Chapter 44 : Cheerdance

821 19 0
                                    

LIAH's POV

Lumipas ang apat na araw at ito na ang pinakahihintay namin, ang cheerdance.

Abala na kaming lahat sa costumes, props, at sa paglalagay ng make-up sa mukha dahil thirty mimutes nalang at magsisimula na ang competition.

"Okay na ba ang lahat? Pumunta na tayo sa gymnasium!" sabi ko sa kanilang lahat na tinugunan naman nila ng oo.

Pinalabas ko na silang lahat dahil ako ang magsasara ng pintuan. Mag-isa nalang tuloy akong pupunta.

"Goodluck." napatigil ako at napalingon sa kanan, sa grade nine building to be specific.

Nakapalumbaba siya sa pasimano habang nakangiti sa'kin. Tipid akong ngumiti at naglakad na ulit.

Ilang araw din ang lumipas nang huli kaming nagkausap, at 'yon pa yung araw na nag-kasagutan na naman kami.

Ano ba kasing ayaw nilang malaman ko? Pero parang hindi.

Pagdating ko sa loob ng gymnasium ay maraming tao. Ang mga section na kasama sa cheerdance ay nakaupo sa gilid, nakapalibot kami sa gilid, at yung gitna ay may malaking space dahil do'n kami magpe-perform.

May kumulbit sa balikat ko kaya lumingon ako sa likod ko. Bumungad sa'kin ang isang lalaking naka cap at facemask.

"Yes?" tanong ko sa kanya pero kumaway lang siya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Natawa siya sa reaction ng mukha ko. "You're right, wala ngang makakakilala sa'kin, kahit nga ikaw hindi ako nakilala." tumatawang sabi niya na ikinalaki ng mata ko. "Kuya Henry?"

"Yep, goodluck-" natigilan siya nang makita niya ang suot ko. "Bakit naka-uniform kapa din? Hindi kapa magpapalit?"

Umiling ako. "Ako ang choreographer ng section namin, bakit pati sa sayaw kasama pa 'ko?" natatawang sagot ko sa kanya.

"Sayang, ichi-cheer pa naman kita."

"Cheer mo nalang ang section ko, ako naman ang nagturo dun eh." natawa kaming parehas ni Kuya Henry.

"Kuya." napalingon kami sa kaliwa at natigilan ako nang makita ko si Anthony na palapit sa'min. Agad kong binaling sa iba ang mata ko.

"Dala mo ba yung kotse mo?" dinig kong tanong niya kay Kuya Henry. Tumalikod ako sa kanila at humarap nalang sa pagpe-perform-an nila.

"Oo bakit?"

"Pagamit muna, may pupuntahan lang ako. Babalik ako agad." wala na akong narinig pagkatapos, nakita ko nalang si Anthony na dumaan sa gilid ko. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng gymnasium.

"Nag-away ba kayo?" napalingon ako kay Kuya Henry na nasa tabi ko na pala. "Hindi." pagsisinungaling ko.

"Bakit hindi kayo nagpansinan?" tanong pa niya. Pilit akong tumawa at tinapik ang balikat niya. "Porque't hindi lang kami nagpansinan ay magka-away na kami agad? Hanep ka din eh noh?" Pekeng tawang sagot ko pero mukhang hindi siya kumbinsido.

Nawala ang pagtawa ko nang may napagtanto ako.

Kung si Anthony...

Posibleng may nalalaman din si Kuya Henry.

"Hey, okay kalang?" nag-aalalang tanong niya sa'kin. Tumango ako bilang sagot.

"Good afternoon, for our performers for today, please proceed to the sides." Sabi ni Sir Benny na naka mic habang pinapapwesto yung mga sections sa gilid paikot sa gitna.

Riddles On The Shooting Star (to be published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon