Nang gumanti ito ng halik sa kanya ay napaungol siya sa antisipasyon.


Sinadya niyang hindi magsuot ng bra. At alam niyang naramdaman iyon ni Kaden. Kahit pa hindi kasing laki ng kay Lucia ang hinaharap niya.


Binuhat siya nito at dinala sa kama.


Hinihintay niya na bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, ngunit nagtagal iyon sa kanyang mga labi.


Nang humiwalay si Kaden sa kanya ay nagtaka siya.


Hinalikan siya nito sa pisngi. "Sleep, cara..." hirap ang tinig na sambit nito.


Tumututol ang buong sistema niya. Hindi niya hinayaang makalayo si Kaden. Kinabig niya ito sa batok at siya na ang umangkin sa mga labi nito.


Dinig niya ang mabilis at malakas ng pintig ng mga puso nila. It only means one thing, they both wanted this.


Pinagapang ni Perisha ang kanyang palad sa matigas na balikat ni Kaden, pababa sa malapad na dibdib at sa buong-buong kalamnan. Inihinto niya ang kamay sa sikmura nito.


Nahigit ni Kaden ang paghinga. Dumiin ang paghalik sa kanya.


Ito na nga iyon... piping bulong ng isip ni Perisha. Gaya ng sabi ni Hariet at Cora, ito na ang cue na malapit na silang mag-chukchak-chenes.


Ipinasok niya ang mga kamay sa loob ng suot na T-shirt ni Kaden, hinaplos niya ang mainit nitong balat.


Usually ay malamig ang balat ni Kaden. Dati nga ay inakala niya pa na nilalamig ito, dahil may mga panahon na parang nagyeyelo ang katawan nito. Ngunit kapag matagal niya na itong kasama ay nagiging normal ang temperatura nito.


Pero kakaiba ang ngayon. Dahil nakakapaso ang init na isinisingaw ng katawan nito.


Napaungol ito sa bibig niya ng laruin niya ng kanyang daliri ang nipple ng lalaki.


Napamura ito sa kanyang bibig.


Napaigtad siya ng bumaba ang isang kamay ni Kaden patungo sa pagitan ng kanyang mga hita.


"Perisha..."


"I want you..." habol ang paghingang anas niya.


Wala siyang makitang pagnanasa sa mga mata ni Kaden ng titigan niya iyon. Ang nakikita niya ngayon ay pag-aalala. Inalis nito ang kamay sa kanyang katawan. Tumayo ito at lumayo.


"Kaden?"


"Matulog ka na," umalis ito sa kama. "Perisha, please!"


"A-anong problema?" Pilit niyang hinuhuli ang paningin nito, pero itinapon nito sa ibang direksyon ang tingin.


Nasaktan siya sa ginawa nitong pag-iwas sa kanya.


"This is..." hindi nito maituloy ang sasabihin.


"Kaden... ready na ako. Mahal kita..."


"No." Matigas itong umiling. "Please matulog ka na at 'wag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina!"


Daig niya pa ang sinampal. "P-pero..."


Kitang-kita niya ang pagtatagis ng mga ngipin nito. Galit ba ito sa ginawa niya? May mali ba sa ginawa niya?


Nang tingnan siya nito ay parang may sumakal sa kanyang puso. Wala ang pagnanasa na inaasahan niya.


Ang nasa mga mata ni Kaden ay awa!


Pagkaawa sa kanya dahil nireject siya nito!


"Ayusin mo ang sarili mo, please."


"S-saan ka pupunta?"


"Lalabas muna ako."


"Iiwan mo ako... rito?"


"Babalik ako kapag nakaayos ka na," malamig na sagot nito saka siya walang lingong iniwanan.


Hindi na siya nakapagsalita dahil tila may bumikig sa lalamunan niya. Nag-init ang mga mata niya.


Maang na napatingin siya sa kanyang sarili.


Hindi ba siya kaakit-akit?


Hindi kalakihan ang dibdib niya, kaya nga hindi nag-abala si Kaden na hawakan man lang iyon kanina. At ang katawan niya, hindi makurba dahil may kapayatan siya. Hindi siya kasing sexy ni Lucia.


At ang itsura niya? Simple lang. Pangkaraniwan.


Simple at walang kahit anong espesyal sa kanya. Maliit siya, payat at hindi maputi. Malaki ang mga mata niya at maraming split-ends ang kulot niyang buhok. Hindi kasing ganda ni Lucia. Malayong-malayo siya rito.


Sa buong buhay niya ay ngayon niya naramdaman kung gaano siya kapangit. At ngayon lang din bumaba nang ganito ang tingin niya sa kanyang sarili.


Nag-iinit ang mga matang napatungo siya habang kagat-kagat ang ibabang labi. Hiyang-hiya siya.


JF


Song used: HERO by Enrique Iglessias

Fall For YouWhere stories live. Discover now