Chapter 24

24.6K 479 15
                                    

ONP 24: Better Half


"WAKE UP, SLEEPY head..."

Marahan akong gumalaw nang maramdaman na tila may humahaplos sa aking mukha. Umingos pa ako lalo nang hindi iyon tumigil. That soft touch reminds me of someone.

Nang hindi na ako makatiis ay pagod kong binuksan ang aking mga mata. Nanlalabo akong tumingin sa unahan at may naaaninag akong isang mukha ng lalaki kaya naman kinusot ko ang aking mata para mas malinaw itong makita.

Kinusot kong muli ang aking mata hanggang sa naging malinaw ang kanina lang ay isang malabong imahe sa aking harapan.

"I missed you." He kissed me.

'Yong amoy niya, boses niya, sobrang kilala ko iyon. Mabilis akong napaupo at agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

It was Khyfer.

Wait, dapat bukas pa siya uuwi. Mabilis akong umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya at binalingan ang analog clock sa tabi at nakitang forty-five minutes' pa bago mag-alas-dose.

"You're supposed to be here tomorrow. . ." sambit ko na hindi pa rin makapaniwala sa presensiya niya.

"Masyado kitang na-miss kaya matapos ang meeting ay kumuha na agad ako ng flight pabalik dito." He kissed my forehead then my lips.

Oh, God! This is heaven.

Umuwi si Khyfer para sa akin. I can't help but shed a trifling tear for that effort.

Umalis siya sa harapan ko saka may dinampot sa ilalim ng kama. I saw a box wrapped in gold and white ribbon.

"For you." Inabot niya iyon sa akin.

Nagtataka akong tinanggap iyon saka binuksan. Isang white laced knee length dress at isang pares ng beige flat shoes ang bumungad sa akin. Hinarap ko siya na mayroong nagtatanong na ekspresyon.

Ngumiti siya sa akin. "Wear that tonight. I'll wait for you downstairs."

"What? Saan tayo pupunta?" I asked him.

"You will know it later, for now, get fixed. Aalis tayo by twelve."

Muli niya akong hinalikan nang mabilis at saka umalis sa kama. Wala naman akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya, para lang akong nananaginip.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko mula nang maligo ako hanggang sa makapagbihis at makapag-ayos ng mukha. The dress perfectly fits me, even the shoes.

Agad naman akong bumaba at nakita si Khyfer na nakabihis din. He's wearing dark blue shorts and a gray knitted sweater on top with a pair of topsider shoes.

"God! You're so beautiful . . ." he uttered.

Hinapit niya ako sa baywang saka masuyong hinalikan. Nahiya naman ako lalo na nang makita sina Valeria na nagsi-iwas ng tingin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang papalapit kami sa dalampasigan.

"Sa kabilang bahagi nitong isla," tipid na sagot niya saka ako inalalayan na makasampa sa motorboat.

"Are we going to have an island hopping at this midnight?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Mahinang napatawa si Khyfer. Hindi niya ako sinagot pero nagkibit-balikat lang siya sa akin.

Nang umandar na ang speedboat ay napayakap na lang ako sa aking katawan. Bigla'y may nakapatong na sa balikat ko. Nakita ko si Khyfer na naglagay ng isang long cardigan blazer sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanya at binalik ang atensyon sa malawak na dagat.

EBB Series #1: One Night PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon