mama niya, pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya. Pero pilit itong ngumiti ng matapos angbibinubulong ng anak.

"Grandma, promise me. Sikreto lang natin 'yon ha." nakangising sabi ng anak sa Mama niya. "Don't tell Mom okay?" bulong nito.

"Ofcourse sweetheart. Promise." -ang mama niya.

"Yehey! Mom, tara na! Kain na tayo ng cake!" kinuha nito ang cake at nauna na itong pumunta sa kusina. Nakangiti niyang sinundan ng tingin ang bibo niyang anak.

"He's so handsome! Habamg tumatagal ay lalo niyang nagiging kamukha ang ama niya." sabi ng Mama niya.

"Mom please." iniiwasan niyang mapag-usapan ang tungkol sa ama ng anak niya.

"Hay naku, Katarina hindi magtatagal ay malalaman din ni Luke ang totoo. Huwag mong hayaang kamuhian ka niya pagdating ng araw na 'yon." babala ng ina niya.

"No Mom! Hindi ko hahayaang mangyari iyon! Ang gusto ko lang ay ang mamuhay kaming mag-ina ng tahimik. Hindi niya kailangang makilala pa ang ama niya." matigas niyang turan.

"You are afraid Katarina. Natatakot ka lang.Pilit mong itinatago si Luke. Pilit mong ipinagkakait ang karapatan niya upang maranasan ang magkaroon ng buong pamilya. "

"You're right Mom. Natatakot akong malaman niya ang totoo.Dahil ayokong may kahati sa anak ko. He's mine! Hindi ko hahayaang kunin nila sa akin si Luke! Kung kinakailangang mamuhay kami sa liblib na lugar na 'yon! Gagawin ko, huwag lang malayo ang anak ko sa akin. Dahil ikamamatay ko, alam mo iyan Mama!" matigas nitong paliwanag.

"Fine! Wala akong magagawa.'' Itinaas pa nito ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko."Pero alam mo ba kung ano ang ibinulong ng anak mo sa akin?" seryoso ang mama niyang nakatitig sa kaniya.Ilang sandali ang nakaraan bago siya nagsalita.

"What?" tanong niya.

"He asked for a gift sa darating niyang kaarawan. Kapalut daw ng binili niyang cake para sa akin." tumawang kwento ng Mama niya.

"And what is it?" interesado niyang tanong.

"Ang Daddy niya." huminga ito ng malalim."So sad, hindi ko afford ang hinihingi ng anak mo. Sabagay, promises are made to be broken. Am I right sweetheart?" natigilan siya sa narinig.Tinapik siya nito sa balikat bago siya iniwan.

Imposible ang hinihingi ng anak niya.

Malungkot niyang tinitingnan ang anak niyang masayang kumakain ng cake kasama ang Mama niya. Malakas ang tawanan ng mag-lola. Napaluha siya...."I'm sorry anak, hindi ko kayang ibigay ang gusto mo. Dahil kung gagawin ko 'yon, para ko na ring pinarusahan ang sarili ko. Dahil kailangan ko munang harapin ang aking madilim na nakaraaan bago ko maibigay sa iyo ang gusto mo.At hindi ko kayang gawin iyon."

_iamtamz

Secrets....are everywhere!

A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon