3. Sweet is not really Sweet

7.1K 195 3
                                    

"Patricia, wait!" sigaw niyang habol sa kaibigan. Katatapos lang ng last subject nila sa araw na 'yon. Gusto sana niyang yayain itong mag-shopping pero naunahan na siya nito. May pupuntahan daw itong importante. Mabilis pa sa alas kwatro itong tumalilis. Halos hindi na sila nagsasabay na umuwi. Madalas kasi itong naglalaho nalang. Napailing nalang siyang hinabol ng tingin ang papalayong kaibigan.

Nagdesisyon siyang umuwi nalang. Hindi rin kasi masaya na siya lang mag-isa ang magsho-shopping. Naglalakad siya sa gitna ng compound ng biglang umulan ng malakas.

"No..no..no..!" hindi niya alam kung saang direksyon siya tatakbo. Nasa mismong gitna kasi siya ng school ground. Tumakbo siya sa papuntang gymnasium dahil iyon na ang pinakamalapit."Oh no!" pinagpag niya ang kaniyang damit. Basang basa na siya. Wala a siyang nagawa kundi yakapin ang sarili niya. Nababakat na kasi ang katawan niya sa basa niyang uniporme."Oh. Rain..rain go away." nanginginig niyang kanta."Kung kailan hindi ako nagdala ng payong, saka umulan. Wala na yatang balak tumigil." ramdam niya ang ginaw na tumatama sa basang katawan niya.

Napatingin siya sa paligid niya. May mga ilang estudiyanteng kagaya niya na walang payong, pero ang pagkakaiba nila ay may mga kasama ang mga ito. Boyfriend. Friend.Classmate. Pero siya, mag-isa. Naalala nanaman niya ang kaniyang kaibigan, lalo tuloy siyang nalungkot.

Tiningnan niya ang oras sa relo niya.Pasado alas singko na at dumidilim na ang paligid. Nagdesisyon siyang tumakbo nalang at suungin ang ulan. Basa naman na siya. At wala narin siyang mga kasama sa lugar na 'yon.

"One...Two..Th-.." tatakbo na sana siya ng biglang may humila sa braso niya.

"Shit! What are you planning to do?!" isang pamilyar na boses. Nang iangat niya ang ulo niya ay hindi siya makapaniwala sa nakita niya na nasa kaniyang harapan. Kiel?Omg! Nananigip ba ako? Napakagwapong Kiel ang nasa harap niya. Bagay na bagay dito ang jersey uniform nito. Ito ang captain ng team nila. Palihim siyang nanonood sa mga laro nito, wala siyang pinalampas na game ng binata simula ng nakilala niya ito.

"Hey! Nababaliw ka na ba?" naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

"Oo, matagal na akong baliw na baliw sa 'yo." sabi niya sa isip niya.

"Shit! Look at yourself." nakatingin ito sa basa niyang damit. Nagulat siya ng hubarin ng binata ang suot nitong jersey at ibigay ito sa kaniya."Isuot mo 'yan! Kitang kita na ang kaluluwa mo." Agad naman niya itong kinuha at ipinatong sa uniporme niya.

"Thank you." nginitian niya ito.

"Nasaan ang driver mo?"

"Nasa labas Kiel." sagot niya. Napakunot lang ang binata."Where's your cellphone?" pagkuwa'y tanong nito sa kaniya. Agad naman niya itong dinukot sa bag niya at iniabot sa binata.

"Anong pangalan ng driver mo sa phonebook mo?" tanong ng binata.

"Kuya Pedro." sagot niya.

Nagdial si Kiel.

"Manong, pakipasok po 'yong sasakyan dito sa loob. Nandito ang señorita mo sa may gymnasium." iyon lang at pinatay na nito ang cellphone at ibinalik sa kaniya.

Gusto niyang itext sa driver niya na huwag muna pumasok. Pero hindi niya magawa dahil masyado siyang nakafocus sa magandang tanawing nakaatang sa harap niya.Yumyum! Ang katawan ni Kiel. Omg! Gusto niyang hawakan ang mga abs nito, para siguraduhing totoo ang mga 'yon.

"He's here." anang binata.Nakita niya ang papalapit na sasakyan. Kuya Pedro naman! Bibigyan pa maman sana kita ng bonus e. Kainis! lintaya niya sa kaniyang isip.

"Salamat Kiel." akmang huhubarin niya ang pinasuot notong damit niya ng pinigilan siha ng binata.

"Take it." Seryoso nitong sabi.

"Ha?" hindi siya makapaniwala, parang gusto niyang maglulundag sa tuwa. Ito na siguro ang pinakamaligayang araw ng buhay niya.Promise, hinding hindi ko ito ipapalaba.

"And one more thing. Pakisabi sa magaling mong kaibigan na huwag na niya akong uutusan ng kung ano-ano.That brat!" pagkatapos ay tumalikod na ito.

Ano daw? Hindi na niya ito natanong dahil nakalayo na ito. Kakausapin nalang niya si Pat kapag nagkita na sila. Masayang siyang umuwi sa gabing 'yon. Hindi maalis ang matamis na ngiti sa mga labi niya hanggang sa kaniyang pagtulog.

*****
"Good morning bez." bati ni Pat sa kaniya. Hinahantay siya nito. Pekeng tinaasan niya ito ng kilay at linagpasan lang ang kaibigan. Gusto niyang iparamdam dito na nagtatampo siya.

"Galit ka ba bez? Sorry na." nakasabay na ito sa kaniya sa paglalakad. "May importante lang talaga akong lakad kahapon bez." tumigil siya at hinarap ang kaibigan.

"Oh, ganoon ba? Gaano ba kaimportante 'yan at hindi mo man lang kayang sabihin sa matalik mong kaibigan?" nakita niya ang pag-ngiwi nito. Bakas sa mukha nito ang pagka-guilty.

"Sorry bez." ngumisi ito."Importante talaga 'yon. I can't tell you now bez.Pero promise bez, malalaman mo din." ngumiti ulit ito. Wala nanaman siyang nagawa.

"Why can't you just tell me now? Sasabihin mo lang din naman ng mas maaga sakin.'' naglakad ulit ito.

"I'm sorry bez. Baka kasi pagalitan mo ako." nakasabay ulit ito sa kaniya.

"Okay. Once na inulit mo pa ang pag-alis ng di nagpapaalam, magkalimutan na tayo." alam ng kaibigan niya na nagbibiro lang siya.

"Promise bez." Ngumisi ito.Umangkla ito sa kaniyang braso habang naglalakad sila.

Sa totoo lang masaya ang puso niya sa mga sandaling 'yon.Naalala nanaman niya ang nangyari kahapon. Napangiti siya.

"Why are you smiling so sweet?" nakakunot noong tanong ng kaibigan. Nginitihan lang niya ulit ito."Wait!" bigla itong may naalala. "Nagkita ba kayo ni Kiel kahapon?" tanong nito sa kaniya.Bigla siyang napatigil sa paglalakad. Paano nito nalaman?

"Ha?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya.

"Don't tell me di kayo nagkita?" di parin siya sumagot."That jerk! Lagot siya sakin!" galit na sabi nito.

"Ha? Bakit?" tanong niya dito.

"I called him yesterday, ng biglang bumuhos ang ulan. I know hindi ka nagdala ng umbrella at alam kung nasa compound ka pa. So, pinahanap kita sa kaniya." kwento ng kaibigan na ikinabigla niya.

What? Biglang nawala ang saya sa puso niya. So? Iyon ang ibig sabihin ng sinabi ni Kiel sa kaniya kahapon. Parang gusto niyang manghina sa nalaman.

"That bastard! Minsan na nga lang ako makiusap sa kaniya. Mas importante pa ang paglalaro niya ng basketball? Mygad! Jerk!" mahabang lintaya ng kaibigan.

Halos hindi na niya narinig ang mga sinasabi ng kaibigan. Iisa lang naman ang ibig sabihin ng sinasabi nito. Ginawa ni Kiel 'yon dahil napag-utusan lang ito.

Pagkatapos niyang kiligin ngayon ay halos manginig siya. Umaasa ka kasi na mapapansin ka niya.

Tumingala siya sa langit para di tumulo ang nagbabadya niyang luha. You are fool Katarina!





_iamtamz




A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon