👑Chapter 48: {Payong kaibigan}

Comenzar desde el principio
                                    

Napangiti na lang siya sa naging tanong ko.

"Kotse ang tawag dito," sabi niya na sumulyap konti sa'kin.

"Ah.. kotse pala," sabi ko at tumingin na ulit sa bintana ng nakarating na kami sa shop.

Pinagbuksan na ako ni Luke ng 'kotse' oh 'di ba alam ko na? At syempre, bumaba na rin agad ako.

"Bilisan mo, madami pa akong paper works na gagawin," sabi niya at hinila na ang kamay ko.

Nakangiti naman ako na nakatingin sa kamay namin na magkahawak.

Nang makapasok na kami sa loob ng shop. At saka niya ako hinarap at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Dito ka na ha? At huwag mo na ulit ako iiwan ng wala sa paningin ko ha?" tanong niya.

Naging speechless naman ako sa pag-aalala niya kaya tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi niya.

"Mangako ka, na kahit anong mangyari.. Hinding-hindi mo na ulit ako iiwan, hindi ko na kayang mawala ka pa ulit Ellaine. Kaya mangako ka," mahabang salaysay niya.

Pero nakakapag taka lang yung kinikilos niya, bakit kaya.

"Pangako," sabi ko na ngumiti.

Pero nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Kasi-- YINAKAP lang naman niya ako???

"Uy, Grabe naman kayo makapag- PDA dito," sabi ni Marla pero ewan ko ba kay Luke kung bakit 'di niya siya pinansin.

"Salamat Ellaine," sabi niya at kumalas na.

"Ellaine?" tanong ko naman.

Kasi tinatawag na ako ni Luke sa totoo kong pangalan eh.

"Bakit? May problema ba sa Ellaine?" tanong niya with a curious look.

"Ah, wala naman... Nakakapanibago lang kasi na Ellaine na ang tawag mo sa'kin ngayon at hindi na Pearl," sabi ko sa kanya.

"Ay grabe sila, may sarili talagang mundo?" tanong ulit ni Marla para pumukaw sa atensyon namin- ay si Luke lang pala kasi nakukuha naman ni Marla ang atensyon ko kanina pa.

"Ikaw talaga," sabi niya at ginulo nanaman ng marahan ang buhok ko. "Simula ngayon, Ellaine na ang tawag ko sa'yo" sabi niya at pumasok na sa loob ng office niya.

Meron pa sana akong sasabihin sa kanya eh, nakakainis.

Ellaine na talaga ang itatawag sakin ni Luke? As in? Nakasimangot akong lumapit sa counter.

"Girl, ang sweet niyo talaga... You're good together," komento naman ni Marla nang tuluyan na akong makalapit.

"Sweet? Hindi ko lang alam pero ngayon lang siya ganyan sa'kin, eh kayo ni Ted? Kwento ka naman... Ano na? Lumevel up na ba ang relasyon niyo?" Tanong ko na nakangisi sa kanya.

And waiting for her answer.

"Mm, naging sweet din naman siya konti," sabi niya na nalungkot ang expression sa mukha.

"Naranasan mo na bang umibig at nasaktan?" tanong ko naman.

I'm giving her an advice para ilabas na niya yung matagal na niyang tinatagong feelings for him.

"Naranasan ko ng umibig... Hanggang ngayon nga iniibig ko pa rin siya but nasaktan dahil sa pag-ibig? No, hindi pa," sabi naman niya.

"Yun naman pala eh," sagot ko sa kanya.

"What do you mean?" nacucurious niyang tanong.

"Kung hindi mo pa naranasan masaktan then let your feelings show, at kung masaktan ka man. Part yun ng pagmamahal, when you already loved someone, then you are ready to hurt because that's part of it. Subukan mo lang, iaccept mo lang ang mga nakikita mo," sabi ko at hinawakan na ang braso niya na nakapatong sa lamesa dito sa counter.

"What do you mean?" tanong ulit niya.

"Huwag mong sabihing nag-aasume ka lang na baka may gusto si Ted sa'yo, maganda ka rin naman eh kaya hindi Imposibleng mahulog ang isang tao sa'yo. And don't block your mind also but let them open. Para malaman mo ang totoo," mahabang paliwanag ko sa kanya.

Totoo naman diba? Na ilet go mo nalang at huwag kang magdoubt na masasaktan ka lang kung nagmamahal ka. At dapat hayaan mo na ang tadhanang magdecide kung papasayahin ka ba niya o panay nalang lungkot at hinanakit.

"Anong totoo?" tanong naman niya.

"Na may nararamdaman din siya sa'yo," sagot ko naman.

"Mm, actually umamin na siya sa'kin na may nararamdaman din siya sa'kin nung bata pa kami."

"Yun naman pala eh."

"Pero hindi ko lang sure kung totoo," sabi lang niya.

"Bakit naman hindi ka sure?"

"Ewan. Parang kasing ang imposibleng magustuhan din niya ako."

"Huwag mong minamaliit ang sarili mo. Kung feel mo na nagsasabi siya ng totoo, why doubt na baka hindi totoo ang sinabi niya? Just try to believe sometimes. At hindi ka pa nun masasaktan."

"Bakit ang galing mong mag-advice Pearl? Eh ikaw, naranasan mo na bang magmahal at masaktan?" tanong naman niya.

Tinanong lang din niya ang unang tanong ko sa kanya.

"Well, naranasan ko ng magmahal at masaktan. Pero hindi yung sakit na iniwan ka niya or may mahal siyang iba or even umasang hindi niya ako mahal. Ang sakit na dinadala ko ay yung takot ko na baka mawala siya sa piling ko. Yun ang ayokong mangyari," sagot ko lang.

Then our conversation were finally stopped nang meron nang dumating na costumer.

"Good morning, ma'am," sabi namin ni Marla at nagbow.

The Mermaid Princess (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora