Chapter 37

19K 349 11
                                    

ONP 37: Bittersweet

Bakas ang gulat sa mga mukha ni Vio nang sunduin niya kami sa dalampasigan. Nanatili akong walang imik pero ang isip ko ay punong-puno ng katanungan kung bakit kami biglang napabalik dito sa Aquarii.

Hindi na kami nakapagpaalam kay Elisha nang maayos pero nakita ko naman na nag-usap pa sila ni Khyfer bago kami umalis. I promised my best friend to pay her a call when I had a better signal in here. Walang alam si Elisha kung nasaan ako nalalagi at sila na ng asawa ko ang nag-usap tungkol doon.

"May nangyari po ba at kayo ay biglaang napauwi rito?" bungad ni Valeria sa amin sa bukana pa lang ng beach house.

Doon ako nakakuha ng pagkakataon na masulyapan si Khyfer. He looked so stressed that he's keep on massaging his temple.

"Metti i nostri bagagli al piano di sopra." (Put our luggage upstairs.) he told Vio and Mattias.

"Valeria, cena leggera per noi, grazie." (Valeria, light dinner meal for us, thanks.) utos naman niya sa kaharap ko at hindi man lang nag-abala na sagutin ang tanong nito.

I raised my brow. Nagkatinginan kami ni Valeria at ako ay napailing na lang. Kahit ako ay walang maisasagot sa kanya. Tumango lang ang mayordoma sa akin bago tumalikod.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. Nakaka-miss pala rito. 'Yong preskong hangin at lamig na yumayakap sa akin. I missed the sound of the ocean waves and the stars scattered magnificently in the sky.

Nagpunta ako sa kuwarto para makapagpahinga ng matiwasay. Hindi rin naman kasi biro ang ilang oras na biyahe. I'll just take a nap and wait until the food that Valeria prepared is ready.

Humilata ako sa kama pero hinid ko magawang ipikit ang aking mga mata. Nakatitig lang ako sa kisami.

Now, me and Khyfer are officially husband and wife. Our unexpected yet magical wedding in Arkansas is an evident to our unexpected set-up, while the baby inside me is my hope for this relationship to become a reality.

Hindi ako magmamakaawa sa pagmamahal niya pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para magampanan ang obligasyon ko bilang isang asawa sa kanya na bukal sa loob ko. Hindi ko ito gagawin dahil lang sa kasal kami o ano pa man kundi dahil mahal ko siya para nang sa huli ay wala akong pagsisihan.

Mas mabuti na rin ito kesa sa inabandona kami ni Khyfer o hindi man lang niya kinilala ang magiging anak namin.

"Mauna ka nang matulog, I'll finish some business matter at my office."

The noise from the utensils stopped. I faced him absentmindedly. He is still the same, the calm yet dangerous Khyfer.

Hindi ko na magawang makatulog dahil tinawag na rin ako ni Mattias para maghapunan. Kanina pa naging tahimik ang pagkain namin. Kahit 'yong simpleng pagtatangka ko na magbukas ng usapan ay agad niyang tinatapos.

Hindi na ako sumagot, sa halip ay tumango na lang ako. Hindi rin ito ang tamang oras para siya ay kulitin ko na sabihin sa akin ang nangyayari sa kanya o sa kung anuman ang problema niya. Hinayaan ko siyang umalis sa hapag at naiwan akong matamlay na tinatapos ang pagkain.

Nilingon ko pa siya, nagbabasakaling magpang-abot ang aming mga tingin pero nabigo lang ako. Mapakla akong ngumiti kay Valeria nang makita ang nangyari.

"May naging problema ba, bago kayo umuwi rito?" naitanong nito, marahil ay hindi nakatiis.

"Hindi ko alam. Basta, nagulat lang ako na bigla siyang nagdesisyon na bumalik kami agad dito."

"Gano'n ba . . ." Maging siya ay nagtataka rin sa kinikilos ng amo niya.

"Hindi naman kami nag-away . . . Actually, we were having a nice day there when he suddenly became so cold and dangerous right after answering several calls from I don't know who," dagdag ko pa.

EBB Series #1: One Night PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon