"Tumawa ka na at 'wag mo ng pigilan. Mamaya kung saan pa lumabas 'yan."

"Pfft! Hahaha! Nauntog ka. Hahaha! Laughtrip!" tumatawang sinabi ni Steffi.

"Tapos ka na ba tumawa?"

"Hahaha! Hindi pa. Hahaha! 'Yan, okay na."

"Pabawi a—"

"Bwahahaha! Hindi ko talaga mapigilan!"

"Manahimik ka na nga! Tang*nang 'yan! Hahalikan kita!"

"Sabi ko nga, tatahimik na ako. Pfft! Hahaha! Joke lang. May pahabol, eh."

Hinawakan ni ZAC ang kamay ni Steffi at inintertwine ang mga daliri nila. Tinignan niya ito pero sumagot lang ito sa pamamagitan ng matamis na ngiti... Ngiti na ngayon niya pa lang nakita kay ZAC. Tila ba may kakaiba sa ngiti nito.

"Oh my gosh! I saw ZAC smiling!" sigaw ng isang babae.

Napatingin si Steffi sa isang babae na tuwang tuwa sa nakita. Kung sabagay, iba nga naman kasi kapag nakita mo itong nakangiti. Palagi kasi itong mukhang galit at wala sa mood. Siguro nga big deal para sa lahat na nakikita siya na nakangiti ng ganoon. Ibinalik niya ang tingin niya kay ZAC at ngumiti ulit ito.

"ZAC, naka-drugs ka ba?"

Agad siya nitong binatukan at bumalik na naman sa pagiging seryoso ang mukha nito.

"Aray! Bakit mo ako binatukan?! Masakit, ah?!"

"Pinipilit ko na ngang magbago, eh. Hindi mo man lang ba maappreciate? Tara na nga."

Hinawakan pa rin ni ZAC ang kamay ni Steffi sa pagpunta nila sa classroom nila. Madaming chismisan at bulung-bulungan sa paligid tungkol sa pagcocommute nito. Nawala na nga kasi dito ang mga bagay na meron ito pero walang pakialam doon si ZAC. Para kay ZAC, mas mahalaga si Steffi kaysa sa mga mamahaling bagay na mayroon siya. Idagdag pa sa mga pinag-uusapan ang muling pagngiti nito dahil hindi ito nakikita ng iba na ngumingiti at ngayon lang nila nakita na ngumiti ito matapos ng nangyari kay Monique.

Habang naglalakad ay nakasalubong nila sa hallway si Kim, lalayo at iiwas na sana si Steffi kay Kim dahil sa tuwing ganito ay ito na ang sinasamahan ni ZAC pero nanatiling mahigpit ang pagkakahawak ni ZAC sa kamay niya.

"Inisip mo din pala 'yong sinabe ko sa 'yo, ZAC? Nakokonsensya ka na ba? Hahaha! Ang bilis mo naman nagbago? Well, good luck with that! Let's see kung hanggang kalian ka magiging ganyan. Ciao!" sabi ni Kim.

Nanibago siya kay Kim. Hindi niya inaasahan na hindi siya nito aawayin o lalaitin man lang. Kinausap lang nito ng matino si ZAC. Lumingon si Steffi kay Kim at nakita na papunta ito sa opisina ng 11SG. Habang naglalakad, sunod nilang nakita sina Jia at Sean.

"Hello, Steffi! Hello, ZAC! It seems like the two of you are getting along really well. Just keep it up!" nakangiting sinabi ni Jia.

"Dude, trending ka na naman, ah? Nag-jeep ka daw at ngumingiti ka na ulit? Ayos 'yan! Improving ka na ngayon!" masayang sinabi ni Sean.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Where stories live. Discover now