1

572 9 1
                                    

A/N: Re-uploaded. Sayang ang read at votes ng nauna kong upload nito. huhu. I don't know what happened pero wala na akong magagawa kung hindi i-upload ulit. huhu. Please re-read and re-vote. T^T

Dedicated to you girl. Priceless first reader! >///<

PinkishPixie. :)

---

Chapter 1

Sabi nila mukhang pera daw ako.

Sabi ko naman, "Bakit? Sino bang ayaw ng pera?"

Aba't sa buhay ng tao sobrang importante ng pera.

Wag kayong magpanggap at sasabihing,

"Money can't buy happiness."

Dahil sa real world,

"Money CAN buy happiness."

Tanggapin na natin na ang mga tao kayang mapasaya ng mga materyal na bagay. Gadgets, kotse, damit, sapatos, ETC. Basta may pera ka pwede kang maging masaya. Tama di ba?

Pero naniniwala din naman akong may mga bagay na hindi din kayang bilihin ng pera. Nandiyan si happiness na dulot ng LOVE.

Love ng family.

Love ng friends.

At ang pinakabonggang Love sa lahat ay ang LOOOVE na pwede mong maramdaman sa isang tao. Iba pa rin ang kaligayahan na dulot ng Love, di ba?

Ako si Yumi. Samahan nyo akong hanapin ang Love na maituturing kong...

PRICELESS.

***

"Hoy! Bayad mo?" Sabi ko kay Kathleen, classmate ko na kumakain sa canteen. Aba't ang bongga ng pagkain nya aa, may salad at fruits pa with matching mango shake at chocolate cake.

"Pwede mamaya? Kumakain pa ako oh." Reklamo nya sabay sip sa mango shake nya. Regular customer ko sya pero isa syang dakilang mahirap singilin kaya naman natuto na ako.

"Hmmm. Pwede naman. Meron ka lang 15 minutes at kung hindi mo na ako mahagilap after 15 minutes, sorry ka na lang dahil ibebenta ko na 'tong assignment mo sa iba." Sabi ko pa at akmang aalis na pero syempre pinigilan nya ako.

"Ito na!" Humarap ulit ako sa kanya sabay nagbigay ng ngiting tagumpay. Nagbigay na sya sa'kin ng 100 pesos kasabay din ng pagabot ko ng papel.

"Mukhang pera ka talaga e 'no?"

"Ngayon mo lang nalaman? At isa pa kung ayaw mong magbayad edi gumawa ka ng sarili mong assignment." Sabi ko. Naiinis ako pero hindi ko pa rin inaalis ang ngiti ko. Dinilaan ko sya sabay walk-out.

Sanay na ako dyan sa Kathleen na yan. Ang hilig magpagawa ng assignment tapos magrereklamo. Actually sanay na kami sa isa't isa. Reklamador lang talaga sya pero hindi naman kami totally na magkaaway. Sadyang spoiled brat lang talaga sya at nuknukan ng kalandian.

"Yumi!" Naglalakad na ako papuntang library nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako para tignan.

"Oh?" Tanong ko kay Arman, classmate ko din na isa pang tamad kaya customer ko din sya. For sure magpapagawa na naman yan ng assignment.

"Pagawa naman ng reaction paper."

"Wow. Ang hilig mo sa rush. Mamaya na submission tapos ngayon mo lang sinabi. Anong tingin mo sa'kin robot?" Pagtataray ko. Well ganito lang talaga ako, mataray. Pero sanay na sa'kin lahat ng mga classmates ko.

Priceless - O N H O L D -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon