Chapter 03

53.4K 806 32
                                    

ONP 3: Lucky


"Is that true?"

Nilingon ako ni Elisha matapos ang balita na nakita namin. Nauna akong nakabawi sa pagkagulat.

"Yes. It won't be on the news if not," nakangiting tugon ko.

Well, it was announced that my brother and Giselle Jimenez would be getting married in the next three months. Even if it is an arranged marriage, it seems that Bryce is fine with it. Hindi ko naman siya narinig na tumutol when the first time Lolo announced it through a private dinner together with Giselle's family.

Matagal na rin naman kasi ang pagpaplano ng kasalan na iyan and Giselle is a perfect woman to be my brother's wife. Nakakasalamuha ko naman siya in some events in my family.

"The Jimenez went to the mansion for a private family dinner about five months ago. I was there when they break that news to everyone. Pero nagulat ako na sa weekend na ang engagement party. Nasa New York pa naman si Kuya until now," kuwento ko sa kanila.

"Geordane, alam mo 'to?" baling ni Elisha sa kaharap namin.

Napailing naman siya saka sinulyapan ako. "I think I was out of the country when the proposal began."

"Well, wala namang problema sa akin ang tungkol dito. Giselle is a good woman, and Bryce is at the right age to get married," I said while scanning my phone.

Ang bilis ng pagkalat ng balita and that even the social media are buzzing. Mabilis din akong pinutakte ng mga followers ko sa Instagram and Twitter asking my opinion about it.

"It's for business purposes only, right? Bryce is single for a long time, and Giselle is linked to her on-screen partner . . . Hmmm . . ." Saglit na nag-isip si Elisha bago napapitik. "It's with Arnaud Arcilla."

Sumang-ayon ako. "Well . . . showbusiness is full of drama and lies. Who knows who?"

"P-pero mukhang mabilis naman yata . . . m-malamang hindi naman mahal ng kuya mo 'yang si Giselle."

Taas ang kilay kong hinarap si Geordane nang sabihin niya iyon. Blanko lang ang mukha niya at tila hindi masaya sa balitang narinig.

Though she has a point, I still don't care. Buhay na ni Kuya 'yon, ako kasi sumusuporta lang ako sa kung ano ang sa tingin ko ang gusto ni Kuya. Since, hindi siya tumanggi sa kasalan na iyan, edi siguro pabor din siya doon kaya sino naman ako para pumagitna sa kaligayahan niya.

"Bakit parang tutol ka sa kasalan, Dane?" singit ni Elisha na may mapang-asar na ngiti.

Hindi naman agad nakapagsalita si Geordane kaya mas lalo siyang tinadtad ni Elisha. Umaariba na naman ang kadaldalan at mapang-asar na ugali niya.

"Hindi ako tutol. Hindi ko lang ini-expect—"

"Hindi mo expected na iba na ang mahal niya? Akala ko ba wala ka nang pakialam sa kanya? Hindi naman na kayo best friends, 'di ba?"

"Ewan ko sa 'yo, Elisha! Kahit paano boss ko siya. Kaya ko lang nasabi iyon dahil 'yon ang opinyon ko. Walang malisya ro'n."

Napailing na lang ako. Baka mag-away pa itong dalawa kung hindi ko pa aawatin. Elisha really loved teasing Geordane.

"Stop it, you two!" Tumayo na ako saka sinukbit ang bag ko. "I have to go. I need to go to Solstice."

"I thought you're going to rest?" Elisha asked me.

"I will. I need to fix my schedule first and tell Kelly about some changes." Napatango na lang siya.

We decided to go and bid goodbye to Geordane. Sakto rin na may mga pasyente pa siyang aasikasuhin at dalawang meetings with the board. Bago kami umalis ay nagplano kami na mag-dinner in Saturday evening para naman makapag-relax at makapag-bonding like we used to be during our teenage years.

EBB Series #1: One Night PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon