24. Kiel's Feelings

6.8K 205 25
                                    

Napasulyap si Kiel sa dalagang nakaupo sa tabi niya. Nakatulog ito hang bumabiyahe sila. Dihan-dahan niya ang takbo ng kaniyang sasakyan. Ayaw niyang istorbohin ang mahimbing na pagkakatulog ng dalaga. Ramdam niyang pagod na pagod ito dahil na rin siguro sa pinagdadaanan nito.

Humigpit ang hawak niya sa manibela ng biglang maalala ang dahilan kung bakit magkasama sila ng dalaga. Shit! I didn't expect na ganito ang muli nating pagkikita Isabelle. You never failed to disappoint me woman! Mula noon hanggang ngayon! Nang biglang naalala niya ang nakaraan..

"No Dad! Papakasalan ko si Katarina kahit hindi ako ang ama ng dinadala niya!" sigaw ng kuya niya, binigyan siya nito ng nag-aapoy ng tingin.

"Are you serious kuya? Aakuhin mo ang hindi sa 'yo? You're crazy!" he's angry. Hindi niya alam kung bakit siya nagagalit sa sinabi ng kapatid niya.

"Yes! Kilala ko si Isabelle at alam kong mabuti siyang babae. Kung ano man ang iniisip niyo tungkol sa kaniya-" tiningnan siya nito ng masama. "Lalo na ikaw Kiel! Sinasabi ko sa iyo, hindi maruming babae si Isabelle. Darating ang araw, pagsisisihan mo ang lahat ng masasamang paratang mo sa kaniya!" makahulugan nitong pahayag.

Lalong nag-igting ang baga niya. Hindi niya matatanggap ang naging desisyon ng kapatid na sa kabila ng lahat ng panloloko ni Isabelle dito ay pakakasalan parin niya ito. Bastard!

"Anak..alam naming mabuting bata si Kat, pero tama ba na akuhin mo ang responsibilidad na hindi naman sayo?" ang Mommy niya.

"Listen Mom and Dad. Ito lang ang masasabi ko sa inyo, hindi alam ng ama ng dinadala niya na nabuntis siya nito. Kung kaya ko lang patayin ang taong 'yon ay matagal ko ng ginawa!" nanggigigil na pahayag ni Alejandro.

"Pero kung awa lang ang nararamdaman mo, huwag mong ituloy ang balak mo Alejandro. Tulungan natin siyang hanapin ang ama ng dinadala niya." ang Daddy nila.

Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ng kapatid.

"That is impossible Dad! Hindi ganoon kadali ang gusto niyo. And besides, ayaw ni Kat iyon. Mas gugustuhin nitong buhayin ng mag-isa ang ank niya kaysa ipaalam sa walang kwentang nakabuntis s kaniya ang kalagayan niya!" matigas nitong pahayag.

"Kung magsalita ka kuya parang kilala mo ang ama ng dinadala ni Isabelle!" sarkastiko niyang turan.

"Ofcourse brother! I know him very much!" ramdam niya ang pagtatagis ng baga ng kapatid.

"Talaga? So, alam mo palang niloloko ka na niya-" naikuyom niya ng mahigpit ang kamao niya."Alam mo na palang nakikipag-siping siya sa iba, gusto mo pang akuhin ang hindi sa iyo!"

Bigla siyang dinaluhan ng suntok ng kapatid.Dalawang suntok ang nakuha niya mula dito. Hindi niya napaghandaan iyon kaya napasalampak siya sa sahig.

"Tumigil kayong dalawa!" sigaw ng Mommy nila. Dinaluhan siya nito.

"Bakit kuya? Gusto mo ba ang mga babaeng tira-tira na ng iba?" Nakita niya ang galit sa mukha nito. Lalapitan sana siya nito ulit pero humrang ang Daddy nila.

"Bastard! Wala kang alam Kiel! Hindi mo alam ang totoong nangyari kaya you better shut your shitty mouth!" Tiningan nito ang Daddy nila." Dad, my decision is final. Pakakasalan ko si Isabelle, kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao!" seryoso nitong pahayag pagkatapos ay umalis na ito sa harap nila.

"Shit! Double shit!" napasuntok siya sa sahig. Naramdaman niya ang luhang tumulo sa mga mata niya. Hindi niya alam kung anong dahilan ng mga luhang iyon. Sa sakit ba na nararamdaman niya sa kamay niya o ang sakit na nararamdaman niya sa puso niya.

A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon